Chapter 39

1556 Words
Chapter 39 Znela Sana, s-sana panaginip lang ang lahat. S-Sana hindi totoo. S-Sana matapos na ang bangungot na ito. "Z-Zee..." napatingin ako kay Terrence matapos niyang ialok ang kamay, he helped me sat on my wheelchair matapos na rin akong tulungan ni Yayang makapagbihis. It's Sam's funeral. Tulala ako at hindi parin makapaniwala sa nangyari. Papasok kami ng funeral home habang tulak tulak ni Terrence ang wheelchair. L-Lahat sila andun. Y-Yung mga classmates namin, yung mga professors, yung iba naming mga kakilala at yung parents ni Sam. I tried to stand up matapos huminto sa harap nila. Tita Bernadeth hugged me tightly matapos akong makita. She was crying at kitang kita sa maga niyang mga mata that she hasn't stop for doing so. "I-I'm sorry..." bulong ko sa kanya habang yakap yakap siya. She cupped my face and looked at me in the eye. "I k-know that she is happy right now." Sagot niya sa akin "M-Mahirap tanggapin, n-nag-iisa ko siyang anak, if I could just trade myself para bumalik siya, gagawin ko!" "T-Tita..." inalalayan ako ni Terrence sa paglalakad hanggang sa makalapit kami sa kabaong ni Sam. I broke down matapos makita ang mukha niya. I hugged the coffin at doon nagpatuloy sa pag-iyak. "W-Why?" tanong ko sa kanya ng paulit ulit "W-Why did you leave me so suddenly?" Para akong dinudurog sa sakit matapos makita ang bangkay niya. It was a tragic car accident. Hindi na siya nakaabot ng ospital ng buhay, ganun din ang driver niya. I feel somehow guilty matapos ang mangyari sa kanya. Sam was a very good f-friend, a very good one kaya s-siguro siya kinuha sa akin agad. "D-Diba nangako tayo? Mag b-bonding pa tayo di ba?" sabi ko habang humahagulgol sa harap niya. "S-Sam naman eh! B-Bakit ba ang daya daya mo?" naramdaman ko ang paghawak ni Terrence sa magkabilang braso ko. He hugged me and again sa kanya nanaman ako kumuha ng lakas. S-Sa kanya naman ako sumandal. S-Sa kanya nanaman ako tumakbo. I was delivering my eulogy for Sam. I was standing in front of the people who loves her so much. Marami sila, m-marami kami. I took a deep breath bago pinalakas ang loob. I saw Terrence sitting on the front row, katabi niya ang parents ni Sam habang nag-hihintay sa sasabihin ko. I cleared my throat saka pilit na pinigilan ang pag-iyak. I have to be strong kahit ngayon lang. K-kahit for Sam lang. "Sam and I were friends long enough to know each other very well." Simula ko. "I remember the first time we've met. She was the one who approached me. K-Knowing Sam, she was so lovely, so high-spirited, so k-kind, so l-loving..." hindi ko na napigilan ang pagpatak ng mga luha ko matapos makita ang pagluha na din ng mga magulang ni Sam. "She taught me so many things in life and I know kung hindi sa kanya, hindi ko yun matututunan sa iba. She v-values friendship and I value her as much as she values me. S-Sam is a friend that will never leave you, S-Sam is a friend that will never hurt you. I'm s-sorry Sam, I'm so s-sorry for being so stubborn at times na minsan ko hindi ko na n-na-co-consider ang feelings mo." "Sam is always there whether you need her or not. She'll cheer you up, ipapa ramdam niya that you must enjoy life. If I were to compare both of us, I am like the moon and she's my sun." "S-Sam was like a sister to me. A sister that I never had. I-Ikaw lang ang kaibigan ko at alam mo kung paano ako nagpapasalamat sa iyo. T-Thank you Sam for spending your last hours w-with me. I'm s-sorry, I'm sorry..." and I broke down habang umiiyak, Terrence hurriedly run towards me para tulungan ako sa pagtayo. Lumapit din sa akin ang parents niya, sila Tita saka ako niyakap ng mahigpit "I'm s-sorry, I'm sorry..." paulit ulit kong hingi ng tawad, she cupped my face and shook her head. "She loves you." Sabi niya sa akin "Sam loves you that much and I don't blame you or anyone sa accident na ito. It is hard for us p-pero kailangan na nating tanggapin. She's now with our creator at alam kong h-hinding hindi niya tayo papabayaan..." I took a glance to her big picture na naka display. They choose her graduation picture, she was smiling. S-She was beautiful. S-She was full of life sa larawang iyon. We can see behind that smile the fulfillment she has. How proud and happy she was. I lost not just a friend, but a true friend. "P-Please be h-happy Sam, please be happy wherever you are now..." --------- Days passed pero parang kahapon lang nagsimula ang lahat. Terrence was wiping my lips matapos kong magsuka. Lately parang hindi na tinatanggap ng katawan ko ang mga kinakain ko. I feel so weak, so numb. Nakatulala lang ako habang pilit na pinapasaya ni Terrence. I appreciate all his efforts at walang nakakaalam kung gaano ako nagpapasalamat sa kanya para doon. "Z-Zee, you must eat..." rinig kong sabi niya "T-Tingin mo masaya na si Sam doon?" bigla kong tanong sa kanya, natahimik siya "Z-Zee..." "T-Tingin mo wala na siyang nararamdamang lungkot?" I looked at him with my weak eyes "T-Tingin mo doon, wala ng sakit? W-Wala ng sacrifices? W-Wala ng pagod?" "Znela!" "T-Terrence tingin mo doon sa lugar ni Sam, payapa na, wala ng problema? D-Diba maganda doon?" hinawakan niya ang magkabilang kamay ko saka ako niyakap ng mahigpit. Biglang umagos ang mga luha ko matapos ang ginawa niya "T-Terrence baka doon matatapos na lahat ng sakit, T-Terrence baka doon kay Sam wala ng paghihi-" "TAMA NA!" sigaw niya sa akin habang nakayakap "T-Tama na Zee..." he cupped my face at doon ko nakita ang pagtutubig ng mga mata niya "G-Gagaling ka, gagaling ka at babalik sa lahat ang dati!" Umiling ako "H-Hindi na. H-Hindi na maibabalik ang dati Terrence. W-Wala na si Sam, w-wala na siya..." "Nandito pa ako..." sagot niya sa akin "Nandito pa ako at lumalaban ako para sa iyo." Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko saka hinuli ang tingin "At hindi kita pinapayagang sumuko. Di ba sabi ko naman sa iyo noon, I can't solve all your problems but I can assure that you won't face them alone. Andito ako Zee, andito ako kasama mo. Nandito pa ako, l-lumaban ka din naman para sa akin..." pakiusap niya. "I'm s-sorry Terrence..." umiling siya matapos kong sabihin iyon. "You don't have to feel that way, I love you Znela and I will do anything para lang gumaling ka..." mahina niyang sabi saka ako hinalikan sa may labi. I closed my eyes saka hinawakan ang kamay niya. Umupo siya sa tabi ko matapos akong tulungang makahiga. "N-Nakausap ko ang Mommy mo kanina..." tinignan ko siya dahil doon. "A-Ano ang sabi niya?" tanong ko "She knows a very good neurosurgeon and that doctor might help you." I looked away "Znela, all you have to do is to say yes sa surgery, you need it, you know you need it!" pagkukumbinsi niya sa akin. "A-Akala mo ba hindi ko gusto?" sagot ko sa kanya "Terrence I want to live as much as you do but we have to be pratical!" sagot ko sa kanya. "Yes I might live, I might survive this fight pero pagkatapos ano?" hindi siya nakasagot agad sa akin "Aalagaan ulit ako? Aaalagaan hanggang sa matutunan kong magsalita, maglakad, mag-isip! I will be forever a burden at alam m-mong hindi ko kaya iyon!" "Znela, we are here to help you!" tinignan niya akong mabuti "A-Ayaw mo bang makasama pa ako? Huh?" kumunot ang noo niya "Gusto ko Terrence, gustong-gusto ko!I want to spend my whole life with you!" sagot ko sa kanya "But I can't be the selfish person right now. Kung papayag ako, kung gagaling man ako, there's a big possibility na hindi kita maaalala, na makakalimutan ko ang lahat, ikaw! Si Sam! Ang pagmamahal mo! Ang mga oras nating dalawa! Lahat! Lahat yun Terrence nanakawin nila sa akin. And I don't want to drag you down with me." I looked away saka pinunasan ang pisngi ko. "Don't you trust me?" tanong niya sa akin "I trust you more than anyone..." sagot ko sa kanya "Then why?" "You'll suffer longer T-Terrence, yun ang ayaw ko..." pagsasabi ko ng totoo sa kanya "You'll spend your life in vain kakaantay na bumalik ako sa dati where in fact alam nating lahat na hindi na mangyayari. I love you that's why I am making this decision." "Z-Znela, ano bang kinatatakot mo?" lumapit siya sa akin "Ilang ulit ko ng sinabi sa iyo na handa ako magtiis, handa akong maghintay, handa akong gawin lahat para sa iyo..." "I'm a-afraid that when I wake up after the surgery, w-wala ka sa tabi ko. H-Hindi ko na alam ang pangalan mo, a-ang mukha mo, ang p-parte mo sa buhay ko." "Pwes hindi ako magsasawang ipaalala sa iyo iyon!" sagot niya sa akin "Trust me..." "I trust you, it was my m-mom that I d-don't trust..." sagot ko sa kanya "S-She might do things beyond our expectations and-" "Shhh..." putol niya sa sasabihin ko "She can do anything she wants but I will never let her stand in our way. Znela, kung natatakot kang mawala ang mga oras at ala-ala nating dalawa, don't worry I promise that I will replace all those stolen memories, we will do it all over again. You and I, kahit ilang ulit pa, kahit ilang ulit pa..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD