Umakto si Amianna nang normal na para bang wala kaming napag-usapan pagkauwi namin. Hindi pa rin nagpo-proseso sa isip ko ang mga sinabi n'ya... ayaw kong tanggapin. Alam kong mabubuhay pa siya nang matagal. Lalabanan n'ya dahil matapang siyang bata. Naaalala ko pa ang sinagot ko sa tanong n'ya kanina... "Hindi ko kailangang mangako ng gan'yan, Amianna... Hindi maiiwan mag-isa ang Daddy mo dahil makakasama mo siya hanggang huli. Naiintindihan mo ba?" Natigilan ako nang humawak si Amianna sa kamay ko nang mapansing nakatulala ako. Agad akong napatingin sa kan'ya na nakangiti sa akin... "Ate Liah, watch na po tayo ng movie." I just smiled at her and nodded. I kissed her forehead and hugged her. Yumakap din naman siya sa baywang ko at sumandal sa balikat ko. Napailing na lang ako para pi

