Nang muling silipin ni Andy sa rearview mirror ang mga UFOs ay wala na ang mga ito sa buntutan niya. Nasaan sila? Bakit sila nawala? At nang ibinalik niyang tingin sa kalsada ay natanaw ang harapan ng simbahan ng bayan ng Callejon. Bumagal ang pagpapatakbo ni Andy sa van at kanyang ipinarada ito sa harapan ng simbahan. Bumaba siya ng sasakyan at nilingon ang malawak na kalangitan at nakita lamang ang katahimikang dilim at pintig ng ilaw ng mga tala. Wala ang mga aliens, ang mga UFOs...bulong niya sa sarili. Kanyang inalisa ang maaaring dahilan at sa kanyang isip, sinabi: siguro ay nagatrasan muna sila para mangalap ng oras. Nagpaplano siguro. Alam nilang wala naman akong tatakbuhan. Nakakulong ako sa bayang ito. Makatakas man ako'y babalik pa din ako. Ako at ang bayang ito'y bihag ng is

