Chapter 7
Znela
This day is like a roller coaster ride. Nakaka pagod! Nakaka-stress at sobrang daming nangyari na iisipin ko palang, nakakapagod na!
I was heading to the dean’s office ng makita ko si Sam. I approached her that made her stop talking through her phone “Where are you going?” she asked at ngumuso ako sa direction ng dean’s office “Why?” she asked again at huminga ako ng malalim bago siya sinagot at ngumiti.
“Intercollegiate competition.Math Wizard!” I whispered that made her tili from the inner of her lungs!
“I’m so excited for you Zee!” she said habang hawak ang mga kamay ko at nagtatalon-talon.
“I placed second in the whole Math Department kaya napili nila ako this year…” I informed her pero hindi parin nawala ang ngiti niya.
“Second?”
“Yeah! A-Ahh yeah you're right, he is the first but he turned it down so ako na lang ang ilalaban…”
“I’m so proud of you!”
“I'm still a second choice! Same as always…” sagot ko saka umiwas ng tingin. Sam patted my shoulder saka hinuli ang tingin ko.
“Kahit pang ilan ka pa sa mga pagpipilian, ang mahalaga, ikaw ang napili, always remember that! I’m happy and proud of you my bestfriend!”
“Thank you!” I answered her and she gave me a warm hug. “Hey, enough with the drama, I have to report pa…”
-------
“Yes Mom…” napayuko matapos marinig ang boses ni Mommy over the phone, I informed her about the competition just like what Sam suggested pero ito ang naririnig ko sa kanya ngayon.
“They didn’t offer you that first?”
“Y-yeah but I was chosen naman at-“
“Znela gusto mo ganyan ka na lang parati? Pangalawa? Second choice? May kahati?” hindi ko alam kung bakit biglang nag-init ang gilid ng mga mata ko matapos sabihin ni Mommy lahat iyon. “Ano? Iiyakan mo nanaman ako? Get yourself together! Hindi ako gumagastos ng malaki para sa iyo para maging pangalawa lang!” and she ended the call.
I breathe out saka napasandal sa wall. I closed my eyes saka napahawak sa drinking fountain na nasa tabi ko. On-going ang mga classes kaya walang students na naglalakad sa hallway ngayon. I took the moment para lumabas ang mga luha ko ng biglang may nagsalita sa tabi ko.
“If you’re going to cry, don’t do it here…” agad kong pinunasan ang mga luha ko at iniwas ang mukha sa kanya.
“What are you doing here?” tanong ko kay Terrence matapos siyang uminom sa drinking fountain “Are you following me?”
Tumayo siya ng tuwid saka tinuro ang men’s comfort room saka ang drinking fountain bilang sagot “What are you staring at?” pagtataray ko sa kanya. Tinalikuran ko siya saka naglakad pabalik sa room namin na nasa third floor pa.
“Kala ko ba okay na tayo after nating mag-hang out?” tanong niya saka ako sinabayan sa paglalakad. I glared at him saka siya tinulak. “OUCH? WHAT’S WITH THAT?” tanong niya ng masubsob siya sa wall.
“GET LOST!” sigaw ko sa kanya na asar na asar na.
“T-Teka ano bang nangyayari sa iyo?” tanong niya saka niya ako hinawakan sa kamay, hinila ko iyon pabalik pero hindi niya ako binitawan “S-Sabihin mo sa-“
“IKAW!” sigaw ko at biglang lumuha sa harap niya. I saw how surprised and shocked he was ng makita akong umiiyak. Hinampas-hampas ko ang dibdib niya dahil sa inis at galit ko sa kanya
“IKAW ANG DAHILAN! KUNG HINDI DAHIL SA IYO HINDI AKO MAGIGING PANGALAWA! KUNG HINDI DAHIL SA IYO HINDI AKO PAPAGALITAN NI MOMMY! KUNG HINDI DAHIL SA IYO HINDI KO SANA MARARAMDAMAN ITO!” patuloy na sisi ko sa kanya habang sinusuntok suntok siya sa dibdib.
Ewan ko kung bakit niya ako hinahayaang saktan siya, dahil ba nagbigla siya sa inasal ko? o dahil alam niyang galit na galit ako sa kanya ngayon?
“B-Bakit ka ganyan?” himutok ko sa kanya. Tumigil ako sa pagsuntok saka siya hinarap “Nakukuha mo ang lahat! Ikaw ang laging number one but you always turn them down! Ano bang pinapatunayan mo? Huh?”
“Seatmate…”
“SHUT UP!” sigaw ko sa kanya “Ako...A-Ako hirap na hirap ako na mapantayan o malamangan ka! Ako hirap na hirap akong maging number one pero ikaw…ikaw laging kang number one pero anong ginagawa mo? Binabalewala mo lang lahat yun! Hindi mo ba naiisip kung ano ang nararamdaman ng mga tulad ko na naghihirap para makuha iyon? huh? Bakit ba ang yabang-yabang mo?”
He pinched his nose saka sinuklay ang sariling buhok. He bit his lip saka tumingin sa akin “Wala akong alam na kasalanan sa iyo bukod sa mga, mga pambubully ko…” he answered me na lalong nagpainit ng ulo ko.
“Wala! Wala kang alam kasi wala kang pakialam! Wala kang pakialam sa mga taong nakapalibot sa iyo! Kasi selfish ka! Puro yabang lang ang alam mo! Puro hangin! Gusto mo lahat ng atensyon nasa iyo! Gusto mo ikaw ang hari ng lahat!”
He didn’t answer me, he was just standing in front of me habang nakabulsa ang mga kamay. He observed me. How I stand, how I looked at him, how I spoke at him, how I shouted at him. Hindi niya ako sinagot o nag react man lang.
“You’re just mad…” he finally whispered pero nakatayo parin sa harap ko.
“I am, and that’s because of you!” sagot ko sa kanya saka tinulak ang balikat niya, akala ko hindi niya ako sasagotin, akala ko hindi niya ako kikibuin, akala ko hindi siya mag rereact pero ng dumapo ang kamay ko sa balikat niya agad niya iyong hinuli saka ako hinila palapit sa kanya.
Nanlaki ang mga mata ko ng maramdaman ko ang mahigpit niyang pagyakap sa akin.
“You are just mad and you need someone to sober you up…” bulong niya saka niya hinaplos ang buhok ko “Cry, it will make you feel better…” those words feels like a cue at tuluyan ko ng pinikit ang mga mata ko. I cried on his shoulder habang hinahaplos niya ang buhok ko.
I cried on his shoulder habang nakayakap rin ako sa kanya. I cried on his shoulder habang humihingi ako ng lakas sa kanya ngayon. Naiinis ako! Naiinis ako sa kanya! Naiinis ako kay Mommy! Naiinis ako kay Daddy! Naiinis ako sa sarili ko!
I want to be on the top pero kahit anong gawin ko hindi ko kaya! I want to be on the top pero kahit anong gawin ko andaming mga bagay na humihila sa akin paibaba! I want to be on the top pero…p-pero parang sadyang I’m not capable of doing so.
“Is it light now?” rinig kong bulong niya matapos ng ilang minuto kong pag-iyak sa kanya. I moved away a bit saka pinunasan ang mukha. Naiangat ko ang tingin ko matapos niyang inabot sa akin ang panyo niya “Wipe it, baka sabihin nila pinaiyak kita…” he said and smiled.
Marahas kong kinuha yun sa kamay niya that made him laugh “Ma-pride ka talaga, eh no?” saka niya binulsa ulit ang dalawang kamay “Being always on the top is not everything seatmate…” he uttered saka tinignan ako ng mabuti “-and F.Y.I, I know how it feels to be ‘just a second choice’…” ginulo niya ang buhok ko saka naglakad na pabalik sa room habang nakabulsa ang dalawang kamay.
Tinignan ko na lang ang likod niya habang naglalakad saka ako napatingin sa panyo na binigay niya. I took a deep breath saka ulit pinunasan ang mukha ko. Naamoy ko ang pabango na gamit niya dahil sa panyong iyon. Iyon yung pabango na lagi niyang gamit, parehas na amoy sa tuwing lalapit siya.
--------
“Just a second choice?” ulit ko sa sinabi niya habang pinalalaruan ang ballpen na nasa kamay ko. Nakaupo ako sa chair ni Sam habang inantay ang food na binili niya. Huminga ako ng malalim saka tumingin sa nakatalikod na si Terrence. “Ikaw? Second choice? Really?” saka ako ngumisi at umiling iling.
That’s not possible! You are Terrence Villaflor! You are a Villaflor!
I bit my lower lip saka tumingin sa panyo na binigay niya. May initial na T and V doon. Kinuyom ko ang palad ko saka nag ngit-ngit ulit. “What’s with the comfort anyway?”
Agad akong umayos ng pagkakaupo at tinago ko sa bag ko ang panyo na binigay or rather pinahiram ni Terrence. Dumating na kasi si Sam at sigurado akong chichikahin nanaman niya ako ng bonggang bongga kung makikita niyang may bago sa gamit ko.
I took a sip sa softdrinks na binigay ni Sam at wala sa loob kong nakatitig kay Terrence, I remembered how he acted kanina. Instead na magalit siya sa akin, instead na sagutin niya ako at pagalitan, he accepted it all and comforted me.
Ipinatong ko ang mukha ko sa kamay ko habang nakatingin sa kanya and suddenly nabilaukan ako dahil nahuli niya akong nakatingin at sobrang lapad nanaman ng ngiti niya.
“Are you okay?” Sam asked me saka inabot sa akin ang panyo niya. I cleared my throat saka bumilis ang pagkurap ng mga mata “Dahan-dahan kasi!” sita ni Sam sa akin at alam kong pulang pula ang mukha dahil nahuli ako ni Terrence na nakatitig sa kanya.
Lumabas ako agad ng room saka naghilamos sa CR na malapit. Agad rin akong lumabas habang pinupunasan ang mukha ng bigla kong nakasalubong si Terrence. Nakangisi siya at naglalakad palapit sa akin. I looked away at binilisan ang lakad. Halos itago ko ang mukha ko sa wall dahil sa kahihiyan.
Malapit na kami sa isa’t isa ng tumunog ang phone ko. Agad ko iyong sinagot without looking at the screen kung sino iyon “H-Hello?” nakayuko kong sabi sabay tigil sa paglalakad.
“I don’t care if you’ll catch me staring, because I know you were staring back…” rinig ko mula sa kabilang linya, unti-unti kong naiangat ang ulo ko ng naglakad siya sa harap ko habang nakalagay ang phone sa tenga. Nakangisi siya saka ako kinindatan tapos naglakad ng diretso.
Napasandal ako sa wall na parang nanghihina. “Oh good ground, please eat me now!”