4

1916 Words
AKIRA'S POV Pagkatapos ng ilang oras na pag-uusap namin ay inihatid na kami nina Mommy sa condo ko. Mamaya kasi ay flight na ulit nila pabalik sa US. Ginawa lang nilang Manila to Batangas ang Manila to US. Napailing na lang ako. Sobrang halaga ba ni Kanji sa kanila para ihatid ng ganoon? Handa silang magpabalik balik from US to Manila then Manila to US para lamang ihatid si Kanji. Kayang kaya naman sigurong mag-flight ni Kanji ng mag-isa. Samantalang noong bakasyon ko, pinakiusapan ko silang magbakasyon din para magkakasama kami pero hindi nila ako nabigyan ng oras. So I spent my vacation alone. Hindi naman sa nagseselos ako pero hindi ko maiwasan ang mag-isip minsan. Hindi ko alam kung mahalaga pa ba ako sa kanila. “Mag-iingat kayo palagi dito," nakangiting sabi sa akin ni Mommy. Hanggang sa baba lang ng condo kami inihatid nina Mommy dahil may mga bibilhin pa raw sila bago sila dumeretso sa airport. Hindi naman na ako nagprisintang samahan sila dahil may pasok pa ako bukas, at isa pa, mukhang pagod itong si Kanji sa biyahe niya. “Ingat din kayo Mom," ang tanging nasabi ko na lang. Hinalikan ko sa cheeks sina Mommy and Daddy. After noon ay umalis na sila. Wala na lang sa akin kapag aalis sila dahil nasanay na ako. Parang parte na lang ng buhay namin na hindi ko sila kasama. Hindi na rin issue sa akin kung wala pang tatlong oras ko silang nakasama. Hindi na ata ako masyadong attach sa kanila kaya wala na akong maramdamang lungkot kapag umaalis sila. Tiningnan ko si Kanji na nakatayo lang sa may likuran ko. Tahimik lang din siya na sa tingin ko ay hinihintay kung anong sunod na gagawin ko. Hindi ko rin alam kung paanong kakausapin itong si Kanji kaya tahimik lang akong umakyat sa unit ko. Mukhang naintindihan naman niya na naa-awkward pa ako sa kaniya dahil hindi rin siya nagsasalita, nakasunod lang siya sa kung saan ako pumupunta. Pagkapasok namin sa unit ko ay itinuro ko lang sa kaniya ang magiging kwarto niya. Kakaunti lang ang gamit niya, isang maleta lang kasi ang dala niya kaya mukhang mga damit niya lang ang dala niya. Sabagay, ano nga ba naman ang aasahan sa mga lalaki, hindi ba? Wala naman silang kung ano-ano pang gamit maliban lang sa mga damit. Pumasok ako sa kwarto ko at kumuha ako ng extra bedsheet, mga unan at kumot na gagamitin niya. Pati towel ay kumuha na rin ako. May stock din akong mga toothbrush, sabon at shampoo kaya hindi ko na kailangang lumabas para bilhan pa siya. Nang makuha ko ang lahat ng sa tingin ko ay kailangan niya ay pumunta ako sa may kwarto niya. I knock three times before entering his room. “Pagpasensiyahan mo na lang itong extrang gamit ko,” plain kong sabi sa kaniya. Napatango naman siya kaya nagtuloy na ako sa loob ng kwarto. Inayos ko ang bed niya. Nilagyan ko ito ng bedsheet at ang mga unan ay nilagyan ko rin ng mga pillowcase. Ang mga bedsheet at punda ko ay mga plain colors lang. Mabuti na nga lang at may kulay asul ako kaya iyon na ang pinahiram ko sa kaniya. Mabango pa rin naman ang kumot ko at hindi amoy taguan. Bibilhan ko na lang siya ng mga extrang bedsheet kapag nakalabas ako sa weekend. “Hindi ko akalain na ang anak ng isa sa pinakamayamang businessman ay marunong sa mga ganyan," sabi niya sa akin. Napatingin naman ako sa kaniya. Nakatayo siya sa may pinto at deretsong nakatingin sa akin. “Hindi naman mahirap na gawain ito. Kahit sino ay kayang kayang gawin ito," seryosong sabi ko naman. Simula nang tumira akong mag-isa dito sa condo ay natuto na rin akong maging independent. Isa kasi sa kondisyon nina Daddy na hindi nila ako padadalhan ng yaya o katulong sa paglipat ko rito. Pabor naman sa akin iyon dahil mas gusto kong ako ang gumagawa rito kaysa iasa sa katulong. Tutal naman ay namumuhay na rin ko ng mag-isa, lulubusin ko na. Tumingin ako kay Shin at nakangiti ito sa akin. Hindi ko magawang ngumiti rin dahil hindi ako sanay kaya umiwas na lang ako ng tingin. Tumalikod ako sa kaniya at nagtungo sa may pintuan ng kwarto niya. “Suit yourself. Magluluto lang ako ng dinner natin," seryosong sabi ko pa. Lumabas ako ng kwarto niya at nagderetso sa kusina. Binuksan ko ang ref ko at tiningnan kung anong pwedeng lutuin ngayon. Dati walang kahirap hirap na magdecide kung anong kakainin ko, ngayon nahihirapan na ako dahil may kasama ako. Nami-miss ko na agad tuloy ang maging mag-isa. Ilang taon na rin kasi akong nakatira mag-isa dito sa condo. Umuuwi lang ako sa mansion kapag umuuwi sina Mommy. Pero bibihira lang iyon. Kapag kasi nagbabakasyon sila, pinakamatagal na ang dalawang linggo. At nagkakataon pa na may pasok ako kaya sa hapon lang talaga kami nakakapag-bonding. Kaya nga pakiramdam ko minsan ay parang hindi ko na kilala ang mga magulang ko. May mga oras na parang pakiramdam ko ay hindi talaga sila ang kasama ko. Ganoon siguro talaga kapag hindi laging nakakasama. “Anong lulutuin mo?” “Ay kabayo!” Napahawak ako sa dibdib ko nang biglang magsalita si Kanji Shin. Muntik pang malaglag ang tubig na hawak ko. Mabuti na lamang na hindi ko ito nabitawan. Hindi ko kasi naramdaman ang presensiya niya. Ni ang yabag ng mga paa niya ay hindi ko narinig man lang. Narinig ko pa ang mahihina niyang tawa kaya humarap ako sa kaniya at sinamaan siya ng tingin. Nakasandal siya sa may dining table at nakapamulsa pa. “Sa susunod, huwag kang basta basta na lang magsasalita,” inis na sabi ko sa kaniya. “Malay ko bang magugulatin ka pala," pang-aasar niya sa akin. “Ewan ko sa 'yo Mr. Shin," ganting asar ko rin sa kaniya kahit hindi ko sigurado kung naasar ba siya sa itinawag ko sa kaniya. Ngunit sa halip na magsalita siya ay lumapit siya sa akin kaya napaatras naman ako palayo. Tiningnan niya ang laman ng ref ko. “Wala kang gulay?” nagtatakang tanong niya sa akin. “Hindi ako kumakain ng gulay," tipid kong sagot sa kaniya. “Pero gulay lang ang kinakain ko," parang batang sabi naman niya sa akin. Okay. So hindi kami magkasundo pagdating sa pagkain. Tumingin ako sa relo ko at mag aalas syete na ng gabi. Bumuntong hininga ako. Pumasok ako sa kwarto ko para kuhanin ang wallet ko. “Let’s go,” seryosong sabi ko nang makabalik ako sa may salas. “Saan tayo pupunta?” kunot noong tanong pa niya sa akin. Hindi ko siya sinagot at lumabas na ako ng unit ko. Agad naman siyang sumunod sa akin kahit na hindi ko sinagot ang tanong niya. Hindi talaga ako palasalita lalo na kapag hindi ko naman ka-close. Well, wala naman akong kakilala na naging kadaldalan ko talaga. Akala ko ay hindi ko na kailangang lumabas pa dahil kumpleto ako sa gamit. Ngunit hindi ko akalain na vegetarian pala ang lalaking ito. Nakaka-konsensya naman kung pababayaan ko siya. Baka isumbong pa niya ako sa mga magulang ko at ako pa ang mapasama. “Hindi ka talaga masyadong nakikipag-usap no," sabi ni Shin sa akin habang nasa elevator kami. I prefer to call him Shin than Kanji. Mas maiksi kasi at mas madaling bigkasin. Tumingin lang ako sa kaniya at hindi nagsalita. “Sabi ko nga,” sabi niya habang ginugulo niya ang buhok niya. Lihim akong napangiti sa inasta niya. Para siyang batang hindi nabigyan ng candy. Ang cute niyang tingnan pero hindi siya cute. Cute lang ang actions niya. Since gabi na rin naman, dito na lang sa pinakamalapit na supermarket kami nagpunta. Walking distance lang ito pero bihira lang ako mamili rito. Medyo may kamahalan kasi ang mga presyo ng paninda rito. Para siyang convenience store, 24/7 siya bukas kaya medyo mahal talaga ang mga paninda. Pero okay din naman dito dahil accessible siya kapag kinailangan kong bumili ng mga pagkain katulad ngayon. “Ikaw na ang bahalang pumili ng bibilhin mo,” sabi ko kay Shin nang makapasok kami sa supermarket. Nagsalute naman siya at kumuha ng push cart. Medyo nagulat ako dahil iyong cart talaga ang kinuha niya instead na basket lang. Pinanood ko lang siya sa ginagawa niya. Kumuha siya ng maraming carrots, sayote, sitaw, kalabasa, petchay, cabbage, lettuce at marami pang iba. Lihim akong napabuntong hininga. Balak ko lang na bilihan siya ng pang-dinner niya pero ang kinukuha niya ay pang isang linggo na. Mabuti na lang at malaki iyong ref kaya hindi problema ang paglalagyan ng mga gulay niya. After niyang ilagay lahat sa push cart, tumingin siya sa akin at ngumiti na parang sinasabi niyang tapos na siyang mamili ng pagkain niya. “Mamumulubi yata ako sa'yo," plain kong sabi sa kaniya. Nabanggit sa akin ni Mommy kanina na sa akin daw dederetso ang allowance ni Shin para sa pagkain para isang bilihan na lang kami. May bukod siyang allowance para sa ibang necessity niya. Dumating na rin naman sa account ko ang allowance niya. Ang plano ko ay ipapamili ko siya doon sa supermarket na lagi kong binibilihan dahil mas mura doon. Kaso masyado siyang na-overwhelm dito at halos lahat ng gulay ang binili na niya. Sabagay, allowance naman niya ito so hindi na dapat pa akong magreklamo. “Ikaw? Imposible. Sa yaman mong iyan," sabi pa niya sa akin. Isa pa ito sa kailangan kong sabihin sa kaniya, ang pagpapanggap ko sa school. Mamaya na lang siguro sa bahay ko sasabihin sa kaniya. Pagkatapos naming mamili ay bumalik na kami sa unit ko. Agad niyang inayos ang pagkain niya sa loob ng ref ko. Mababakas sa mukha niya na masaya siya sa mga gulay niya. Natakot ba siya na gugutumin ko siya? Hindi naman ako ganoong kasamang tao para gawin sa kaniya iyon. Tahimik lang talaga ako at ito ang personality ko. “Ikaw na ang bahalang magluto ng pagkain mo. Hindi ako marunong magluto ng gulay dahil hindi ako kumakain niyan," sabi ko na lang sa kaniya. “Ikaw, anong lulutuin mo?” Actually tinatamad na akong magluto, at tinatamad na rin akong kumain. Kaya umiling na lang ako bilang sagot sa kaniya. Umupo ako sa sofa at sumunod naman siya agad sa akin. “Gusto mong ipagluto kita?” sabi niya. “Katulad ng sinabi ko sa iyo, hindi ako kumakain ng gulay. Don’t worry about me. Gusto kong magpahinga na lang muna. Bahala ka na diyan.” With that ay pumasok na ako sa kwarto ko. Naglinis ako ng katawan ko at nahiga na. Masyadong madaming nangyari ngayon. Kailangan ko pang mag-adjust dahil may kasama na ako sa unit ko. Matinding adjustment talaga ang kailangan kong gawin dahil nagsisimula na akong hindi maging komportable sa sarili kong condo. Mukhang mabait naman si Shin. Palangiti siya at hindi siya naiilang na kausapin ako. Kapag ipinagpatuloy niya iyon, baka mawala na rin ang pagkailang ko sa kaniya. And sooner, magiging komportable na ulit ako dito sa tirahan ko. Kailangan ko pa nga pala siyang kausapin tungkol sa school kaso tinatamad na akong magsalita at kausapin siya. Mamaya na lang siguro. Ipapahinga ko muna ang utak at katawan ko. At iipunin ko pa ang mga salitang dapat kong sabihin sa kaniya. Kailangan ko kasing ipaintindi sa kaniya ang sitwasyon ko sa school upang hindi ako magkaroon ng problema. At maging maayos at smooth pa rin ang lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD