Chapter 38

1855 Words
Chapter 38 Znela Sam did help Terrence sa pag-aalaga sa akin ngayon. Buong araw siyang nag stay dito sa hospital at binatayan ako. She let Terrence sleep, naawa na rin siya siguro sa kalagayan niya. Mom and Dad visited me pero hindi ko sila hinaharap. I always give them cold shoulders at hindi naman na nila pinagpipilitan ang sarili nila. I heard Theo sent me flowers and foods, pero hindi ako interesado. "Do you want to eat?" tanong ni Sam sa akin, ngumiti ako at nakatingin lang sa kanya. As the days pass, ramdam ko ang paghihina ng katawan ko. Ilang gabing domo-doble ang sakit na nararamdaman ko lalo na sa may head area and there were times na kahit vision ko naaapektohan na rin. I want to pity myself dahil sa nararamdaman. I want to ask the world why me? Pero matapos kong makita ang ginagawa ni Sam at Terrence after saying hurtful words to them during my attacks, napag-isip isip ko, I'm one of the luckiest person in the world for having both of them at dapat akong magpasalamat dahil doon. Wala na lang akong magawa kundi umiyak ng tahimik. Unti unti na ring nagbabago ang mukha ko, ang katawan ko at parang sa pag daan ng oras unti unti ko na ring di makilala ang sarili ko. There were times I can't even hold a glass. Terrence didn't let me to, after the last incident na nabasag ko iyon habang umiinom. Sinubuan ako ni Sam ng mashed apples. Ngumiti ako sa kanya at sa tuwing gagawin ko iyon hindi niya maiwasan ang maiyak "N-Nasabi ko na ba sa iyo na masaya ako dahil naging kaibigan kita?" I looked at her saka inabot ang kamay niya at pinisil iyon "S-Sam isa ka sa mga taong nagpapalakas sa akin ngayon. Maraming salamat." Pinunasan niya ang pisngi ko saka ngumiti din "Zee, ikaw lang ang kaibigan ko at alam mong hindi kita iiwan. Wala man ako sa tabi mo, tandaan mo lagi akong nasa puso mo." Sagot niya sa akin. "Tignan mo ito!" nilabas niya yung mga cards na galing sa school, she handed it over me "They are all wishing you to get well soon Zee. Sabi ko nga dapat may special graduation ceremony para sa iyo eh, sabi ko okay lang na maglakad ka mag-isa suot ang toga mo, basta after lahat ng ito, pag magaling kana, pangako mo, mag bo-bonding tayo ah?" she looked away after saying that. Pinunasan niya ang pinsgi niya at tumingala para pigilan ang pag-iyak. I gently squeezed her hand "P-Pangako Sam..." sagot ko sa kanya "Libre k-ko lahat!" at sabay kaming mahinang tumawa. Napatingin ako kay Terrence na nakahiga sa sofa, I ordered Sam na bigyan siya ng kumot dahil may kalamigan sa loob. Galing na dito sila Ate Maria at Kuya Toffer, they paid me a visit at natutuwa ako dahil ginawa nila iyon. Ate Maria urged Terrence to go home pero ayaw niya kaya napilitan na lang sila na dalhan siya ng mga gamit niya dito. Three days from now, graduation day na namin. I was supposed to march with my Mom wearing the black toga. I was supposed to have a special speech for receiving the special award and for being the batch's magna c*m laude. I was supposed to help the coordinating council in preparing all the needed materials for the said event pero hindi...h-hindi ko na kayang gawin lahat iyon. And I am here, lying in a hospital bed at hindi alam kung kailan ulit aatakihin ng sakit. N-Nahihiya ako kay Terrence, nahihiya ako dahil ngayon, dahil dapat ngayon nagsasaya siya at nag cecelebrate para sa mga awards na makukuha niya. He should be celebrating, spending his life with bliss pero heto siya, k-kasama ako. Sleepless nights, endless pain, h-hindi ko alam. H-Hindi ko alam kung hanggang saan pa ang kaya namin. Twenty years of my life, lahat ginawa ko para maabot lahat ng ito but all those foundations I've made na akala ko matibay na, na mataas na, n-natibag lang ng ganun kabilis. "Alam mo Zee, wala namang masama kung pumayag ka sa surgery na gusto nila." Sam opened up to me "Kung yun lang ang paraan para bumalik sa lahat ang dati, bakit hindi natin subukan?" "I will forget you." Sagot ko sa kanya "I will forget Terrence. I w-will forget who I am, tingin mo Sam, magiging normal lang ang lahat? No! The moment I knew that this sickness is eating me, a-alam ko na, alam ko ng hindi na babalik sa dati ang lahat." "N-Nandito lang naman kami, siguro sa pag gising mo hindi mo kami maaalala agad pero hindi ibig sabihin nun na hindi mo na kami maaalala kahit kailan!" sagot niya saka hinawakan ang kamay ko "Zee, ipapaalala ko sa iyo lahat, kung gaano ka kabuting kaibigan, k-kung gaano ka kabait, katalino, kagaling, kung gaano mo kamahal si Terrence, kung gaano niyo kamahal ang isa't isa, ipapaalala ko sa iyo lahat. Pangako!" "N-Natatakot ako..." pag-amin ko sa kanya "I will be vulnerable that time. Magsisimula ulit ako sa simula. L-Lahat Sam, lahat ng ginawa ko, lahat pinaghirapan ko, m-mapupunta lang sa wala..." "Alam mo Zee minsan kailangan mong isuko ang ilang bagay hindi dahil hindi iyon para sa iyo pero dahil may mas malaking bagay na paparating." She smiled at me "Mas maganda ng magsimula ka ulit kesa ipagpatuloy ang isang bagay na alam mo namang mali." Sam hugged me tightly "Please Zee, please consider the surgery..." Narinig ko ang pag-ungol ni Terrence kasunod nun ang pagbukas ng mata niya at pag-uunat. I smiled at him "Tignan mo siya, hindi siya nawawalan ng pag-asa sa iyo." Mahinang sabi ni Sam "Sana wag mong ipagkait yung pag-asa na inaantay niya dahil lang natatakot kang mawala ang ilang bagay na alam nating lahat na pwede namang palitan..." tumayo siya saka kinuha ang bag "Uuwi muna ako Zee..." "M-May driver ka ba?" tanong ko sa kanya. "Oo, nag-aantay siya sa labas." Sagot niya sa akin, nagpaalam siya kay Terrence pero bago yun mahigpit niya akong niyakap "Zee..." bulong niya sa akin habang ginagawa iyon "Mahal na m-mahal kita, laging mong tandaan yan ah!" hindi ko alam kung bakit saglit na tumulo ang luha niya matapos niyang sabihin iyon. Kumaway siya sa akin pero bago pa siya makaalis, she left a piece of paper and a pen for me. "I know you love writing, until we see each other again..." paalam niya at hinatid ko na lang siya ng tingin. "Do you need something?" tanong ni Terrence sa akin "Pwede mo ba akong bigyan ng maliit na table?" tanong ko sa kanya "I want to write." He smiled at me saka inabot yung maliit na mesa at pinatong sa kama "Do you need anything more?" tanong pa niya at umiling na lang ako saka ngumiti. Lumapit siya sa akin saka ako hinalikan sa may noo. "Please rest Terrence, you also need that." Tumango siya sa akin saka bumalik sa sofa. Pinagmasdan ko siya ng ilang minuto. Ang gwapo niyang mukha na hindi na maitatago ang pagod. Ang mga labi niya, ang mga kilay, ang ilong. H-Hanggang kailan ko pa kaya makikita iyon? I looked down saka nagsimulang magsulat. Kahit mahirap, kahit nanginginig at nanghihina ang kamay pinilit ko paring magsulat. Dear Terrence, I always ask myself kung kailan mo kaya mababasa lahat ng sulat ko well I guess I have the answer now. Salamat. Salamat sa lahat ng binigay mo sa akin. Salamat sa pagmamahal na pinakita at pinadama mo. Salamat dahil hindi ka napapagod sa pag-intindi sa akin. Salamat dahil kahit kailan hindi mo ako iniwan. Hindi ko man masabi ng harapan pero Terrence, mahal na mahal kita. Mahal na mahal kita at takot na takot ako sa tuwing iisipin ko na bilang na lang ang araw na makakasama kita. Terrence, I want to marry you, ikaw lang ang lalaking pumasok sa isip at puso ko. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ng marinig ko sa mga labi mo iyon. Hindi mo alam kung gaano mo binago ang buhay ko. I want to spend more time with you. I want to spend my whole life with you pero paano? Paano pa magiging possible lang lahat? Kung mabasa mo man ito, sana lagi mong tandaan at wag kalimutan na minsan may Znela na dumaan sa buhay mo. Mahal na mahal kita. Mahal na mahal kita Terrence Villaflor. Znela Doon pumatak ang luha na hindi ko alam kung kailan mauubos. I folded the paper saka siniksik iyon sa bag. I tried to walk papunta kay Terrence, it was hard but I did it. Hindi niya namalayan ang paglapit ko sa kanya. I sat on the floor habang nakatitig sa kanya. "I don't want to risk all those moments we spent together. Ayaw kong pahabain ang paghihirap mo ng dahil lang sa akin." Bulong ko habang nakatitig sa kanya. Nilapat ko ang mga labi ko sa noo niya saka bumulong "I'm s-sorry. I'm sorry..." --------- Nagising ako matapos maramdaman ang paggalaw ni Terrence tabi ko, pinapalitan niya yung bulalak sa may bedside cabinet. Ngumiti siya saka hinaplos ang buhok ko matapos akong makitang nagising "Hello beautiful." Bati niya sa akin. Inabot niya ang kamay ko saka mabilis na dinampian ng halik ang mga labi ko. "A-Anong oras na?" tanong ko sa kanya "Malapit ng mag-dinner, pupunta sila Ate dito para dalhan ka ng pagkain." Sagot niya sa akin "Are you sure you don't want to go home?" tanong ko. "Zee, pinag-usapan na natin ito di ba?" "Kasi nakikita ko na nahihirapan kang matulog sa sofa!" sagot ko sa kanya "Oh mamaya tabi na tayo sa kama!" sagot niya sa akin saka ako kinindatan, I smiled "Yan, mas maganda ka kung ngumingiti!" sabi niya saka marahan na pinisil ang pisngi ko. Aabutin ko sana yung vase para tulungan siya ng bigla kong nasagi yung baso, nabasag agad iyon. "I'm s-sorry..." agad na hingi ko ng tawad kay Terrence "No it's okay." Sagot niya saka ngumiti. Hindi ko alam kung bakit pero para akong nakaramdam ng matinding takot at kaba. Pumunta sa CR si Terrence para kunin yung trash can at nilinisan din agad yung nabasag na baso. "Why?" tanong niya sa akin matapos makita ang mukha ko. "I d-don't know. S-Something is wrong..." sagot ko sa kanya. "Bakit may masakit ba sa iyo?" tanong niya sa akin, umiling ako. "H-Hindi, w-wala..." sagot ko saka tinignan niya "T-Terrence-" napatingin kaming pareho ng tumunog ang cellphone ko. Number ni Sam ang nag flash doon. "SAM?" agad kong bungad, mabilis ang t***k ng puso ko "Sam bakit?" ulit ko. "It's her M-Mom..." sagot sa kabilang linya kaya kumunot ang noo ko. "Y-Yes Tita? Bakit po?" tanong ko sa kanya "Z-Znela..." narinig ko ang paggaral-gal ng boses niya. "T-Tita what's wrong? Saan po si Sam?" may pag-aalala ko ng tanong. "S-She's gone..." and her voice broke "G-Gone? B-Bakit po? Saan siya pumunta? G-Galing lang siya kanina dito, yun talagang babaeng iyon pinag-aalala nanaman po kayo ano?" hindi ko mapigilan ang panginginig ng kamay ko habang sinasabi iyon. "Znela, S-Sam is gone, naaksidente ang kotse na sinasakyan niya habang pauwi kanina..." Hindi ko alam kung ano ang isasagot. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ko. Parang may malakas ng tunog ang biglang nagpabingi sa akin matapos niyang sabihin iyon. "K-Kinuha na siya sa atin, w-wala na ang anak ko..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD