Chapter 27
Znela
Hindi ako nakasagot agad sa sinabi niya. Hindi ko alam kung saan ako titingin o kung sasalubungin ko ba ang mga titig niya. I looked down pero inangat ni Terrence ang tingin ko.
"From now on, ayaw kong yumuyuko ka. Znela, hindi mo alam kung ilang tao ang napapangiti mo sa tuwing makikita ang mukha mo, please be confindent."
Inalis ko ang kamay niya ng dahan dahan saka umiwas ng tingin, hindi ko talaga kayang salubungin ang tingin niya matapos magwala ng puso ko dahil sa mga sinabi niya kanina.
Napansin niya ang reaction ko kaya naman nagsalita siya ulit. "No pressure Zee. I just blurted out what's inside my head. I'm just being honest here. No need to feel uncomfortable."
Naglakad lakad pa kami sa buong hacienda nila. Nakarating kami sa parte kung saan nakatirik yung mga bahay kubo na andun. Sinalubong kami ng ngiti at pagbati ng mga andun, siguro nga sobrang bait nila sa mga tao nila dito kaya ganito din sila mahalin.
"Magandang araw Senyorito." Yumuko sila ng unti sabay ng pagbati na iyon. "Magandang araw magandang binibini." Bati din nila sa akin. I smiled.
"Yan na ba yun?" tanong ni Terrence sa matandang nasa harap. Nakatingin siya sa mga bahay-kubo na mukhang bagong tayo. Yung mga bahay kubo na nakikita sa mga resorts, yung may mga sariling kwarto at maganda sa mata, ganun ang mga bahay kubo na andito.
"Opo Senyorito, nagpapasalamat nga po kami sa iyong Kuya dahil sa mga bagong bahay kubo." Sagot niya habang gumagala kami sa lugar. Maraming mga babae at mga bata ang nakatingin sa amin habang naglalakad palibot doon "Isang daang bahay kubo para sa mga taga-dito." Dagdag pa niya.
Napatingin ako sa lalaking lumapit saka kinuha ang lubid ni Bolt, binati niya ako saka naglakad at sumunod din sa amin. Ilang minuto pa sila nag-usap ng inihatid na rin kami sa may labasan. "Akala ko sa susunod na mga araw pa kayo darating kasama ng iyong Ate Maria." Rinig ko.
"Actually biglaan din talaga ang pagpunta namin dito Tatay Selo, pero mas maganda na iyon para makatulong din naman kami preparation ng kasal ng apo ninyo, ano po?" malapad na ngumiti ang matanda sa kanya saka inabot ang kamay ni Terrence.
"Maraming maraming salamat sa malaking regalo na binigay ninyo sa aming pamilya Senyorito, nawa'y ipaabot ninyo ang pagbati at pagpapasalamat ko kay Senyorita Maria at Senyorito Toffer." Ngumiti lang siya saka kinuha ang lubid ni Bolt.
"Alam niyo namang hindi na kayo iba sa amin." Agad din naman niyang sagot.
This side of Terrence is much warmer. You can feel the sincerity in his every words. Alam mong totoo, the way people welcomed him. You'll know right away that his family is really kind.
"Are you hungry?" he asked me saka nilahad ang kamay.
"Medyo." I honestly answered him, he smiled at me saka inalalayan niya akong makasakay ulit kay Bolt.
Akala ko ako lang nanaman ang sasakay sa kanya but to my surprise sumakay din si Terrence kaya naman para akong kinuryente ng maramdaman ko sa likod ko ang dibdib niya. Naamoy ko rin yung pabango niya na lalaking lalaki.
"A-Ahhh." Singhal ko ng kinuha niya ang kamay ko saka pinatong sa batok ni Bolt.
Hawak hawak niya ang lubid nito habang pwinepwesto ang sarili .
"Trust me, okay?" bulong niya at hindi ko na nagawang sumagot ng bigla niyang sinipa ang kabayo dahilan para tumakbo ito ng mabilis. Napatili pa ako dahil doon kaya tumawa nanaman siya. Medyo masakit sa pagitan ng binti dahil para kaming tumatalbog pero nung tumagal na medyo nasanay na ako.
Halos magkayakap kami ni Terrence habang pinapatakbo niya ng mabilis Bolt.
"H-Hindi ko alam na marunong kang mangabayo." Sabi ko sa kanya
"Sobrang galing kong mangabayo." Sagot niya sa akin na parang may ibang ibig sabihin, nanahimik ako, tumawa siya.
Nakarating kami ng mansion at doon may sumalubong ulit na mga katulong. Una siyang bumaba saka ako binuhat pababa kay Bolt. Napalunok pa ako at nag-init ang pisngi ng muntik masubsob ako sa dibdib ni Terrence matapos gumalaw ni Bolt habang bumababa ako.
"A-Ahh sorry." Hingi ko ng tawad kay Terrence.
He chuckled bago ako sinagot "Looks like Bolt likes you." He said saka hinaplos siya. I just looked away at nauna ng pumasok sa loob, narinig ko nanaman ang tawa niya.
-----------
"Yes Ate, sorry hindi ko na nasabi sa iyo pero andito na ako, don't worry okay?" natigil ako ng makita ko si Terrence sa may veranda.
May kausap siya sa telepono habang nakatitig sa ibaba, sa may garden. Hapon na pero yung ganda ng lugar hindi parin nangungupas. I was about to walk away from there ng humarap si Terrence saka tinaas ang kamay na parang nagsasabi na antayin ko siya. Tumayo ako doon gaya ng gusto niya.
"Okay, I'll just wait you here. No. No. That's not a problem anymore, meron na, wag kana maghanap, okay Ate, take care."
Napayuko ako ng papalapit na si Terrence sa akin. Nakapagbihis na siya tulad ko, bagong ligo siya kaya amoy na amoy ko yung body wash na ginamit niya.
"How are you?" tanong niya sa akin. "Kanina ka pa?" umiling ako bilang sagot.
"M-Mom was calling to me kanina but my phone died" Pagsabi ko ng totoo, nakita ko ang pagiging worried niya.
"What did she say?"
"She asked me where I am, Yaya told her na hindi kasi ako umuwi."
"What did you say?"
"I said that I went to some place na nagpapasaya sa akin ngayon." I honestly replied at him nakita ko ang pagngiti niya. I looked at him and bit my lower lip "I also told her that she doesn't need to worry because I am safe and happy here."
Lumapit si Terrence sa akin habang malapad na nakangiti. "Did she scold you?" umiling ako.
"Namatay na yung phone ko bago pa niya nagawa yun." And I chuckled.
"I am happy." Bulong niya kaya tinignan ko siya
"A-Ahh?"
"I am happy because you're happy. Tara, dadalhin kita sa mga kapatid ni Bolt." Aya niya saka hinawakan ang kamay ko, I smiled and happily walked with him.
----------
Hindi ko alam kung paano ako haharap sa Ate at Kuya ni Terrence, pati kila Rylle at Rio. Hindi ko rin alam kung ano ang tumatakbo sa isip nila ngayon at nakita nila akong kasama si Terrence. Rio was looking at me kanina pa, kala mo pinagmamasdan lahat ng galaw ko. Nabigla rin ako sa pagdating nila kanina. Kaba, takot, hiya, lahat yun nag halo halo ngayon.
"Are you nervous iha?" tanong ni Ate Maria sa akin, saka kinuha ang dalawa kong kamay at hinawakan iyon "Sige ka baka masira ang palda mo niyan." Pagbibiro niya matapos alisin ang kamay ko na nakakuyom habang nakahawak sa palda. She sweetly smiled at me "Wag kang mag-alala, hindi ka namin kakainin."
"A-Ahh hindi naman po, medyo nahihiya lang ako." Saka ako napatingin kay Terrence na parang wala lang sa kanya ang lahat at ang saya saya pa.
"You don't have to, we are family, your family." She assured me that made my heart pound. "Did you like the place?" she asked at mabilis akong tumango. Ngumiti siya ulit at tinignan ako.
"B-Bakit po?" I asked.
"Wala naman." Sagot niya na nakangiti parin "I just didn't imagine that I will meet you again, here." She replied at tumango tango na lang ako.
Inihatid ko na lang sila ng tingin ng umakyat sila papunta sa kani-kanilang kwarto. Tinapunan pa ako ng mabilis na tingin ni Rio bago tuluyang umakyat, napalunok ako at napatingin kay Terrence. He winked at me saka tinaas baba ang kilay. I just shook my head.
-------
Busy ang lahat sa paghahanda ng gaganaping kasal. Yun ang naririnig ko sa mga tao dito. Engrande, ang gumastos kasi ay sila Terrence. Halos patapos ng ayusin ang garden, doon na rin ata gaganapin ang reception.
"Garden wedding." Natingin ako sa nagsalita sa tabi ko.
"R-Rio." Usal ko, she smiled at me pero hindi ko alam kung totoo o may halong kamalditahan.
"Hi!" she greeted me "So, are you my Tito's girlfriend?" she asked kaya mabilis akong tumanggi "Ooh, so nililigawan palang." She concluded, I didn't answer.
"I may look maldita to you but I'm not." She said kaya napatingin ako sa kanya "Well, a little siguro pero I'm mabait naman." Patuloy niya "He is my favorite Tito and he is my only Tito kaya if ever na you'll hurt him, you better hide sa darkest part of the earth dahil kahit anong gawin mo, I'll hunt you down." Babala niya sa akin.
I cleared my throat at bumilis ang pagkurap dahil sa sinabi niya "A-Ahh hindi naman ako ganun..." sagot ko na lang.
"RIO!" sabay kaming napatingin ng tinawag siya ni Terrence na naglalakad kasabay ni Rylle. Rio glared at me bago ngumiti sa kakambal at Tito niya. Nakita ko ang paghila ni Rylle kay Rio saka dinala kung saan, Terrence was smiling at me habang nakabulsa ang mga kamay.
"May ipapakita ako sa iyo!" aniya saka hinila ang kamay ko. Dinala niya ako sa kwarto at doon pinakita ang gown sa akin.
"B-Bakit yan?" tanong ko.
"Isusuot mo, mamaya." Simpleng sagot niya.
"A-Ah?"
"Bakit, ayaw mo bang maging partner ko?" he asked saka naupo sa kama, katabi ng gown na nakaladlad doon.
"Partner? Saan?"
"Sa kasal! After ng lahat ng ginawa ko you will let me walk down the aisle na mag-isa?" tanong niya "I'm one of the sponsors and I want you to be my partner." He declared.
"A-Ah? H-Hindi ako ready." Sagot ko sa kanya, ngumiti siya saka lumapit sa akin. Nanigas ako ng maramdaman ko ang magkabilang kamay niya sa pisngi ko kasunod nun ang paglapit ng mukha niya.
"Then tell me what do I need to do to make you ready..." bulong niya sa akin na may halong kalokohan. Kinurot ko siya sa tagiliran kaya narinig ko ang pagtawa niya.
"Tumigil ka nga, baka may makarinig sa iyo kung ano ang isipin!" umupo siya sa kama ulit bago ako sinagot.
"Fine but you will come with me later, okay?" inabot niya ang ilong ko saka pinisil iyon "Saka sabi ko naman sa iyo, kahit hindi ka mag-ayos maganda kana. Kaya mamaya, wag ka masyadong mag-ayos at magpaganda baka maagawan ko pa sila ng pwesto at mapakasalan pa kita!"