Agad na ipinarada ni Rowan ang SUV sa parking lot ng school nila kung saan madalas na naglalaro ang mga ito. Sa pagkakaalam ko ay Aldana ang nagpagawa ng covered court ng school kaya naman kahit na private at mahigpit ang security ay malayang nakakapaglaro ang magpipinsan dito. Pagkababa ko pa lang sa sasakyan ay natanawan ko na agad sa di kalayuan ang itim na Ferrari ni Vaughan. Agad na nag-init ang pisngi ko nang maalala ang ginawa kong pag-iyak sa sasakyan na iyon kagabi. Agad na nag-flashback iyon na parang kasalukuyang nangyayari sa harapan ko. "Ate Nika?" Halos mapatalon ako sa gulat nang tawagin ako ni Rowan. Nakahawak pa ako sa pinto ng SUV at hindi pa naisasara iyon kahit kanina pa ako nakababa! Sh*t, Anika! Pull yourself together! Agad na isinarado ko ang pinto ng SUV at sak

