Vince pov HINDI MAPIGILANG manggigil ni Vince sa narinig na balita tungkol sa pagkamatay ni Banjo at bakit siya ang itinuturong pumatay sa kanyang sariling tauhan? Ang huling pag-uusap nila ay upang ibalita sa kanya na nagtagumpay itong patayin si Wilma. Pagkatapos no’n ay hindi na sila nag-usap. Hindi niya na alam kung ano pa ang mga sumunod na mga nangyari. Sa tagal niya sa kanyang katungkulan ay ngayon lamang siya napahiya ng ganito. Buong pangalan niya ay nalantad sa media. Kanya-kanyang opinyon ang mga tao. Naging pulutan siya ngayon sa opisina at hindi niya mapapayagan na mangyari iyon sa kanya. Matagal niyang iningatan ang kanyang malinis na repustasyon. Hindi niya rin mapigilang hindi magtaka sa voice recorder na natagpuan sa sasakyan ni Banjo at natitiyak niyang boses niya iyon

