Chapter 19
Znela
"Okay ka lang?" basag ni Theo sa katahimikan ko, nasa passenger's seat ako habang nasa backseat naman si Sam.
"A-Ah?"
"Kanina ka pa kasi tahimik habang nakatingin diyan sa phone mo, ano ba yang tinitignan mo?" tanong niya saka binalik ang tingin sa daan, nabigla ako ng inagaw ni Sam ang phone ko at tinignan din iyon.
"Ang gwapo talaga ni Papa Terrence ko!" komento niya ng makita niya ang phone ko, I bit my lower lip saka tumingin sa daan "Nakita mo na ba kung saang ospital?" tanong pa ni Sam, oo papunta kami sa ospital kung nasaan siya and mind you hindi ako ang nagpilit, si Sam!
"Edi tignan mo diyan sa mga selfie niya!" sagot ko naman.
"Sows, kanina mo pa ito tinitignan impossibleng hindi mo pa alam kung saan!" sagot naman niya sa akin kaya biglang nag-init ang mukha ko, hindi ko naman tinitignan ah, napatingin lang, k-kasi nag checheck lang ako ng account ko, di ko naman sinadya ang account niya! "Andaming concern kay Mr. Genius, siguro puno nanaman ng regalo ang kwarto niya!" dagdag pa ni Sam
"Amina na nga yan!" agaw ko pabalik sa cellphone ko, ilang minuto pa ay dumating na kami sa ospital, kumunot ang noo ko ng dinala ni Sam ang isang basket ng mga prutas na sinaglit naming binili kanina papunta dito at inaabot niya sa akin ngayon "Anong gagawin ko diyan?" tanong ko sa kanya.
"Shempre ibibigay sa may sakit!" sagot niya sa akin saka ako inirapan "Duh? Zee nanalo ka lang sa contest nawala na utak mo?" tanong pa niya kaya hinampas ko siya sa braso "Joke lang naman, hindi kana mabiro!" pahabol niya habang hinihimas ang braso.
Theo was playing on his car key ng maglakad kami papasok ng ospital, he suddenly stopped at nagsalita "I'm s-sorry, I can't go inside, hindi ko talaga tipo ang mga ospital..." napatingin ako sa kanya.
"Huh? Bakit?" tanong ni Sam pero iniwas niya ang tingin niya.
"Okay lang, sige, kami na lang..." sagot ko naman kay Theo, ngumiti siya ng matipid sa akin saka naglakad lakad na lang sa harap ng ospital. Nagtanong kami sa may lobby and luckily naibigay na rin sa amin ang room number ni Terrence. I was pouting at muntik ko ng mabangga si Sam kakatingin ko sa phone ko.
Ano ba naman ang lalaking ito, nasa ospital na nag seselfie parin? Mukha namang walang sakit, tignan mo, nagawa pang magpacute sa litrato!
"Kumatok kana!" utos sa akin ni Sam ng matigil kami sa pinto ng room ni Terrence.
"Bakit ako? Ikaw nangungulit dyan na pumunta eh!" sagot ko saka siya inirapan, hinila niya ang braso ko saka ako tinulak doon.
"Kunwari ka pa, hindi ka naman sasama kung ayaw mo siyang makita eh!" sabi niya saka malakas na tinulak ako sa may pinto, I was about to answer her ng pinihit niya ang pinto ng kwarto kaya muntik pa akong masubsob sa loob.
Nabigla ako at nanigas ng makita ko kung sino ang mga andoon. Nakatingin sila sa akin lahat at parang walang gustong magsalita. Kahit si Terrence na nakahiga sa hospital bed at nakakabit pa ang dextrose nakatingin din sa akin, pero sa lahat, siya ang unang ngumiti at nagsalita.
"Hey, you came!" sabi niya at halata ang tuwa sa mukha niya, umiwas ko ng tingin matapos makaramdam ng pag-iinit ng mukha.
Nandito ang Ate Maria niya, ang Kuya Toffer niya at higit sa lahat ang twin superstar na ngayon ko nalang ulit nakita. "She looks familiar!" sabi ni Rio kaya naiangat ko ang tingin ko "Is she your girlfriend?" she asked na may medyo mataray na tono, tumawa si Terrence.
"N-Naku hindi, ito kasing kaibigan ko gustong bisitahin si Terrence kaya napunta kami dito!" sagot ko agad saka hinila si Sam at pinatayo sa likod ko.
Nagpaalam na ang kambal kasi meron pa daw silang photoshoot na pupuntahan, kinilig pa ako ng ngumiti sa akin si Rylle, ang gwapo talaga niya, kahit si Sam na star struck din sa kambal. Nakakaloka, oo bata pa siya di hamak sa amin pero yung kagwapohan niya ibang level. Gusto namin mag pigil kasi baka makasuhan pa kami ng child abuse pero grabe kasi eh, yung mukha kasi niya yung tipo ng mag-le lead sa susunod na kababaliwang drama.
They were both wearing hoodies and caps ng lumabas ng hospital room, both of their faces were half covered, kasabay nila ang Daddy nila at ilang body guards na dumating nung tinawag na nila.
Nagpaiwan pa ang Ate ni Terrence, she is really beautiful, yung buhok niya ay naka soft curled at yung dress niya simple lang pero bagay na bagay sa kanya, sobrang bata niyang tignan parang wala siyang teenager na mga anak. Napatingin ako sa kanya, sa kilos niyang pinong pino at pagsasalita ng malumanay, napaka soft spoken niya to the point na mapapaawang ang bibig mo at mag hihintay sa bawat salita na lalabas sa bibig niya.
She smiled at him so tenderly kaya naman si Terrence mukhang gustung-gusto ang ginagawa ng ate niya, alam kaya ng Kuya niya ang pinaggagagawa ng lokong ito? Alam kaya ng Kuya niya na pinagpapantasyahan ni Terrence ang asawa niya? Ahh! Gross!
"Sa susunod kasi wag kung anu-ano ang kinakain!" sabi Mrs. Villaflor saka umupo sa gilid ng kama ni Terrence, hinaplos niya ang buhok nito matapos ayusin ang unan niya at painomin ng gamot "Daddy and Mommy will be back here in the Philippines, they were trying to get a flight as soon as possible..." sabi pa niya.
"You should have called them, sabihin mo na okay lang ako and they don't need to worry, andito ka naman para alagaan ako eh..." malambing niyang sabi saka pa hinawakan ang kamay ng ate niya, napaawang na lang ang bibig ko at tumingin sa malayo, kay lande lang ng lalaking ito!
Tumingin sa akin si Mrs. Villaflor matapos maayos si Terrence, she kindly smiled at me bago nagsalita "We met again!" bati niya, at ngumiti ako pabalik "I guess I'll leave muna para mabigyan kayo ng time..." saka siya tumingin kay Sam.
"Sam po, I'm Znela's friend..." pakilala naman ni Sam saka inabot ang kamay "I'm a fan of Villaflor's creations at fan na fan din po si Mommy ng Simply Maco, your line of perfume..." sabi pa niya, ngumiti si Mrs. Villaflor at nagpasalamat bago tuluyang lumabas ng kwarto..
Unang lumapit si Sam para ibigay ang dala niyang basket na may mga prutas "We heard that tinakbo ka dito, sana okay na ang pakiramdam mo, accept this simple gift from us..." sabi ni Sam na parang kumakausap ng isang santo, I just rolled my eyes.
"Thank you!" sabi niya at lumakad na si Sam para ilagay sa gilid ang basket na dala, doon sa tambakan ng mga regalo para kay Terrence, as we expected marami ng mga dumating, ilang oras palang siya dito sa hospital eh may greeting cards na at get well soon balloons sa paligid, para na ngang may birthday party dito eh!
"Bakit ka ba tinakbo dito?" tanong ni Sam saka humila ng upuan "Alam mo bang nag-alala kami ng sobra!"
"Talaga?" tanong ni Terrence, sila lang ang nag-uusap habang ako naka crossed arms sa may gilid "Lahat kayo?" tumango ata si Sam kaya nagsalita ulit si Terrence, ayaw ko silang tignan, bahala silang dalawa! "Pati siya?" tanong pa niya kaya napatingin na ako, nakanguso siya sa akin at saka ngumiti matapos.
"Oo naman, kaya nga sumama yan eh!" sagot naman ni Sam kaya gusto ko siyang sabunutan "Nag-iinarte lang!" dagdag pa niya "Bakit ka nga pala napunta dito?"
"Food poisoning..." sagot niya, I rolled my eyes.
"Nagpa-ospital ka dahil sa pagtatae lang?" sagot ko.
"Zee, food poisoning hindi LBM!" sita ni Sam.
"Ganoon na rin yun, pinaarte niya lang!" sagot ko naman saka umirap.
"Kumain kasi ako street foods kagabi, may naalala kasi akong tao habang kinakain iyon..." sagot niya ng makahulugan kaya bumilis ang t***k ng puso ko, napalunok ako saka tumalikod sa kanila.
Huh? Teka bakit ba ako affected. Eh di naman ako iyon. Mukha ba akong street food para maalala niya kung nakakita siya?
"Huh? May kasama kang kumakain ng street foods?" himutok ni Sam.
"Oo, dati, sana nga maulit eh, siguro iyon na lang ang hihilingin kong ipangbayad niya sa akin next time..." sagot niya ulit "Sino palang kasama niyo?" bigla niyang tanong.
"Si Theo!" sagot ko naman agad saka tumingin sa kanya "Nasa labas siya..." natahimik siya at saglit na di nagsalita.
"Ayy speaking of Theo, I'll go check him muna ah, baka kasi kinain na ng lamok sa labas, babalik na lang ako Zee!" paalam ni Sam saka mabilis na umalis ng lugar, ni hindi ko na nabanggit ang pangalan niya sa sobrang pagmamadaling lumabas doon.
Naiwan kaming dalawa ni Terrence sa loob, tahimik nung una at walang gustong magsalita. "Hey, dito ka nga sa tabi ko!" rinig kong sabi niya na parang naiirita na, bumangon siya saka kinuha ang isang upuan at doon ako pinapaupo "Dali!" utos pa niya, sumunod na lang ako, kanina pa din kasi ako nakatayo.
"Thanks for visiting me, but you don't have to worry, okay na ako at makakalabas na ako tomorrow morning..." sabi niya saka ngumiti.
"Hindi ako nag-aalala, Sam was just checking on you at sinamahan ko lang siya!" sagot ko saka umiwas ng tingin.
"Are you convincing me or yourself?" he mocked saka tumawa.
"Wala ka namang sakit eh, tignan mo nakakapang-asar ka naman eh!" sagot ko naman.
"But seriously, sobrang sakit ng tiyan ko kagabi, nahilo ako at sobrang na dehydrate ng ilang beses akong nag popo, grabe talaga!" umasim ang mukha ko matapos niyang sabihin sa akin iyon, hinampas ko siya at nagtatawa siya sa akin "Bakit?" tawa pa niya.
"Ang gross mo, bakit pati pag popo mo kailangan mong ikwento sa akin!" sita ko sa kanya that made him laughed even more.
"Tapos yung popo ko liquid na lang- AHHH!" sigaw niya ng pingutin ko siya "Aray ko naman!" angal niya pero tumawa rin agad "Sensitive naman masyado!" komento niya "T-Teka Zee, napopopo ulit ako, samahan mo ako sa CR!" sabi niya at nanlaki ang mga mata ko, tawang tawa siya sa reaction ko at parang nawiwili talaga siya.
"Pwede ba?" sita ko sa kanya at natahimik siya saglit, tumayo ako at aalis na sana ng lugar ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko at pinigilan ako sa pag-alis.
"Thank you!" bulong niya at napatigil ako dahil doon. He was holding my wrist at naramdaman ko ang pagtayo niya mula sa kama "Thank you for visiting me, it feels so good to see you around..." malalim siyang sabi at para akong kinuryente sa tuwing babanggit siya ng mga salita, napalunok ako at nanigas ng maramdaman ko na nakatayo na siya sa likuran ko.
"I was in pain last night, I couldn't walk, I couldn't even stand on my own, all were concerned about me, the doctor gave me meds pero mahina parin ako until you came." Napalunok ako matapos manuyo ang mga labi dahil sa mga sinasabi niya "Pero bakit bigla akong gumaling nung nakita kita?" tanong niya, huminga ako ng malalim saka dahan-dahang humarap sa kanya.
I looked at him, at his face, malalim din ang mga mata. If you'll look closely mapapansin mo talaga na nagkasakit siya. Sinasalubong niya ang bawat titig ko at ako ang unang sumuko, d-dahil...dahil una akong natutunaw ng mga iyon.
"Baka n-ngayon lang umipekto ang mga gamot..." sagot ko naman na hindi makatingin sakanya.
"I doubt..." he answered me with his low voice, hindi niya parin binibitawan ang kamay ko "I can't explain how happy I am when I saw you entered the room."
"B-Bakit, bakit naging masaya ka?" tanong ko na nakayuko at paputol-putol ang boses, huminga siya ng malalim saka umupo bigla sa hospital bed niya, he smiled widely sa akin bago nagsalita.
"Ewan ko, tingin mo, dahil ba na miss kita?"