Seis

1219 Words
"HEY! I'm asking you both, where the hell is hacienda dela Vega? Do you understand or do you guys speak cave men language?!" "Aba! Bastos kang ga---" akmang tatayo si Salvador subalit agad din itong pinigilan sa braso ni Nadia. Kung tutuusin dapat nga sanang bigayan ng leksiyon ang estrangherong lalakeng kaharap, subalit ayaw din niyang mapahamak ang kababata. Tinitigan siya ni Salvador, isang nakikiusap na tingin lang ang kaniyang itinugon dito bago bumaling sa kaharap. "D-dun po ang daan," tinuro niya ang mahaba at lubak-lubak na daan papuntang hacienda. "Diretso lang po Mister..." "Tsk! Marunong din naman palang magsalita!" Mahinang mura ng lalake, bago nagmaniobra ng manibela at mabilisang umalis. Iniwanan sila ng sandamakmak na alikabok at usok. "Bumalik ka dito gago ka!" Umuubong sigaw ni Salvador. "Pasalamat ka't pinigilan lang ako ni Nadia kundi sinuntok na kita! Walang modo!" "Tama na..." Ika-ika niyang tayo, "hindi ka na nun maririnig atsaka hayaan mo na yun. Teka... Kailangan ko na palang pumunta." "Pupunta ka eh di ka nga makalakad ng maayos." "Okay lang, ano ka ba?" Tatawa-tawa niyang sabi. "Sanay na akong laging natutumba sa bike na ito." "Dapat nga sana ay tinuruan ko ang gagong iyon ng leksiyon!" "Naku huwag na! Naghahanap ka lang ng sakit ng katawan, okay na ako huwag kang mag-alala." Paniniguro niya kay Salvador. "Sige aalis na ako..." "Teka! Ihahatid na lang kita." Pilit parin nito. "Huwag na ka--" "Sige na kasi! Mamaya hindi lang tumba maabutan mo!" Hindi parin sumuko si Salvador at sa huli ay pinagbigyan na lamang niya ang kakulitan nito. ---- Masion dela Vega... "I'm so glad at dumatin ka anak..." Maluha-luhang niyakap ng Don ang bagong dating na binata. "Quit the f*cking drama old man, and don't you ever call me 'anak'. Kahit kailan hindi ka naging ama sa akin." Kumalas ito sa pagkakayakap ni Don Lorenzo. Pumamulsa ito at iginiya ang mga mata sa buong lugar, kaya hindi nito nakita ang paglungkot ng ama. "Anyway I'm not here for so whatever father and son bonding. Narito ako para kunin ang para sa akin. I'm still a dela Vega right?" Humarap ito sa ama. Napahukipkip ang Don at bumuntong hininga. "Of course you are a dela Vega. Anak kita at ako ang iyong ama. Any mistake of your mother from the past doesn't make you include in my sentiments...and anger." "Hmmm... I see," hinimas-himas nito ang baba. "Kaya pala hindi mo ako kinuha kay Mama?" He smirked. "I'm so sorry son, God knows I did my best to get you from her pero wala akong nagawa. Inilayo ka niya sa akin at itinago. He even used you just to get big money from me." Sinubukan ni Don Lorenzo ang magpaliwanag. "Stop! I don't want to hear more lies and lies!" Tinaasan nito ng boses ang Don. "Fine!" Itinaas ng Don ang dalawang kamay bilang pagsuko sa anak. "Tristan, if you badly want your part of inheritance, you'll have to stay here and work for it." "Excuse me," he chuckled, "but did I heard it right?! Part? Parte lang ang para sa akin?!" "Yes...but of course, kailangan ko rin ibigay ang parte sa mga trabahador na buong buhay nagsilbi dito sa ating hacienda." "Oh" tanging tugon nito at tinalikuran ang ama. Waring nag-iisip, kung nag-iisip nga ba ito. "Ano ba ang dapat kong gawin Tristan, anak ko? Para mapatawad mo lang ako. I promise to make it up to you..." Pumihit ito paharap ng walang ka-emo-emosyon. "Die." Tristan said right before his father's face. "Die.Don.Lorenzo.Die!" Isa-isang binigkas nito ang mga di kaaya-ayang salita. Nilagpasan niya ang tulalang ama. "And by the way," tumigil ito sa paglalakad, "I'm using my old room," at tuluyan na itong iniwan ang ama. ----- "Grabi naman yong anak ni Dun Lurinzo, ang sama pala ng ogale Ati Pit!" Yamot na sabi ni Rosita. "Naku sinabi mo pa Aling Ros!" Segunda naman ni Miyang. "Akalain mo, tatay niya pinagsabihan niya ng die! Die!" "Paano mo naman nalaman ha Miyang?" Nakapameywang na tanong ni Aling Petronila. "Kayong dalawa, wala tayo sa lugar para makialam." "Eh narinig ko kanina habang naglilinis ako ng mga malalaking bangga sa salas." "Kuh! Ikaw bata ka napa-tsismosa mo talaga!" "Segoro nelasun ng malandeng ena niya ang otak neya kaya senesese neya lahat kay Dun Lurinzu." Ani ni Aling Rosita habang patuloy ang paghiwa ng gulay. "Eh ano ba talaga nangyari noon?" Kuryosong tanong ni Miyang sa dalawang nakakatandang kasambahay. "Somama nga sa esang trabahador ang mama ne Trestan! Tapos gomawa siya ng kwintu na yong besnes partnir ni Dun Lurinzo ay kalagoyo neto piro seya pala ang gomagawa ng melagro!" "Oist! Tama na yan!" Saway ni Aling Pet, "baka makarinig sa inyo. Huwag na nating ungkatin nakaraan nila. Wala tayong pakialam sa buhay nila. Tumahimik na kayo kung hindi lalas-lasin ko mga bunganga niyo!" Tinutok nito ang kutsilyo sa kanilang dalawa. "Lalong lalo ka na Miyang! Huwag kang mag-kuwento-kuwento!" "Uu na! Uu na!" "Opo Alin Pet..." "Dapat lang ha! Baka malaman pa ng Don na nag-kukuwento tayo ng mga ganyan! Gusto mong mawalang ng trabaho?!" "Ay hindi po... Hindi na po! Promise po Aling Pet." Nakalabing sabi ni Miyang. "Hello! Magandang tanghali!" Masiglang bati ni Nadia bungad sa entrada ng malaking dirty kitchen. "Oi Nadia! Andeto ka na pala!" "Hello Nadia! Masaya ka ata ngayon!" Sabi naman ni Miyang. "Buti naman at umuwi ka, natumba ka raw kanina sabi ni Simeon." Ani ni Aling Pet. "Pinapasabi din pala niya na dadaan siya mamayang gani para ayain kang mamasyal sa sityo." "Ay opo sinabi niya po pala yun sa akin, buti naman at pinaalala niyo. Teka nga! Wow! Andami naman 'yang hinahanda niyo?" Natigilan siya saglit nang maalalang uhing-ihi na pala siya. "Oh anyare sa emo day?!" "Hehehe na-wiwi na po kasi ako! Sandali lang babalik ako! Sa Papa ho nga pala saan?" "Naroon sa kaniyang silid nagpapahinga. Bababa din yun mamaya." Sagot ni Aling Pet. "Ah oh siya! Balik lang ako! Mabubuto na na talaga itong barukan ko eh!" Natatawa niyang paalam sa tatlo. Tinakbuhan niya ang mahabang pasilyo papunta sa kaniyang silid, sa kasamaang palad, na i-lock pala niya ang kaniyang pintuan. Ihing-ihi na talaga siya, "tsk! Bakit ngayon pa nawalala ang susi?!" Anas niya. Hindi na rin niya kaya ang tumakbo papuntang kusina para dun na lang umihi. "Dito na lang ako iihi," sabi niya ss sarili at pumasok sa katabing silid. Patakbo niyang tinungo ang banyo, ni hindi man lang napansin ang lalakeng nakatayo sa tapat ng malaking binatana. "Ahhh...sarap..." Nakaramdam siya ng kaginhawaan nang ilabas niya lahat ng kaniyang ihi. "Saan ko ba kasi nailagay ang susing iyon!" Pilit niyang inaalala. "Hays," bumuntong hininga siya. Naghugas muna, tsaka sinuot ang panty. Inayos niya ang kaniyang sarili at hinarap ang salamin. Tsk! May galos pala siya sa noo. Siguro dahil yun kanina, yung na out of balance siya. Naalala niya tuloy ang guwapong suplado na iyon. "Ano kaya ang pakay nun? Baka isa sa mga kliyente ni Papa," kinakausap niya ang sarili niya, "hmmm... Cute siya..." Dagdag pa niya at ngumiti. "Makalabas na nga dito at nang matulungan ko na ang tatlong iyon," tukoy niya ang tatlong kasambahay. Pinihit niya ang seradura ng banyo at ganun na lang ang pagkasindak niya ng may isang malaking lalake ang bumungad sa kaniyang harapan. "Ay!" Tili niya at napasapo sa kaniyang dibdib. Ilang beses siyang napakurap. Tao ba ito o ano? Those deep set of cold eyes na tumatagos hanggang kaluluwa. Yun bang nakakatakot na nakaka-excite? "Who the hell are you? And what are you doing here inside my room?!" Tanong nito sa kaniya. Humithit ito sa sigarilyo at binuga ang usok sa kaniyang mukha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD