"Ma'am Liah... wala ka ba talagang balak kausapin 'yung boyfriend mo? Kanina ka pa n'ya hinihintay sa labas." Natigilan ako at napatingin kay Ma'am Diana nang tanungin n'ya ako. Tipid na ngumiti na lang ako sa kan'ya saka muling itinuloy ang ginagawa kong powerpoint... "Hayaan n'yo lang po siya doon." Hindi na lang kumibo si Ma'am Diana at ginawa na lang din ang trabaho n'ya. Malamang ay nakikita nila sa labas ng department si Cad. I just shook my head and looked at my watch. It's almost 2 pm, malapit na mag-start ang susunod kong klase. Hindi ko na muna dapat isipin ang Cadence na 'yon, hindi pa humuhupa ang inis ko sa kan'ya... Para sa iba mababaw ang ikinagagalit ko, pero hindi talaga ako natuwa sa ginawa n'ya. Ni hindi muna siya nagsabi sa akin bago gumawa ng mga ganoong bagay. Hind

