Mga Asong Ligaw

1622 Words

Naglalakad sa gubat ang tatlong batang lalaki, mga pawang edad labing dalawa. Galing sila sa pamimitas ng mangga sa malayong parang at dito dumaan sapagka't itong pinakamaikling lakbay pabalik ng kanilang barrio. Dalawa sa kanila'y katamtaman ang pangangatawan samantalang ang pangatlo ay bilugan. Sa dalawang nauna'y, mas maliit ang isa sa kanila nguni't tila mas may taglay na sigla, ang isa nama'y matangkad sa kanilang lahat ng halos isang dangkal. Suot nila'y tsinelas, shorts at t-shirt na ginawa nilang lagayan ng mangga na para bang sako. Masaya sila sa natamong pamimitas, umaawit, sumisipol habang tinatahak ang gubat na napapaligiran ng mga punong Mahogany na manipis ang katawan at tangkay. "Uy, hinog na ito!" hudyat ng matabang bata, hawak niya ang mangga na naninilaw na'ng kulay. "K

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD