"Who the hell are you? And what are you doing here inside my room?!" Tanong nito sa kaniya. Humithit ito sa sigarilyong hawak at binuga ang usok sa kaniyang mukha.
Napa-ubo siya sa ginawa nito, ang kati sa ilong at lalamunan.
"I'm asking you!" Mahigpit siya nitong hinablot sa isang braso. "Aw," impit niyang tili sa sakit.
"T-teka l-lang!" Aniya sa lalake. Pinakatitigan ang mukha nito. He looks familiar, saan niya ba ito nakita.
"Answer now!" Mas lalo nitong hinigpit ang pagkakahawak sa kaniya. "Siguro isa kang magnanakaw noh?"
"Hindi!" Agad niyang sagot at pilit na tinatanggal ang kamay nito sa kaniya braso. "Then who the fvck are b!tch?! Anong ginagawa mo rito sa loob ng silid ko?!"
"Pwede bang pagsalitaan mo naman ako!" Pumipiksi parin siya. "You're hurting me! Hindi kita kilala! And this is not your room! Hindi nga kita kilala! Ikaw siguro ang magnanakaw! Isusumbong kita sa Papa ko!"
"You?! Magsusumbong? At sino naman kayang hampaslupang ama mo kamo ka magsusumbong?!"
"Bitawan mo nga ako! Sino ka ba?!" Nagsusumigaw na siya. Ang herodes na 'to, ito pa ang may ganang saktan siya eh ito naman ang hindi taga dito. "How dare you intruding our home!"
Naningkit ang mga mata nito. "So, ako pa ngayon ang magnanakaw?" May halong sarkasmo ang tono nito. "What a good little actress!" Hinapit siya nito sa baywang, bringing her closer to his body. Kaya abut-abot ang sindak at takot ng dalaga. "Alam mo ba kung ano ang ginagawa ko sa mga taong sinungaling?" Bulong nito sa kaniyang punong tainga, at langhap na langhap niya ang hininga nitong pinaghalong usok ng sigarilyo at mint na bubble gum. "I.teach.them.a.hard.lesson." He grins as he took a glance of her whole being. "But for you... I'll teach you the other way."
Nanlaki ang kaniyang mga mata sa sinabi nito. "bastos!" Bibigyan na sana niya ito ng sampal ngunit maagap nitong nahawakan ang kaniyang kamay.
"Don't you ever dare!" There was danger in his voice.
"Anong kaguluhan ang nangyayari dito?!" Bumukas bigla ang pintuan at niluwa dun si Don Lorenzo, hawak-hawak nito ang mamahaling baston.
Napalingon naman silang dalawa rito, hawak-hawak parin siya ng binata. Mas lalo pa atang humigpit ang pagkakahawak nito sa kaniya.
"Papa!" Nadia's voice was almost like pleading, pleading that her father would come and take her from this stranger's hands. With cold piercing eyes, nilungunan siya ng lalake. Hindi mababasa sa mukha nito ang anu mang emosyon, kung nagtataka ba ito o kung ano ba ang iniisip nito.
"Tristan, let her go." Don Lorenzo said in a stoic voice.
'Tristan pala ang pangalan nito!' Sa isip-isip ni Nadia.
The guy, Tristan, loosen his grip on her arm. Kaya agad siyang tumakbo sa kaniyang ama. Somehow she felt relieved dahil may kakampi siya, as always, as ever. Si Don Lorenzo ang kaniyang tagapagtanggol.
"I heard voices," panimula ng Don. Tumikhim ito at nilapitan si Tristan, "I thought it was other people having an arguement not until I pass through this door." Tumingin ito sa kay Nadia at ganun rin sa lalake. "I'm sorry, I did not formally introduce you to each other. Hindi sana nangyari ito."
"Don Lorenzo, so you're a sugar daddy now?!" Tristan chuckled. "Ohh... I did not know..." Nanunuya ang tingin nito sa dalaga. Kahit kailan wala talaga itong galang magsalit sa ama.
"T-teka lang hindi ko sugar---"
"Watch your tongue Tristan!" Hindi na rin napigilan ng Don ang pag-alsa ng boses sa anak. Tinawanan lamang iyon ng binata, tinaas pa nito ang dalawang kamay, saying; "okay, fine!"
"Nadia," bumaling ito sa dalaga, "this is Tristan. Tristan dela Vega, my only son."
Nadia's face flushed, anak pala ng Don ang lalakeng ito. She felt embarrased that time, dahil alam niyang isa lamang siyang sampid ng dela Vega. "A-anak?" She murmured. She saw Tristan's smile widened even more, yun bang tipong nang-aasar.
"Tristan," anito sa anak, "I'd like you to meet Nadia. I adopted her since she was thirteen years old."
"Oh now that explains why you didn't come and look for me. Nagpapaka-ama ka pala sa ibang tao," may pait sa boses nito.
"Trsitan..." Nahihirapang usal ng kaniyang ama.
"Tsk!" Tristan exasperately breath out. "I don't even know why I have to to be here!" Umiling ito at nilagpasan ang silang dalawa. Leaving them both quiet, nakikiramdam si Nadia sa kaniyang nakilalang ama. Ramdam niya ang nahihirapang loob nito.
"Pa..." Tawag niya rito.
"Pasensiya ka na anak... I apologize sa kabastusang pinakita ni Tristan." Nanghihinang umupo ito sa bakanteng upuan ng silid ng anak. Lumapit siya rito at hinawakan ang kamay nito. "O-okay lang yun Papa... Sorry din po... Hindi ko alam na may anak pala kayo... Hindi ko rin naman sinasadyang mapunta rito..." Yumuko siya.
-----
Hindi nila nakasama si Tristan sa hapunan ng gabing iyon. Buhat nang nag-walk out ito kanina at lumabas, ay hindi rin nila alam kung saan sulok ito ng hacienda.
Tahimik lamang si Don Lorenzo, pero mababanaag sa mukha nito ang pag-alala at malalim ang iniisip. Hinayaan na lamang ito ng dalaga, mas mainam ang huwag na siyang makisawsaw sa kung anong meron ang mag-ama. Usapang pamilya iyon, at alam niyang hindi siya kasali...
"Naku Nadia, pasok na tayo." Reklamo ni Miyang sa kaniya. "Ang dami ng lamok oh, tsaka malalim na ang gabi. Bakit ngayon mo pa naisipang maglaba ng mga jars na yan!" Anito sa kaniya habang walang humpay ang pagkamot at hampas nito dahil sa kagat ng lamok. Nasa likod sila ng malaking mansion, kung saan may artician well.
"Sige na Miyang... Ako na lang dito." Aniya. "May lima akong jars na kailangang hugasin, baka mga trenta minutos pa ang kakailangan ko bago matapos ko ang lahat ng ito."
"Bukas na lang kasi yan, promise tutulungan kita."
"Ay sige na... Kailangan ko na ito ngayong gabi. Para bukas tuyo na ang mga ito, isasalin na lang ang mga buhangin para maganda ang labas ng disenyo." Saglit niyang itinigil ang ginagawa, lumapit siya kay Miyang. "Matulog ka na, alam ko naman maaga pa kayong mamalengke bukas ni Aling Pet."
"Sigurado ka bang okay ka lang ditong mag-isa?" Nanantiya ang tono nito.
"Oo naman! Parang hindi naman ako nakatira dito." Kinuha niya ang tuwalyang nakasabit sa balikat nito. "Sige na... Matulog ka na. Papasok na rin ako mamaya."
"Oh siya sige..." Ngumiti sa kaniya si Miyang. "Papasok na ako huh! Atsaka pumasok ka na rin agad pagkatapos mo riyan!"
"Oo na! Oo na! Nagiging si Aling Pet ka na ah!" Natawa siya rito. Pinagtulakan niya pa itong pumasok na sa loob ng malaking dirty kitchen.
"Sure ka ha, Nadia!" Paninigurado nito.
"Sure na sure! One hundred and ninety-nine percent!" Nakitawa rin si Miyang sa kaniya. "Sige good night na sa'yo basta pumasok ka na agad." Narinig pa niyang pahabol nito.
Napailing na lang siya ng ulo sa tinuran ng kaibigan. Tinungo niya ang poso kung saan naroon parin nakalatag ang ibang jars. Kailangan niyang makagawa ng sand art bukas kahit mga thirty pieces man lang. May nag-order kasi sa kaniya ng mga ito. Kinuha niya ang isang banyera at nagsimulang mag-pump, pinuno niya iyon ng tubig at ibinabad ang ilang jar na nasabunan na niya.
Subalit natigilan siya sa kaniyang ginagawa nang may makarinig siyang kaluskos at ingay sa kung saan. Ilang distansiya lang sa poso ay puros matataas na damo na at punong kahoy ang pumapalibot sa likod ng mansion.
Palinga-linga siya sa kaniyang paligid, sa totoo lang ito ang unang pagkakataon nakaramdaman siya ng takot. Lalo pa't madilim sa parteng iyon.
Si Miyang kasi... Nagkuwento pa kanina ng mga nakakatakot na istorya.
Nakarinig ulit siya ng ingay, yun bang parang may isang mabangis na hayop...o di kaya naman ay aswang...
Stupid of her! Napailing siya ng ulo. Half of her life dito siya tumira ngayon pa siya matatakot sa aswang?!
Napatayo siya, naninindig na talaga ang kaniyang balahibo, not to mention bigla rin siyang nalamigan. Siguro dahil lumakas ang ihip ng hangin at medyo malalim na rin ang gabi.
"Mabuti pang bukas ko na lang 'to tatapusin..." Anas niya at niyakap ang sarili. Tumuwad siya para hugasan ang kaniyang kamay sa banyera, subalit sa pagtayo ganun na lang ang kaniyang pagkagimbal nang makitang nasa kaniyang harapan ang inaakala niyang asawang.
"Don't you ever dare scream or else..." Maagap nitong natakpan ang kaniyang bibig gamit ang matigas nitong kamay. Tumango-tango lang siya rito. Magkadikit ang kanilang katawan at langhap na langhap niya ang amoy alak nitong hininga. "Hmmm..." Para itong psycho killer habang inaamoy ang kaniyang buhok. "Anak ba talaga ang turin sayo ng aking ama? Or...you're just a cheap slut who is his lover! Kilala ko ang mga tulad mo!"