Carlos pov HINDI mapigilang hindi mag-alala ni Carlos para sa darating na presscon. Natatakot siya na baka kapag naglaman ng sindikato na buhay siya ay baka siya naman ang isunod sa kanyang mga magulang. Ilang buwan na rin siyang nanahimik sa pamilya ni Kuya Gabriel. Naging tahimik ang kanyang buhay sa poder ng mga ito. Kahit pa nahirapan siyang makisama noong una dahil naging parte nang buhay ng mga ito ang kanyang ama ay tinanggap pa rin siya ng mga ito at tinuring na pamilya. Ayaw niya nang ibalik ang panahon na sinisisi niya ang kanyang mga magulang kung bakit siya ang nagbabayad sa kasalanan ng mga ito. Iniisip niya na lamang na naging parte pa rin ang mga ito ng kanyang buhay kung kaya nakilala niya si Tin at ang pamilya ng mga ito. Napangiti siya nang makita niyang nakangiti sa k

