Dahil weekend at walang pasok sa opisina, kahit maaga akong nagising ay tanghali na akong lumabas ng kwarto. Nakaligo na ako nang makaramdam ng gutom at bumaba para mag-almusal. Pababa ako sa hagdanan ay naririnig ko sina Mommy at Daddy na pinag-uusapan si Vaughan. Sadyang binagalan ko ang paglalakad para marinig ang pinag-uusapan nila. Habang naririnig ko ang pangalan n'ya ay hindi ko maiwasang maalala ang nangyari kagabi. Nang makita n'ya akong luhaang nakahinto sa gilid ng daan ay hindi s'ya nagtanong ng kahit na ano. He just hugged me tight at hinayaang umiyak ng umiyak sa dibdib n'ya. S'ya na rin ang naghatid sa akin pauwi dito. Ngayon ako nakakaramdam ng hiya dahil sa nakita n'ya at sa ginawa kong pag-iyak habang yakap yakap s'ya. Napatakip ako sa mukha ko nang maalala ang nangya

