Gab’s pov BREAKING NEWS! Isang hinihinalang sindikato ang natagpuan patay sa loob ng sasakyan sa Malabon. Natagpuan din sa loob ng kanyang sasakyan ang isang Digital voice recorder kung saan ay maririnig mong inuutasan ang biktima na pumatay. Isang kilalang alagad ng batas ng itinuturing suspect. Walang iba kundi si General Vince Angeles. Ito ang huling kausap ng biktima. May kinalaman nga ba si General Vince Angeles at ang lalaking natagpuang patay sa pagkamatay ni Wilma Sandoval? Antabayanan ang mga susunod pang detalye. NAKAHINGA siya nang maluwag sa narinig na balita. Pinatay niya ang telebisyon. Worth it ang ginawa nila ni Joaquin. Ginanap niya ang kamay ni Anna. Kahit papano ay malapit na nilang makuha ang hustisya. Inaayos na rin ni Joaquin ang presscon na gaganapin. Plano nilang

