Chapter 8

1594 Words
Chapter 8 Znela Nasa school ako buong araw kaya buong araw ko rin siyang iniiwasan. Matapos ang ginawa niyang pang-aasar sa akin mas lalo pa yung lumala. Sinasadya niyang maglakad sa harapan ko sabay kikindatan ako. Ilang beses niya rin akong nililingon at naririnig ko ang pagtawa niya kung nahuhuli niya ako na nakatingin na sa kanya pero seryoso, hindi ko siya gustong tignan, I’m just being cautious! Yun lang yun! “Zee kelan ka-“ natigil si Sam sa pagtatanong sa akin matapos ko siyang hilahin sa corner, na-zoom in kasi ng mga mata ko na paparating si Terrence and there’s no way na maglalakad ako sa iisang daan na kasama siya! Nakakabuset ang bawat titig niya sa akin! Parang may gustong sabihin! Parang nang-aasar na hindi ko maintindihan, susundan pa yun ng hagikgik niya na nagpapakulo lalo ng dugo ko! “Seriously?” “SHHHH!” takip ko sa bibig ni Sam saka sumilip sa paparating na si Terrence, sumisipol sipol pa siya habang naglalakad, nanlaki ang mga mata ko ng tumigil pa siya malapit sa corner na pinagtataguan namin ni Sam. Biglang umiinit ang ulo ko sa babaeng nagbigay sa kanya ng maliit na cake, sa lahat ng lugar malapit pa sa amin! Ang mga walang hiya! Agad akong tumalikod saka pilit na kinorner si Sam, gusto kasing makiusyoso sa nagbigay ng regalo kay Terrence eh halos araw-araw namang nangyayari yun! “Thank you- Ahhh? What are you doing there?” bumagsak ang balikat ko matapos kong marinig ang tanong ni Terrence. “Saaammm!” matigas kong sabi saka siya tinignan ng masama, she smiled and giggled bago ako mahinang tinulak para makadaan siya. “A-Ahh ito kasing si Zee-“ “I was just talking privately to Sam!” sabat ko saka hinila si Sam papalayo doon. Pero narinig ko siyang nagsalita kaya tumigil ako sa paglalakad. “Are you avoiding me?” he asked saka naglakad palapit sa amin, binalik niya sa babae yung cake na binigay sa kanya kaya nag-iba ang itsura nito. “M-ME?” turo ko sa sarili ko saka pumiyok pa, Sam covered her mouth para pigilan ang pagtawa, tinignan ko siya ng masama. “Yes…” sagot ni Terrence saka ngumiti matapos ibulsa ang dalawang kamay. “Why? I mean, wala akong rason para iwasan ka!” pagsisinungaling ko kaya tumalikod na si Sam sa aming dalawa at di na napigilan ang pagtawa. Siniko ko siya saka siya humingi ng sorry sa akin. “Reason? Ahhh…” sagot niya tapos umaktong parang nag-iisip “I think you are avoiding dahil ilang beses na kitang nahuling nakatitig sa akin!” may kalakasan niyang sabi. Biglang nag-init ang mukha ko dahil sa ginawa niya at napatingin ako sa paligid. “I wasn’t looking at you!” medyo kalmado ko pang sagot “Akala mo lang yun pero yung katabi mo ang tinitignan ko!” “Katabi ko?” ulit niya saka ngumisi “Yung chair? O yung bag?” “TERRENCEEEEEE!” pang-gagalaiti ko sa kanya, he laughed at me mukhang enjoy na enjoy pa. “No but seriously pinapahanap ka sa akin ni Miss Chin, punta ka daw ng Math Department…” “Totoo ba yan?” tanong ko at tumango siya. Nagpaalam ako kay Sam at laking gulat ko na sumunod si Terrence sa akin “Oh? Anong ginagawa mo?” “Naglalakad!” “Wag kang pilosopo!” “Wag mo rin akong titigan parati!” sagot niya saka sumipol sipol! I closed my eyes and fist saka nagdasal ng mataim-tim para sa lalaking naglalakad sa harap ko. “Ano ba kasing ginagawa mo?” nanggigil kong tanong pero pilit paring pinapakalma ang sarili, nakapasok na kasi kami sa office at maraming profs ang nakatambay ngayon doon. “Pinatawag ako ni Miss Chin, tapos pinatawag ka niya sa akin, okay na?” sagot niya saka umupo sa bakanteng swivel chair na akala mo isa sa mga faculty doon. Bumukas ang pinto at nakita ko si Miss Chin na may dala-dalang folders, ngumiti siya sa akin matapos niya akong makita saka ako pinaupo sa isang vacant chair. “Kanina pa kita pinapahanap kay Terrence…” rinig kong sabi niya saka umupo sa swivel chair niya at pinatong ang mga dalang folder sa ibabaw ng mesa. “Why is that Miss Chin?” tanong ko “Nakalimutan ko kasing ibigay yung reviewers mo…” saka niya inabot sa akin ang naka file up na mga questionaires sa limang folders, may mga libro pang kasama at ilang math drills. “A-Ahh sana tinawagan niyo na lang po ako, hindi niyo nainabala si Mr. Villaflor!” sagot ko at tinignan ako ni Terrence. “No, kasi kailangan ko rin siya Ms. Jimenez, siya kasi ang tutulong sa iyo para sa pagrereview, hindi ko kasi maaasikaso ang lahat ng ito, pasensya kana, may seminar ako sa Cebu for five days next week kaya malaking mawawala sa atin kung hindi ako hihingi ng tulong kay Mr. Villaflor!” halos malaglag ang panga ko dahil sa sinabi niya sa akin. Napatingin ako kay Terrence na pinaglalaruan lang ang swivel chair habang hawak ang paper weight ni Miss Chin. “S-Siya? Wala na po bang ibang prof?” tanong ko at ngumiti lang si Miss Chin “Lima kaming nasa seminar kaya mawawalan ng prof ang ilang sections, so sila ang hahalili doon kaya wala talaga silang oras na tulungan ka Ms. Jimenez, pasensya kana…” sagot niya sa akin at napapikit na lang ako “Bakit may problema ba kay Mr. Villaflor?” MALAKI! MALAKING MALAKI PO ANG PROBLEMA! “Baka po hindi na niya kailangan ang tulong ko dahil magaling na siya!” singit naman ng isa. “Hindi ko sinabi yan ah!” sagot ko sa kanya at inawat na ni Miss Chin ang pwede pang umusbong sa pagitan ng sagutan namin. “Miss Jimenez, si Mr. Villaflor lang kasi ang kilala kong kayang tumulong at magturo pa sa iyo sa mga tulad nito. He has all the ability to teach you and help you regarding this matter, alam naman natin lahat kung ano siya at sino siya sa school na ito hindi ba?” “Opo…” I lazily answered her saka nag pout, may magagawa pa ba ako? “Maraming advance lessons dyan na kailangan mong aralin, si Mr. Villaflor na ang bahala sa iyo, I trust him, alam niya ang gagawin niya!” he smiled widely na parang proud na proud sa sarili. Tumayo na si Miss Chin at lumabas na rin kaming dalawa. “After you!” he said matapos buksan ang pinto, he grinned at inirapan ko lang siya “You know what? A simple thank you would be fine…” napatigil ako sa paglalakad at nilingon siya “Come on, say it!” “What for?” pagtataray ko. “Ahhh, ang dali mong makalimot, gusto mo ipaalala ko sa iyo?” nagulat ako ng lumapit siya sa akin saka niya ako hinila papalapit sa kanya at niyakap ako. He caressed my back saka bumulong “Cry seatmate, it will make you feel better…” and chuckled. I pushed him at hindi parin naalis ang ngiti niya sa mga labi niya. “You don’t deserve it!” sagot ko saka siya tinalikuran. “Haay naku seatmate, hindi ko alam kung bakit ka naaasar sa akin…” sabi niya habang sinabayan ako sa paglalakad. Binilisan ko ang lakad ko pero nakasunod parin siya “Ang bait ko naman, I was even a gentleman when I comforted you, hindi lahat magagawa iyon!” tumigil ako saka siya tinignan. “The mere presence of you irritates me! Got it?” nanlilisik ang tingin ko sa kanya ng sinabi ko iyon “At wag mong isipin na close na tayo dahil kinonfort mo ako o lumabas tayo kasi never tayong magiging close hangga’t hindi nababawasan niyang kayabangan mo!” “You’re unfair!” he answered me na parang nagmamaktol na bata “We should be close nga eh kasi since gradeschool classmate na tayo!” “At nakalimutan mo na ba na since gradeschool binubully mo na ako? Kaya kung sa tingin mo yung simple act of kindness mo kung yun man ang tawag doon, madaling matabunan yun sa dami ng kasamaang ginawa mo sa akin!” “Aish! Ito naman, ang drama ng buhay!” he answered me na kala mo hindi seryoso ang pinag-uusapan namin “Hindi ka ba napapagod, para na tayong aso’t pusa eh!” lumapit siya sa akin saka bumulong “Ikaw ang aso, ako ang pusa!” saka siya humagikgik. “EWAN KO SA IYO!” sigaw ko sa kanya ulit saka siya tinalikuran “Ang hirap mo namang paamuin, ako na nga itong nagmamagandang loob eh, yung iba nga dyan gustong gusto nilang lumalapit ako pero ikaw, layo ka na ng layo, bakit nahihiya ka ba sa akin?” “Bakit ako mahihiya sa iyo?” lumingon ako saka tinaasan siya ng kilay. “Baka kasi, crush mo ako?” ewan ko kung bakit biglang umakyat ang init sa buo kong katawan, natigilan ako at napatingin sa kanya, tumawa siya saka bi-nump fist ang braso ko “Ito naman, joke lang yun!” “T-Talagang joke lang yun kasi hindi kita type!” sagot ko, nangulit parin siya habang naglalakad kami. “Hindi type? Ikaw nga may sabi na di totoo yung type type na yan eh kung tumibok na ang puso!” I bit my lower lip saka pumikit at nagdasal ulit na pahabain pa ang pasensya ko dahil halata naman na nang-aasar nanaman siya. “Ano ba talagang gusto mo?” hinarap ko siya at nabigla siya sa reaction ng mukha ko habang pinapandilatan siya. “Easy!” pakalma niya sa akin “Sabi ko naman, simpleng thank you okay na ako…” sagot niya saka ako nginitian at tinaas taas pa ang kilay “Thank you!” walang gana kong sagot “Ayan masaya kana?” “Wala namang feelings!” reklamo pa niya, I glared at him “Pero okay na!” dugtong niya. Nakarating na kami sa tapat ng locker at kinuha ko ang cellphone ko and texted Sam na uuwi na ako, meron pa kasing practice yun sa dance club. Kinuha ko ang mga iba kong gamit sa locker saka nilagay yun lahat sa bag ko. Bumigat lalo yun dahil nadagdagan ng books at ilang folders na reviewers ko. I was about to put on my bagpack ng kinuha ni Terrence yun sa akin “Anong ginagawa mo?” tanong ko “Magrereview tayo di ba?” sagot niya saka sinuot ang bag ko “So saan tayo, kwarto mo o kwarto ko?” tanong niya saka ngumisi. TERRENCEEEE!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD