Cadence Lettiere Wala akong maramdaman. Pinapanood ko lang ang mga magulang ko na nagsisigawan habang nag-aaway sa pera. Palagi silang gan'yan pero wala akong pakialam. Naalala ko pa noong muntik na silang magsaksakan pero nanonood lang ako... walang emosyong maramdaman. Ang mga batang tulad ko ay matatakot at iiyak sa ganoong sitwasyon, pero ako... wala akong nararamdaman na kahit ano. "Ang bata bata mo pa nagbebenta ka na rito sa palengke," sabi ng ale na bumili sa akin ng gulay. Hindi ako nagsalita. Inabot ko na lang sa kan'ya ang gulay na binili n'ya para manahimik na siya... Hindi naman ako nagtatrabaho rito dahil gusto ko. Inutusan lang ako ni nanay. Mas mabuti na sa akin ang magbenta rito kaysa bugbugin nina nanay sa tuwing kailangan nila ng mapagbubuntunan ng galit. Pag-uwi k

