Unti-unting nawala ang kaba na biglaan kong naramdaman kanina matapos katukin ako sa kwarto ni Daddy at ipaalam na umuwi rin kaagad si Vaughan at may iniabot lang na mga pasalubong. Kanina ay halos kaladkarin ko na si Kira sa pag-akyat sa taas para maitago si Raven. Alam kong wala naman akong dapat na ikabahala na mamumukhaan n'ya ang anak ko dahil halos lahat ng facial features n'ya ay sa akin nakuha. Madalas pa ngang mapagkamalan s'yang babae kaya palaging clean cut ang gupit. “That guy is spoiling all the people here, huh?” komento ni Euri habang kumakain kami ng umagahan at habang abala sila Mommy sa pagtingin sa mga pasalubong ni Vaughan. “Fishy,” dagdag pa n'ya matapos akong tingnan ng makahulugan. Pinandilatan ko agad s'ya. “Whoa! This item was limited! I wonder how much bucks did

