Controversy

2479 Words

Nagpatuloy ang ganoong set up namin ni Vaughan. Hindi na rin ako nag-absent sa trabaho. Pinili kong wag ng iwasan s'ya dahil kapag ginawa ko iyon ay lalo lang magiging komplikado. Baka lalo lang s'yang ma-curious at malaman pa ang sikreto ko.   Madalas ay papunta-punta s'ya sa opisina ko at hindi ko alam kung ano ang idinadahilan n'ya sa mga pinsan ko. O kaya naman ay hindi siguro n'ya ipinapaalam na sa akin s'ya nakikipagkita tuwing nawawala s'ya. Hindi ko na rin nakita si Shelob Aldana matapos ang unang beses na nakita ko s'ya sa labas ng Yu International. Kung saan at paano sila nagkikita ni Vaughan ay wala akong idea o mas tamang sabihing wala na akong pakialam. Kasalanan na n'yang lumalandi ang boyfriend n'ya ng hindi n'ya nalalaman! Bahala sila!   Mabilis na lumipas ang mga araw.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD