"Sobrang ganda... sobrang ganda itulak." Napasinghap ako nang ilayo ni Cad ang kamay sa akin saka itinulak ang braso ko palayo kay Amianna. Napaawang na lang ang labi ko nang bahagya n'yang hinila si Amianna palayo sa akin. "Inaagaw mo na sa 'kin ang anak ko," sabi ni Cad saka napaismid. Napaawang ang labi ko sa sinabi n'ya. "Kasalanan ko bang mas nagugustuhan na 'ko ni Amianna kaysa sa 'yo?" Tinaasan ko siya ng kilay. Mahinang natawa si Amianna. "Daddy, ikaw po talaga. Shy type ka pa po kayo kay Ate Liah, e. Kinikilig ka naman po," tila nanunuksong sabi pa ni Amianna at sinundot-sundot ang tagiliran ni Cad. Inakbayan ni Cad si Amianna saka bahagyang kinurot ang pisngi nito. "Saan mo ba nalalaman ang mga gan'yan? May nalalaman ka ng kilig kilig diyan," aniya saka ginulo ang buhok ni A

