Chapter 26

2079 Words
Chapter 26 Znela Dear Mr. Genius, I was overwhelmed. Sobra. Hindi ko alam kung ano ang dapat sabihin sa iyo. Ang ganda dito, yung lugar, yung bahay, yung kwarto, yung mga pagkain. I must admit that. Natigil ang pagsusulat ko at agad kong pinasok iyon sa aking bag ng biglang may kumatok. "Saglit lang!" sagot ko saka inayos ang buhok saglit at pinihit ang doorknob. I was all smile ng humarap ako kay Ate Anna, napatingin ako sa tray na hawak niya, may gatas iyon. "A-Ahh salamat po." Abot ko ng dala niya. "Sariwang gatas ng kalabaw yan Miss Znela. Kung may gusto ka pang kainin sabihin mo lang at ipapadala ko dito." "A-Ahh I'm really thankful, we have maids sa bahay but they're not like you, I mean, you serve me with affection, I guess..." sabi ko na biglang nahiya. "Thank you for appreciating that. By the way Ma'am, ito po pala yung damit pantulog." Inabot niya sa akin ang isang paperbag na dala-dala niya rin. "Bukas ng umaga susunduin kayo ni Senyorito dito sa kwarto, pinapasabi din niya na lalabas kayo bukas para mamasyal sa lugar." "A-Ahh ganun ba? S-Sige, maliligo na rin ako agad at matutulog na, maraming salamat Ate Anna." --------- Nagising ako ng tumama ang sikat ng araw sa mukha ko. I had a good sleep. I smiled saka nag-unat. "Uhmm..." I groaned sabay harap sa likod ko. "Good morning Sunshine!" napadilat ako agad ng marinig ang boses niya. Sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko at ang lapad lapad ng ngiti niya "Seemed like you had a good sleep, huh?" rinig kong sabi niya. Nakahiga siya habang nakapatong ang ulo sa sinandal niyang kamay sa kama. Fresh na fresh ang mukha niya at namumula pa ang mga labi. Bigla akong napatayo matapos niyang punasan ang pisngi ko. Nanlaki ang mata ko at nagmadaling tumakbo sa harap ng salamin, Terrence laughed. "AHHHHHH!!!!!!" sigaw ko ng makita ang mukha ko, gulo gulo ang buhok na parang nanigas pa ata. "Don't worry, it's normal, lalo na kung masarap ang tulog!" sabi pa niya, agad akong pumasok sa CR pero bago ko pa naisara ang pinto narinig ko pa siyang nagsalita "CUTE KA PARIN NAMAN, DON'T WORRY!" ------------ Nakayuko ako habang kumakain. Nahihiya ako kay Terrence na di mawala ang ngiti sa labi, natapos na kaming kumain lahat lahat ganun parin ang mukha niya. Naglakad lakad ako sa garden nila. Ang ganda, sobrang ganda, yung mga nakatanim na mga bulaklakin halatang alagang-alaga, akala ko nakita ko na ang ganda ng lugar kahapon nung dumating kami pero nagkakamali pala ako. Sobrang ganda nito lalo na sa umaga. Ang bango ng hangin. Ang lamig pa. Yung mga ibon naririnig kong humuhuni. Yung mga puno ang lulusog. "Magadang umaga Senyorita." Bati sa akin ng isang hardenero. Matanda na siya, halata sa pananalita at mukha niya. "M-Magandang umaga rin po." Bati ko pabalik kahit nagulat. "T-Teka po, hindi niyo po ako Senyorita." Naiilang kong sagot, tumawa siya. "Bukod kay Senyorita Rio, kayo lang po ang dalagang pumunta dito sa mansion at isa po sa trabaho namin ang igalang lahat ng bisita ng aming mga amo." Napalunok ako. Hindi ko alam ang isasagot, like seriously? Sa panahon ngayon may ganito pa palang mga tao. Even the way sila mag salita, though nakakabigla at nakakailang minsan, most of the time naman nakaka amaze sila, lalo kung o obserbahan mo ang bawat galaw nila sa pag tra trabaho. "A-Ahh, ganun po ba?" sagot ko na lang saka tinuro pa ang malawak na garden "Sige po, maglalakad lakad lang po ako." Ngumiti siya at tinanggal ang sombrero saka yumuko. I heard someone cleared his throat "Diba ang ganda dito?" tanong niya kaya nilingon ko siya "Ayaw mo bang maging Senyorita ko?" tanong niya habang nakangisi. Hinampas ko siya kaya malakas siyang tumawa. I looked away para itago din ang ngiti. "The first time I came here, ang tingin ko sa mga tao dito ay weirdo, the way they speak, the way they treat people pero na realised ko na they are very unique, that I would trade my life in the city for these. All of these." Sabi niya ng makarating na kami sa may gilid ng garden. Napatingin ako sa harap namin. It was a magnificent view. Breathtaking. Kitang kita ko ang lawak ng lupain nila mula sa kinatatayuan namin. Kasing laki ng mga langgam ang mga taong nagtratrabaho doon. Ganun din ang mga hayop na inaalagaan nila. Tumayo siya sa likod ko at doon ko naramdaman ang dalawang kamay niya sa balikat ko. "Pumikit ka." Rinig kong sabi niya kaya ginawa ko. Naramdaman ko ang malakas na ihip ng hangin na dumampi sa balat ko. Mabango at malamig. Malayong malayo sa kung ano ang meron sa syudad. Narinig ko ang huni ng mga ibon at ilang insekto, ang sarap lang nila sa tenga. Kahit nakapikit ako, malinaw sa isip ko ang larawan ng lugar. Yung mga puno, yung mga tanim, yung mga hayop, yung mga tao. Terrence moved his hands and hugged me from the back, I was about to move and open my eyes when I heard him talk. "Shh, don't move." He said. Naramdaman ko ang pagpatong ng niya ng ulo sa kanang balikat ko. I felt his warm. I felt secured. I felt contented. "Now tell me, does it feel good?" napalunok ako, I took a deep breath and narinig ko ang pag tawa niya ng mahina ng maramdaman niya ang ginawa ko. "I'll consider that as a yes." Inalis niya ang ulo sa balikat ko saka ako hinawakan sa may kamay, I opened my eyes at napatingin doon. "Tara, ready na si Bolt." "AHH!" napatil ako ng buhatin ako ni Terrence saka ipasakay sa kabayo niyang kulay puti. "Easy Bolt, easy!" alo niya doon, tinignan niya ako habang hawak ang lubid ng kabayo "Trust him so that he will trust you too!" sabi niya sa akin. Umiling ako, feeling ko mahuhulog ako mula doon. "Ibaba mo na ako, t-this is my first time to ride a horse, nakakatakot at ayaw-" "How will you know if you like it or not if you'll not going to try?" tanong niya sa akin. Natahimik ako "Do you trust me?" tanong niya, tumango ako "Then trust him because I trust Bolt, okay?" huminga ako ng malalim. Inayos ko ang pagkakaupo at humawak sa tali ni Bolt tulad ng sabi ni Terrence. Bolt started to walk matapos siyang utusan ni Terrence. Pigil ang hininga ko sa bawat hakbang na ginagawa ng kabayo. Natatawa si Terrence sa reaction ko kaya inirapan ko siya. He was walking beside us and he let me ride Bolt. Dahan-dahan iyon, ilang minuto pa ng medyo nasanay na ako. I can feel kung gaano kalakas ang kabayo. Kala ko hindi niya ako kayang dalhin. But when I actually rode Bolt, I can feel the stability, the strength. Napanatag din ako. "See, I told you!" rinig kong sabi niya ng makarating kami sa puno ng apple at tumigil doon. Napatingin ako sa itaas ko, napangiti ako ng nakita ko kung mga mansanas na kulay green pa. "It's my first time to see an apple tree this up close." I murmured habang nakatingin doon. "Kaunti na lang sila, ilang na lang ang natira matapos yung huling bagyo na dumating dito. Those apples are special. You can't usually grow apples here in the Philippines but one of the farmers' son actually proved that it is possible. Ang alam ko scholar siya nila Ate Maria." Terrence informed me. Matagal akong napatingin sa puno nun. Ah. Ang galing. Ang galing lang. Pinalakad niya yung kabayo, dinala niya ako sa farm ng mga calamansi, natuwa ako ng makita ko ang malulusog at green na green na calamansi. Terrence helped me na makababa ng kabayo. Lumapit kami sa mga nag haharvest at nakipag-usap saglit. Binati nila ako at binati ko rin sila. "Marcos!" tawag ni Terrence sa isang lalaki na di hamak na mas matanda sa kanya. "SENYORITO?" sagot naman niya. Lumapit siya sa kanya at nagdalawang isip pa kung yayakapin niya si Terrence dahil pawisan siya dahil sa pagpipitas ng calamansi. Terrence pulled him and gave him a hug "Naku Senyorito, naibalita sa akin ng aking asawa ang tungkol sa pagdating ninyo kahapon, pasensya na kung hindi ako nakapunta agad para magpakita sa inyo." "I don't mind." Sagot ni Terrence habang nakangiti, mukhang mahal na mahal siya ng mga tao dito. "I do understand naman kung bakit hindi ka nakapunta agad, oh kumusta ang mga ani?" he asked. "Naku, mukhang swerte ang taon para sa atin ngayon, bawing bawi tayo sa mga napinsala noong nakaraang bagyo Senyorito." "Kuya Toffer and Ate Maria will be happy to hear that!" Terrence answered, napatingin sa akin yung lalaki, I smiled at him "A-Ahh I'm sorry, nakalimutan ko, Marcos, she is Znela Jimenez." Pakilala niya sa akin, inabot ko ang kamay ko at nagulat ako ng halikan niya iyon. "Kinagagalak ko na makilala ka Senyorita Znela." I was shocked, at nakita ko ang pagngiti ni Terrence sa akin. "Ang gentleman mo naman po." Sagot ko na lang saka binawi ang kamay. "Siya ang pinagkakatiwalaan namin dito sa hacienda, yung ibang kamag anak naman niya, yun naman ang namamahala sa may rancho, mababait sila at mapagkakatiwalaan. Si Ate Anna, yung asawa niya, siya naman ang bahala sa mansion." Tumango-tango ako. "It wasn't a long time ago ng inayos ang daan dito." Terrence informed me habang naglalakad sa lugar. Hawak hawak niya ang lubid ni Bolt na sumusunod sa amin. "Before walang matinong daan papunta dito, wala ring signal pero ngayon may isang cell site na ang tinayo dito kaya kahit papaano magagamit mo na ang cellphone mo." I left my phone at my room kaya I didn't bother to check it. "They are all good people, they love us and we love them back." "Pansin ko nga." Sagot ko sa kanya. Napatingin ako sa paligid habang nagsasalita "Ang swerte mo lang." sabi ko, napatigil siya sa paglalakad, ganun din ako at si Bolt "You have all these people who will not leave you." Tinignan ko siya "Alam mo na lahat sila mahal ka, na pinapahalagahan ka, na mataas ang tingin nila sa iyo, na-" "Zee..." "You're so lucky Terrence and I envy you. Sobra." "I didn't mean to-" umiling ako kaya tumigil siya sa pagsasalita. Ngumiti ako sa kanya. "I know but I think you should know kung gaano ako kainggit sa iyo." Hinarap ko siya. I looked straight into his eyes "You should know kung gaano ako kainggit sa lahat ng meron ka, sa achievements mo, sa honors mo, sa talino mo, sa family mo. Everything you have Terrence, lahat yun, lahat yun, yun yung mga bagay na simula nilabas ako dito sa mundo, I'm struggling to have. Lahat iyon meron ka, you have it all, without even doing anything." "Right now, I'm not sure kung ano ang dapat kong isagot sa iyo." sabi niya. Umiling ulit ako at ngumiti. I always say na mayabang si Terrence or presko pero ang totoo hindi naman. He never actually boasted about anything he has. Extravagant things are normal for Terrence. After all, he is a Villaflor. He got looks and brain, but he never actually used that para manakit ng tao. Money will never be an issue but he never belittled anyone in terms of that. He is a good man, it was just all me na masyadong nagpalamon sa insecurities ko sa kanya. Yes, he bullied me but I've said a lot of harsh words towards him too but instead of getting angry, inintindi niya ako, tinulungan niya ako, he guided me, he cared for me. When you get to know someone, you understand him more. Siguro, siguro ganun ang nararamdaman ko kay Terrence ngayon. "Nothing Terrence, you don't have to say anything." Lumapit siya sa akin saka binitiwan ang lubid ni Bolt but Bolt didn't run. He stayed with us. "Can I say something?" tanong niya na mahina ang boses. Tinitigan niya ako sa mga mata kaya biglang nag-init ang pisngi ko. Lumunok ako saka umiwas ng tingin sa kanya at tumango. I saw him smiled. He moved closer to me, bending down na halos sumayad na ang ilong niya sa noo ko. "You're beautiful." He whispered at biglang nagwala ang puso ko. Hindi ako nakagalaw lalo ng hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at bumulong ulit. "Everything you saw, everything you adored in this place, for me they're nothing compared to you." Dahan dahan kong sinalubong ang tingin niya, biglang nanuyo ang mga labi ko ng sa wakas magtama ang mga tingin namin. "For me, you're the most beautiful woman Znela, and I'll be the luckiest man in the world if I'll have you as mine."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD