Nagkalat ang mga basyo ng bala sa lupa. Amoy pa ang usok ng mga baril. Mainit pa ang barrel ng mga machine guns. At animo'y umaalingawngaw pa sa hangin ang sigaw ng mga sundalo't pulis na kinuha ng mga aliens. Sa tenga ni Colonel Laxamana, dinig pa niyang huling hiyaw ng kanyang mga tauhan. Nasa kanyang mga mata pa ang ala-ala habang sila'y hinatak ng ilaw tungo sa UFOs. Nakatayo ang colonel sa gitna ng battlefield. Tulala. "Colonel..." sabi ng boses mula sa kanyang likuran. Si Jang-Mi. "Are you okay?" Hindi agad nakasagot si Colonel Laxamana. "Are you..." Tumango ang opisyal. "Andy..." paalala ni Jang-Mi. "We must go to Andy." Nguni't, hindi makagalaw ang colonel sa kanyang kinatatayuan. Napupuno siya ng emosyon sa pagkawala ng napakarami sa kanyang mga tauhan—ang pagkalagas ng tas

