Chapter 6
Znela
Dear Mr. Genius,
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip mo at niyaya mo ako dito sa Jollibee. Ano tayo, grade school? Nakakabuset ka dahil sa ginagawa mo sa akin, pasalamat ka noo mo lang ang nagkabukol dahil ako pag naasar sa iyo hindi lang noo mo ang mamamaga kundi buong mukha mo ng hindi kana makalabas sa inyo!
“What’s that?” tanong niya kaya mabilis kong nilagay ang notebook ko sa bag ko, nakangiti siya at pilit na sinisilip ang ginawa ko.
“Wala!” sagot ko sa kanha saka siya inirapan, nilapag niya ang inorder niyang yum burgers, fries at sundaes sa mesa namin. Halos maluha ako matapos makita ang anim na yum burgers na inorder niya “I know you want it…” he said teasingly pero hindi ko na siya pinansin. Kumuha na ako ng yum burger at sinimulang kumain. Narinig ko ang pagtawa niya matapos kong maubos agad ang isang burger.
“What?” tanong ko sa kanya at nakita ko ang pagkuha niya ng tissue at pinunasan ang gilid ng labi ko. Ngumiti siya saka kumagat na rin sa yum burger niya.
“Favorite ko rin ito, kulang ko nga ang tatlo eh!” ngumiti ako saka tumingin sa kanya habang kumakagat sa ikalawang burger ko.
“Talaga? Ako rin, the best burger para sa akin!” saka ako kumain ng fries at dinip yun sa sundae ko. These are my favorites, inaamin ko nagpapadeliver ako nito kahit malalim na ang gabi just to satisfy my craving!
“See, I told you mas maganda ka kung ngumingiti…” at natigilan ako sa pagkagat dahil doon. Napalunok ako at muntik ng magbara ang kinakain ko sa lalamunan, agad akong inabutan ng softdrinks ni Terrence at tumawa ulit “Dahan-dahan, tatlo sa iyo, tatlo sa akin, okay ba?” saka siya tumingin sa burgers na andoon. Hindi ko siya pinansin at kumagat na rin agad sa kinakain ko.
“Bakit alam mo na favourite ko ito?” tanong ko habang kumakain ng fries matapos i-dip sa chocolate sundae.
“Just a guess…” sagot niya tapos ngumiti “Masakit pa ba ang ulo mo?” umiling ako saka kinagat ang labi.
“T-Thank you…” kahit labag sa kalooban ko, sinabi ko yun sa kanya.
“Anong thank you? Babayaran mo kaya ako, hindi na aabot ang allowance ko kung ililibre kita!” he answered me saka ngumisi, I just pouted at tinignan siya.
“Kala ko libre…” bulong ko at tumawa siya. Ilang minuto din ang tinagal namin sa loob ng fastfood chain, nakakarelax at nakakabawas ng mga iniisip kung busog ka at nakain mo ang mga favorites mo! Kinuha ko ang bag ko saka iyon isinabit sa shoulder ko, I grabbed the spare tissues saka mabilis na pinunasan ang bibig ko.
“Why in a hurry? Papasok ka pa ba?” tanong niya kaya napatingin ako sa wristwatch ko. Malapit ng mag 3PM at wala na rin kaming sunod na subject.
“I have to attend my piano lessons…” sagot ko sa kanya.
“I’ll drive you there!” alok niya at tumayo na rin, nabigla ako ng hinawakan niya ang wrist ko at hinila ako palabas ng lugar. Bumalik kami sa loob ng campus to get his Ducati Bike pero bago yun dumaan muna kami ng locker room dahil kinuha niya ang spare niyang helmet. “Oh!” abot niya sa akin ng isa pang itim na helmet na tulad ng kanya “Wear this!”
Tinignan ko lang siya at nagdadalawang isip na abutin ang helmet “Why?” he asked at napalunok ako, kung sakali kasi ito ang unang pagkakataon na sasakay ako ng isang motor “First time?” he asked and smiled, I nodded at him saka niya ginulo ang buhok ko “Don’t be afraid…” rinig kong sabi niya kasunod rin agad ng pagsuot niya sa akin ng helmet, at bago niya ibinaba ang wind shield or face cover nun bumulong siya ulit “Because in case you fall, I’m right there, ready to catch you!”
Para akong hindi makahinga at nalulunod ng makasakay na ako sa motor niya, he commanded me to wrap my hands around his waist para daw hindi ako mahulog, I did at parang nagsisisi na ako! Amoy na amoy ko ang manly scent niya na kapit na kapit sa jacket niya. Hindi ko rin maipaliwanag ang t***k ng puso ko matapos ng binulong niya sa akin.
A-Ano daw? Ready to catch me? D-Double meaning ba iyon?
Napalunok ako ng maramdaman ko ang pagbilis ng takbo namin, lalo akong napakapit sa kanya, akala ko noon nakakatakot at napakadelikado ang pagsakay sa motor pero hindi naman pala. Minutes passed at nakarating na rin kami sa tapat ng building ng isang music school, four years old pa lang ako, pinapapasok na ako ni Mommy dito. Inalalayan niya akong makababa, inalis ko ang helmet ko saka sinuklay ng sariling kamay ang mahaba kong buhok.
“Thank you!” abot ko ng helmet sa kanya, inabot niya iyon saka pinatong sa legs niya bago pinagmasdan ang building na hinintoan namin.
“Lagi ka dito?” tanong niya habang nakatingin parin sa building, I nodded at him “Anong oras ka uuwi?” he asked na kinabigla ko. Lumunok ako bago sumagot sa kanya.
“I’ll stay here for 2 hours…” sagot ko at tumango ulit siya.
“Susunduin ka ba?” tanong niya ulit at umiling ako.
“I’ll ride a cab pauwi, kailangan kasi ni Mommy ang driver ko…”
“I’ll pick you up then!” sagot niya sa akin saka niya inabot pabalik ang helmet, I was about to refuse his offer pero mabilis na siyang nakaalis. Iniwan niya akong gulat habang hawak ang helmet na binigay niya.
Matapos ng pambubully niya sa akin kanina na halos ikalaglag ng puso ko, ito siya ngayon, nanlilibre ng pagkain, maghahatid at magsusundo pa sa akin! Ano bang nasa isip niya? Na gi-guilty na ba siyang mabuti? Naniniwala na ba siya sa karma? T-Teka, di ba sabi niya may date siya pero bakit susunduin niya pa ako?
A-Anong balak niya? A-Anong tumatakbo sa isip niya? S-Siguro…siguro meron nanaman siyang plano at-
“Zee? What’s wrong?” biglang tanong ng trainer ko dahilan para matauhan ako “Kanina ka pa tulala, may problema ba?” she asked me saka umupo sa tabi ko “Kanina mo pa inuulit ang piece na yan pero hindi mo parin makuha…”
“A-Ahh sorry po Miss Sanchez…” hingi ko ng tawad saka yumuko, she holds my hand at napatingin ako sa kanya.
“Ano bang iniisip mo? Susunduin ka naman niya…” saka siya tumingin sa helmet na nasa tabi ng bag ko. Ramdam ko ang init na dumadaloy sa buo kong mukha matapos sabihin ni Miss Sanchez iyon “Kaya nga niya iniwan ang helmet di ba?” saka niya ako binigyan ng makahulugang ngiti.
“H-Hindi po iyon…” nauutal kong sagot sa kanya saka binawi ang mga kamay ko “Mali po ang nasa isip niyo, h-hindi ko siya iniisip…” saka ako sunod-sunod na lumunok. Narinig ko ang pagtawa niya at umiwas na lang ako ng tingin. Lumipas ang dalawang oras at mabilis kong kinuha ang bag ko pati na rin ang helmet.
“Excited?” tanong ulit ni Miss Sanchez kaya natigilan ako
“P-Po? Hindi po!” sagot ko at tumawa ulit siya “G-Gutom na po kasi ako…” pagsisinungaling ko at patakbo na ring lumabas ng building. Nasa 3rd floor lang ako galing kaya minarapat kong maghagdan na lang. I was on my last step para tuluyang makababa ng hagdan ng bigla akong na out of balance, napaupo ako at biglang umikot ang paningin ko. Agad na lumapit ang guard matapos akong makita saka ako tinulungang makatayo.
“Okay ka lang Miss?” tanong niya at tumango ako sa kanya na parang wala sa sarili.
“N-Na out of balance na lang po…” I answered him and shook my head to gather myself.
“Kaya mong maglakad?” tanong niya at tumango ako sa kanya saka ngumiti.
“Opo…” pinulot niya ang bag at helmet na nasa sahig saka inabot sa akin “Salamat po…” kapwa kami napatingin ng bumukas ang glass door ng building, lihim akong napangiti ng makita kong papalapit na si Terrence.
“What happened?” tanong niya, the guard was about to tell him ang nangyari pero inunahan ko na siya.
“Wala, nabitawan ko lang yun bag…” pagsisinungaling ko, tumango si Terrence saka inabot iyon. Sumakay ulit ako sa motor at umupo sa likod niya. Hindi ko alam kung bakit pero parang nagliliyab ang pisngi ko habang nakayakap sa kanya. “Eh?” tanong ko saka inalis ang pagkakayakap sa kanya matapos siyang huminto sa harap ng bentahan ng street foods.
“Gutom na ako…” rinig kong sabi niya saka niya ako inalalayang bumaba, tinanggal niya ang helmet niya saka iyon pinatong sa motor, kinuha niya rin ang akin saka ngumiti “Tara!” aya niya saka nagsimulang bumili doon. Nabigla ako ng makipagtawanan siya at makipagkwentohan sa matandang babae na nagbebenta ng street foods at BBQs. Mukhang close sila at kilala na siya dito.
“Aba, sa wakas nagdala ka na rin ng babae dito…” rinig kong sabi ng matandang lalaki na nakatayo sa tabi ng matandang bababe na sa tingin ko ay asawa niya, patuloy ang pagsasalita niya habang nagpapaypay ng mga nilulutong BBQs, bigla kong naramdaman ang gutom ko ulit matapos maamoy iyon. Ang sarap!
Tumingin si Terrence sa akin saka ngumiti, hindi niya sinagot ang lalaki at nagpatuloy sa pagturo ng pinapaluto niyang mga pagkain. “Doon kami!” turo niya sa bakanteng monoblock chair at table, tumango si Manong at sumaludo pa.
“Lagi ka dito?” tanong ko at tumango siya “H-Hindi mo dinadala si Nanami?” kahit ako nabigla sa tanong ko, agad akong umiwas ng tingin at doon ko narinig ang mahina niyang tawa.
“Model si Nanami ng latest collection na ilalabas ng Villaflor’s sa susunod na buwan…” rinig kong sabi niya, hindi ako tumingin at hinayaan siyang magsalita “We’re not dating, siguro nung hinatid ko siya sa school nila, may nakakita sa amin at doon na sinimulan ang chismis…” he smiled habang nakapatong ang mukha sa pinagsaklob niyang mga palad. He was straightly looking at me kaya lalo akong nailang.
“S-So, you’re referring to another woman?” tanong ko ulit sa kanya pero malayo parin ang tingin “Y-Yung date mo kanina? S-Sabi mo kasi…”
“I was just joking…” he plainly said “Ang sarap mo kasing asarin!” saka kumunot ang noo ko at tumingin sa kanya, ngumisi siya “Ikaw? May boyfriend ka na?” ewan ko kung bakit biglang nagwala ang puso ko dahil sa simpleng tanong niya lang na iyon.
“W-Wala…” sagot ko sabay tingin sa malayo.
“Talaga?” parang nabigla pa niyang tanong “Bakit, ano bang tipo mo?” napatingin ako sa kanya at napalunok.
Tipo ko? Y-Yung matalino, gwapo, mabait, gentleman at alam kong pro-protektahan ako “H-Hindi naman totoo yun eh, yung type na type na iyan!” sagot ko at lalo siyang napangiti “K-Kung tumibok yung puso mo, may magagawa ka pa ba?” saka ko siya inirapan.
“Sabagay, kung nainlove ka sa akin wala kanang magagawa…” at nanlaki ang mata ko dahil doon “Joke lang shempre…” pahabol niya saka tumawa, napahinto ang pag-uusap namin ng si-nerve na yung mga lutong BBQs at isaw, naamoy at tinikman ko ang sweet sauce nila at, GRABE ANG SARAP!
“S-Siguro ikaw andami mo ng naging girlfriend…” bigla akong sabi at ngumiti siya.
“I don’t do girlfriend thing...” seryoso at mahina na niyang sabi “We go out, we date, we enjoy each other pero all my past flings were open…” tumingin siya sa akin bago niya dinip yung isaw sa sweet chili sauce, kumagat siya at ngumuya bago nagsalita ulit “Maniwala ka man o hindi, ang gusto ko kasi, first and last…”
“N-No girlfriend since birth?”
“Nuh! No serious relationship since birth!” and he chuckled “I don’t want to commit myself sa isang bagay na hindi pang-habangbuhay…” I looked down at nagsimula na ring kumain.”
Edi pala yung mga babaeng nakikita ko na kasama niya, anong tawag sa mga iyon? Kalandian lang? Make out make out lang, ganun?
“Don’t get me wrong. Hindi ako tulad ng ibang lalaki na nakiki pag-s*x kung kani-kanino. I have total respect in that thing.” Pahabol niya na parang nabasa ang iniisip ko.
“You want to know the reason?” he suddenly asked me saka inilapit ang mukha, lumunok ako at bahagyang lumayo.
“Ikaw, kung ikwekwento mo…” sagot ko.
“Did you know that my first crush or maybe my first love was my brother’s wife?” at biglang nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. S-Si…S-Si Mrs. Villaflor?
“She is so beautiful, caring, sweet, soft-spoken at napakasarap magluto!” he bragged habang may ngiti sa mga labi “My brother is so lucky to have her!”
“She is your sister-in-law!” sagot ko at lalo siyang natawa dahil sa reaction ko.
“I know but I can’t help it, siya kasi ang unang babae na nag-alaga sa akin ng mabuti…” inilapag niya ang BBQ stick sa gilid saka tumingin din sa akin.
“And I promised myself na hahanap ako ng tulad niya, someone who will care and love me just the way she does at kung nakita ko na siya, gusto kong sabihin sa pagkakataon na iyon na siya ang una at huling babae na panga-ngakoan ko, panga-ngakoan ko ng habangbuhay…” he continued to say.
Napatingin ako sa mukha niya, sa gwapo niyang mukha, sa namumula niyang mga labi at ilong dahil siguro sa sweet chili sauce. Huminga ako ng malalim at napaisip. Akala ko tulad lang siya ng iba na nagbibilang ng mga virgin na babae sa mga daliri, akala ko tulad siya ng iba na hindi mahalaga ang commitment, akala ko tulad lang siya ng iba na pinaglalaruan ang mga babae.
Pero hindi pala, Terrence is not just a typical-kind of guy. Commitment and forever is a sacred word for him. Oo lagi siyang nakangiti, oo lagi siyang nakatawa, oo lagi siyang mabait sa lahat, lahat iyon ay dahil ganun siya. Bully siya pero may malambot din na puso, bully siya pero sweet, bully siya p-pero may soft side din siya and I am lucky enough to know all of these…
He took a sip from his can of softdrinks bago tumingin sa akin habang nakangiti at itinataas-taas ang dalawang kilay saka nagsalita.
“Oh nakaka-inlove ako, di ba?”