Chapter 18

1427 Words
Chapter 18 Znela "Aba ateng, kay ganda naman na aura mo ngayon!" puna ni Sam kaya bigla kong tinapik tapik ang pisngi ko matapos niyang sabihing namumula din iyon. "Anong dahilan ah?" dagdag tanong pa niya. "H-Huh? Wala!" sagot ko saka umiwas ng tingin "Malamig na kasi ang panahon..." "Talaga lang huh! Eh kumusta? Anong nangyari sa inyo ni Mr. Genius?" Flashback "D-Dito na lang ako sabi eh!" hila ko sa jacket niya ng pilit niya pang inilalapit ang motor niya sa tapat ng bahay namin. "Bakit ba? Anlayo pa ng gate niyo oh!" sagot niya sa akin pero hininto rin naman ang motor. Inalis niya ang helmet niya saka inalalayan akong makababa. "Maglalakad ka pa tuloy!" "Okay lang, sabi ko naman sa iyo mas patay ako kung makikita ka nila mommy na kasama ko!" pagtataray ko sa kanya. "Gusto mo ba harapin ko pa yung parents mo?" may kayabangan pa niyang sabi, nag-init ang pinsgi ko "Sabihin mo lang, gusto mo itanan na kita?" saka siya ngumisi, hinampas ko siya ng malakas. "AWW! Joke lang yun shempre!" sagot naman niya habang hinihimas yung pinalo ko. Inabot niya sa akin yung bag ko, andun na sa loob ang trophy, nilagay na niya doon kanina bago kami umalis doon sa contest venue. "Amina yung bulaklak!" sabi ko ng hindi niya inabot sa akin iyon. "Saan ba galing ito?" tanong niya habang nakatingin doon "Kay Theo?" "Galing sa mga prof yan!" sagot ko naman, tumango siya saka inabot din sa akin. "Kala ko sa kanya!" bulong niya pero rinig ko, tinaasan ko siya ng kilay. "Eh ano ngayon kung galing sa kanya?" tanong ko naman. "Wala naman..." sagot niya saka parang may binulong bulong pa. I just shook my head. "Papasok na ako!" paalam ko, ngumiti siya saka tumango pero tinawag niya pa ako kaya naman lalo akong kinabahan. I turned my back saka siya tinignan ng masama, nag 'shh!' sign ako saka siya nilakihan ng mata. "Ayy! Sorry, sasabihin ko lang sana mas gusto kong installment ang bayad mo sa akin!" "Installment?" tanong ko na naguguluhan, tumango siya. "Oo, para lalong tumaas ang INTEREST mo sa akin!" saka niya ako kinindatan, napaawang ang bibig ko at natulala. Anong sabi niya? Kumaway na ang mokong saka umalis na rin agad. Pumasok na ako ng bahay, sinalubong ako ni Yaya, tuwang-tuwang siya dahil sa nakita niyang hawak ko, sinabi ko na rin na nanalo ako pero di ko na nilabas ang trophy. "Gusto mo bang magpaluto ako? Anong gusto mong kainin anak?" tanong niya at napatingin ako sa paligid ng bahay, tahimik at bukod sa mga kasambahay wala ng ibang tao doon. "Saan sila Mommy?" tanong ko, natahimik siya "A-Ahh nagkaroon kasi ng biglaang business meeting ang Mommy mo sa Singapore kaya hindi siya makakauwi ngayong gabi..." "Eh si Daddy?" "Anak nasa States pa ang Daddy mo, may inaayos pa din doon..."huminga ako ng malalim, ano ba ang bago? "Pero sabihin mo lang kung ano ang gusto-" "Busog po ako, sige na yaya, aakyat na ako sa taas, napagod din kasi ako ng sobra..." Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama matapos makapasok ng kwarto. Ilang minuto rin akong nakatulala at nakatingin sa kisame ng biglang tumunog ang phone ko. Mga greetings yun mula sa mga classmates at iba pang kakilala. I didn't bother to read all of them, tumayo ako saka kinuha ang bag at doon nilabas ang trophy. Naglakad ako papunta sa stock room, kung saan nakatago lahat ng mga gamit ko simula pa noong bata ako. Nakaayos lahat yun, at lagi kong nililinisan sa loob. I preserved everything, from a single piece of paper hanggang sa bato na nilalagay ng isang bully sa bag ko. I placed my trophy at the center of the room. So far ito na ang greatest achievement ko, hindi na ako pangalawa, kundi champion na! Napangiti ako saka tinitigan yun ng mabuti. Hinila ko ang isang swivel chair na andoon saka nagsulat ulit. Kumuha ako sa mga collection ko ng scented papers bago tuluyang sinimulan ang gagawin. Dear Mr. Genius, Salamat! Salamat dahil tinulungan mo akong tuparin ang isa sa mga pinapangarap ko. Paano ba ako makakabawi sa iyo? Love, Znela "Teka, bakit love?" bigla akong natigilan sa pagsusulat, ginuhitan ko iyon saka mabilis na pinalitan Nagpapasalamat, Znela :) End of flashback "Alam mo Sam, masyado ka nang chismosa!" sita ko sakanya kaya naman sumimangot siya, natigilan kami saglit at nakita ko kung paano siya napatitig sa kwentas na suot ko "S-Sam..." "A-Ahhh!" biglang sagot niya "W-Wala yun nagagandahan lang ako!" depensa niya "Gusto mo ba si Theo?" diretso kong tanong sa kanya "A-Ahh? Ano ba yan!" iwas na sagot niya "S-Sam I want you to know that there's nothing between us, magkababata lang kami, that's all!" saka ko hinawakan ang kamay niya "If you like him, I'm willing to help you!" "No Zee!" sagot niya sa akin saka hinila pabalik ang kamay "Don't ever do that, hindi ko naman siya ganun kagusto at wag kang mag-alala sa akin, h-hindi naman ako affected..." "Be sure Sam, because I don't want to lose you dahil lang sa mga ganyang bagay, you're so important to me!" "Ganun ka din sa akin Zee, wag kang mag-alala, crush lang ito, lilipas din..." sagot niya saka ngumiti. Natapos na ang breaktime namin kaya sabay na kaming bumalik ni Sam sa room. Sobrang bilis ng araw, finals week na namin next week, kaya naman dapat ulit maghanda. Parang kailan lang, freshmen lang kami, tapos ngayon kaunting push na lang makakatapos na. Sobrang nakakatuwa lang. Umupo ako sa upuan ko sabay ng pagtitig ko sa upuan ni Terrence, may bulaklak at chocolates doon. "Haay may hindi ba siya nauubusan ng manliligaw?" komento ni Sam matapos ding makita yung mga iyon doon "Ang persistent din naman talaga ng ibang babae ano?" dagdag pa niya bago tuluyang umupo sa upuan niya. Natapos ang klase pero walang dumating na Terrence, sabagay kung hindi late, absent naman ang lalaking iyon! Sabay kaming lumabas ni Sam ng room, naglakad lakad din kami ng bigla naming nakasalubong si Theo, all smile siya at gwapong gwapo! "Hey!" bati niya sabay akbay sa akin agad. Napatingin ako kay Sam. "Kumusta Champion? Di mo pa ako nalilibre ah!" pagloloko niya "Edi punta tayo sa café dyan sa likod ng building!" aya ko "Ano? Okay lang ba Sam?" tanong ko at tumango naman siya, ngumiti ako sabay tanggal ng kamay ni Theo. "Nagustuhan mo ba?" biglang tanong ni Theo sa akin ng makapasok na kami ng café. Napatingin ako sa kwentas na suot suot ko "Maganda siya, thank you by the way!" "I was at the mall ng makita ko yan at ikaw agad pumasok sa isip ko..." natigilan ako sabay ng pag-iwas ng tingin. "A-Ahh mag-oorder na lang ako..." sabi ni Sam at bigla akong nakaramdam ng hiya sa kanya. "S-Sam!" "It's okay Zee, ako na bahala!" sabi niya at inabot ko na lang ang wallet ko sa kanya, huminga ako ng malalim bago tumingin kay Theo. "Alam mo hindi mo na ako dapat binigyan ng regalo!" simula ko sa kanya "Huh? Bakit naman?" "B-Baka kasi kung ano ang isipin ng iba!" sagot ko naman "Eh ano ngayon? Kaibigan naman kita, wala na silang pakialam doon!" sagot niya saka sumandal naman sa upuan "Naiilang ka ba?" dagdag niya kaya naman napatitig ako sa kanya "S-Sa totoo lang oo..." natahimik siya "I'm sorry, wala naman akong intensyon na ganun..." nakita ko na nalungkot siya sa tinuring ko "N-No, hindi naman din yun ang ibig kong sabihin, alam mo kasi may mga taong ayaw kong saktan, a-at-" "I get it!" putol ni Theo, saka ngumiti "Let's j-just not talk about it now, kasi di ba we're celebrating?" tanong niya at nakita ko na rin si Sam na pabalik sa upuan namin. Huminga ako ng malalim saka ngumiti sa kanya "Thank you..." bulong ko at tumango na lang siya. Masaya kaming nag kwentohan, hindi ko alam kung paano pero napatag din naman bigla ang awkwardness sa pagitan naming tatlo matapos ang ilang minuto. Masaya kami at sobrang busog na busog. Tumatawa pa kami habang palabas ng café habang hawak ang take out na frappe. Naglakad kami pabalik sa may parking lot, andun kasi yung kotse ni Theo at doon ko na rin pinaantay yung sundo ko. We were in the middle of talking ng bigla kong narinig ang usapan ng mga babae "Ano pupunta ka ba ngayon?" tanong nung isa "Alam mo ba kung saang ospital?" tanong naman ng kasama niya, kumunot ang noo ko. "Oo, nagpost siya ng selfie niya sa i********: eh!" sagot naman ng isa "Haay ano kayang nangyari kay Terrence my loves? Ganun ba kalala kaya siya tinakbo sa ospital agad?" "ANO?" di ko napigilan ang sarili ko na sumingit, naglakad ako papalapit sa kanila saka sila tinanong ulit "Nasa ospital si Terrence?" "O-Oo!" sagot naman ng isa na nagtataka ata sa akin "Sinugod siya doon kagabi!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD