Bagong ligo at kasalukuyang nagpapatuyo ng buhok si Vaughan nang pumasok ako sa private room para magpaalam na mauuna nang umuwi. He’s currently on the phone with someone. Nagawi ang tingin ko sa topless n'yang katawan at agad nag-iwas ng tingin nang makita ko ang pulang pula n'yang balikat na muntik ko nang makagat kanina dahil sa ginawa n'ya sa akin. My face heated immediately as I vividly remember what we did just a while back! Ipinilig ko kaagad ang ulo ko para agad na iwaksi iyon sa isipan. Ayokong sabihin sa kanya na ininvite s'ya ni Mommy sa bahay ngayon para doon na mag-dinner although I just talked to Kira over the phone and she informed me that Raven was still sleeping. Ang sabi n'ya ay napagod daw kaka-takbo sa garden kaya medyo hapon na nang makatulog. Mabuti na rin iyon para

