Chapter 9

2099 Words
Chapter 9 Znela Tumigil kami sa harap ng malaking pinto at inantay na magbukas iyon. May sumalubong sa aming dalawang katulong na naka-suot ng maid's uniform, they both greeted us na bahagya pang yumuko, ngumiti si Terrence saka niya inabot ang hawak na helmet at bag sa kanila, napatingin sa akin ang isang katulong saka nilahad ang kamay para kunin rin ang dala-dala ko. Pumayag ako na dito mag-aral sa bahay nila dahil magagalit si Mommy kung malalaman niyang nagdala ako ng ibang tao sa bahay. Nilibot ng mga mata ko ang malaki nilang bahay, napako ang tingin ko sa malaking portrait na nakasabit sa wall saka dahan-dahang napangiti. Ang ganda-ganda kasi ni Mrs. Villaflor, wedding photo nila yun, ang gwapo gwapo rin ng kuya ni Terrence lalo na't kitang-kita sa ngiti at mga mata niya na mahal nga niya ang asawa. "Seems like a perfect couple, eh?" rinig kong sabi ni Terrence mula sa likuran ko ng mapansin niya na nakatitig ako doon. Sobrang laki nun, kasing tangkad ata ni Terrence ang haba at detailed masyado, napakaganda ng pagkakagawa. Kitang-kita ang detalye ng suot na wedding gown ni Mrs Villaflor, pati ang amo ng mukha niya kuhang-kuha din. "They're so good to look at together..." mahina pero alam kong rinig ni Terrence. "Ilang beses kong pinatanggal yan dyan, alam mo ba?" napatingin ako sa kanya ng maglakad siya at tumigil sa tabi ko "I was so jealous, ilang araw rin akong nagkulong sa kwarto at di kumain lalo ng nung nalaman kong buntis na si Ate..." hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis dahil sa sinabi niya, tama bang pagpantasyahan niy ang asawa ng kapatid niya? "Hanggang ngayon ba?" I asked him at napatingin siya sa akin, he smiled na parang nakakaloko at hindi sumagot "Nakakadiri ka!" singhal ko sa kanya kaya tumawa siya ng malakas. "I'll be upstairs, aantayin na lang kita!" sabi niya sa akin saka naglakad na pataas. Napalingon ako sa paligid. Sobrang laki ng bahay, malaki rin yung amin pero mas malaki ito. May eleganteng chandelier na nakasabit sa gitna at mapapatitig ka talaga dahil sa ganda nun, yung bahay nila very classical ang dating, parang nasa loob ka ng eleganteng mansion, malayung-malayo sa modern design na bahay namin. Yung aura ng bahay para kang dadalhin sa isang certain time in history, mala-spanish era ang dating, lahat in proper place, elegante at parang mamahalin. Yung shade ng light sa buong bahay ay very relaxing sa mata, yung dalawang hagdan nila na pa-ellipse ang shape ay matatagpuan sa gitna ng bahay, parang setting sa isang pelikula ang bahay na ito, yung tipong mga senyorito at senyorita sa isang hacienda ang nakatira. "How can I help you?" nabigla ako ng may nagsalita mula sa likod ko. I was mesmerized with the simple yet overwhelming beauty I saw standing infront of me, dahan-dahan siyang ngumiti at para siyang prinsesa dahil sa suot niyang free-flowing dress na kulay powder pink. "Is Terrence with you?" tanong niya pa at para akong tinakbuhan ng sarili kong dila matapos mapatitig sa mukha niya, grabe! Grabe talaga! Napatingin ako sa portrait nilang mag-asawa at para akong namamalikmata! She didn't even change after ten years! Napakaganda at napakabata parin niyang tignan! Kung ano ang itsura niya nung kinasal sila parang nadagdagan lang ng two years ang edad niya ngayong nakatayo siya sa harap ko! "A-Ah I'm sorry, hindi mo ba ako kilala? I'm Terrence's sister, Maria Corazon Alfonso-Villaflor!" saka niya nilahad sa akin ang mala-kandela niyang kamay, ang ganda at ang lambot! Kaya naman pala ganun kaganda si Rio at napaka-gwapo ni Rylle, sobrang ganda ng mommy nila at sure ako na ganun din sa personal ang daddy nila! "I'm s-sorry if I stared at you Ma'am..." I answered and shook hands with her "I was just stunned with your beauty! A-Ako nga po pala si Z-Znela-" "Znela Jimenez, I know you dear!" sagot niya saka ngumiti. Napalunok ako at medyo namula ang mukha "Hindi mo ba ako naaalala? We met before..." napatitig ako sa kanya at kumunot at noo, she softly laughed saka ako tinignan "Never mind, it was long time ago! Halika, sumama ka sa kusina, nasa taas na ba si Terrence?" Tumango ako at sumunod sa kanya, naaamoy ko ang pabango niya at minsan na rin akong gumamit ng pabangong iyon. 'Maco' yun yung pangalan ng pabango na ang alam ko ay pinangalan sa kanya ng asawa niya, ang sweet lang di ba? Nakakainggit, sana makatagpo rin ako ng tulad ng kanya! Naghanda siya ng sandwiches at fresh juice para sa amin ni Terrence, tumawag siya ng katulong at pinadala yun sa taas. "Terrence told me na mag-rereview kayo..." she said saka ngumiti "Nakakapanibago lang, si Terrence mag-rereview?" tanong niya na may halong nakakalokong tono. "A-Ah he was assigned po kasi na tulungan ako..." sagot ko at tumango siya. "He should at least help you, don't worry iha, I trust him more than anyone else in terms of academics, wala kang pag-sisisihan sa kanya!" she assured and I just nodded, eh kasi nga po genius siya! Alam na naming lahat yun! Ginayak niya ako pataas sa kwarto ni Terrence, doon namin nadaanan ang kwarto nila Rylle at Rio, para ko tuloy gustong pasukin iyon! Hindi lang dahil napakaganda ng bahay nila at napakalaki kaya interesting ito, dito lang naman kasi nakatira ang may ari ng pinakasikat na clothing line and beauty products at ang dalawa sa pinakasikat na childstar ngayon sa Philippine Television! Ah. My fangirl heart. "Wala pa kasi sila..." rinig kong sabi ni Mrs. Villaflor ng makita niya akong nakatitig sa pinto ng kwarto ni Rylle "Rylle is out of the country para sa shooting ng bago niyang pelikula, si Rio naman nasa Baguio para sa isang commercial..." "A-Ahh sayang naman po..." sagot ko saka kinamot ang batok "I'm a fan! Super fan of Rylle!" sagot ko at napangiti siya lalo. Naglakad siya at kumatok sa kwarto ni Terrence, ilang segundo rin ay bumukas iyon. "Terrence!" bati niya saka bumeso si Terrence sa pisngi niya, bigla akong nakaramdam ng ilang dahil naalala ko lahat ng sinabi ng mayabang sa akin, tsk! Kung alam lang ni Mrs. Villaflor na pinag-papantasyahan siya ng kapatid ng asawa niya, nakuuu! Tinignan ko silang dalawa, they're so close to each other at kung titignan ng mabuti, hindi ganun kahalata ang age gap nila. Well-built na rin kasi ang katawan ni Terrence at matangkad din talaga! "Be good to her, aral lang ah, wag gagawa ng iba!" rinig kong sabi ni Mrs. Villaflor at biglang nag-init ang pisngi ko dahil doon. Yumuko ako at dahan-dahang pumasok ng kwarto. "Thanks for the snack Ate, we'll be downstairs for dinner!" he said at tumango na lang si Mrs. Villaflor. Ngumiti siya sa akin and I smiled back at her. Tuluyan na akong pumasok sa kwarto ni Terrence at nabigla pa ako ng sinara niya ang pinto. Napalunok ako ng makita ko ang napakaluwang niyang kama. Mas maluwang pa sa kama ko! It was obviously customised for him. Nakita ko ang sarili ko sa reflection ng mirror na nasa taas ng headboard ng kama niya. Kitang-kita ko ang pamumula ng mukha ko kaya agad kong binawi ang tingin ko dahil kitang kita ko rin ang pagngisi ni Terrence mula sa likod ko. "Wag kang mag-alala, mag-aaral lang tayo..." pangbubuska pa ni Terrence sa akin, pinaningkitan ko siya ng mata. "Wag mo akong itulad sa iyo! Greenminded! Nakakadiri ka! Siguro bago matulog iniisip isip mo ang ate mo! Yuck!" I mumbled at natawa siya dahil doon. "Ang ganda niya di ba? Kahit ngayon para siyang di tumatanda, hindi mo pa kasi siya nakitang nag short shorts! Kung nakita mo lang ang makinis niyang le-" "TAMA NA!" sigaw ko at para akong kinikilabutan dahil sa sinasabi niya, kitang kita ko ang aliw na nararamdaman niya dahil doon "Kilabutan ka nga!" "HAHAHA! Ikaw naman, di na mabiro!" he walked through his closet saka naghanap ng isusuot ata pero parang nagbago ang isip, wala siyang kinuha. Instead of that, lumakad siya palapit sa tapat ng study table niya na may background ng dalawang malalaking bookshelves. Parang mini library sa loob ng room, sa other side naman may entertainment set siya, I pouted matapos makita ang naka-ayos na DVD rack niya, napanuod na niya kaya lahat? "Ikaw lang ang unang babae na nakapasok dito aside from the maid, Rio and Ate Maco." he confessed at napatangin ako sa kanya "Suit yourself, feel at home..." tumingin siya sa akin matapos hubarin ang relo at ilapag sa tabi ng phone niya "I'll take some shower..." "T-Teka!" tawag ko sa kanya pero hindi na siya nagpapigil sa pagpasok sa CR. I pouted saka naglakad-lakad palibot sa kwarto niya, maraming mga photos na naka-hang sa wall, naka-free hang lahat yun na parang walang sinusunod na lay out pero maganda parin sa mata, iba't ibang ang sizes nun, photos were taken from different countries na napuntahan niya, some are familiar dahil napuntahan ko na rin pero yung iba parang very peculiar. Napatingin ako sa isang family picture na nakapost, napaka-ganda ng beach na nasa background, white sand, dark blue sea at ang mga puno at halaman, green na green, tingin ko recent photo lang yun, kumpleto sila, kasama ang Ate at ang Kuya niya, kasama ang grandparents nila, both sides I think kasi dalawang couple ng matatanda ang nakatayo. Nasa harap naman si Rylle at Rio na malalapad ang ngiti. Terrence was standing beside her Ate, malapad ang ngiti niya at kitang-kita ko na masaya siya. They are a happy family, complete and nagmamahalan. Bigla akong nakaramdam ng lungkot matapos maalala na never akong nagkaroon ng family picture kasama si Mommy at Daddy. Kung magbabakasyon man ako, si Yaya ang kasama ko at ang driver, minsan nasasama rin ako sa mga business tour ni Mommy pero never naman na nakasama si Daddy kaya hindi kami nagiging kumpleto. "It was taken at New Caledonia last summer..." halos mapatalon pa ako ng may nagsalita mula sa likod ko, nanlaki ang mata ko at agad na bumawi ng tingin matapos kong makita ang hubad niyang katawan sa pang-itaas, napalunok ako matapos marealized at parang nag stuck sa utak ko ang image niya at ang buhok niya na medyo basa pa at tumutulo pa sa upper body niya. I cleared my throat saka humakbang na patagilid para lumayo, amoy na amoy ko ang shower gel na ginamit niya, napaka intoxicating ng amoy, nakakadala! "A-Ang saya niyo dyan!" sagot ko na lang habang nakatingin sa malayo. "Yeah! We're complete, we stayed there for a week, nag-file ng leave lahat sila to spend time with the whole family..." he chuckled saka tumingin sa akin "Lahat kasi sila nag-tratrabaho na at tutuusin ako na lang talaga ang hindi pa..." huminga ako ng malalim saka mabilis lang siyang tinignan sa mukha. Namumula ang tenga, ilong at labi niya dahil kakatapos lang maligo. "Ikaw? Do you spend time with your family just like that?" he asked at natigilan ako dahil doon. I looked down matapos makaramdam ng lungkot at pagka-inggit sa kanya. Oo! Nakakainggit si Terrence! Nasa kanya na ang lahat! Kumpletong pamilya! Masayang pamilya! Mababait na kapamilya! Lahat nasa kanya na never akong magkakaroon! "D-Di ba magrereview tayo?" I asked him to divert our conversation "Magbihis kana, I have limited time I can't waste it!" "Ito naman, masyado kang seryoso!" sagot niya sa akin saka lalong lumapit, tinignan ko siya ng masama kasi tuwalya lang ang saplot niya sa katawan "Alam mo ang buhay parang salamin lang yan, if you smile at it, it will smile back at you! Wag ka kasing negative! Sige ka, papangit ka niyan!" "You take life so lightly kasi yun ang dating nun sa iyo, pero hindi lahat tulad mo Terrence!" sagot ko saka naglakad palayo, tumalikod ako sa kanya at humarap sa malaking walk-in closet niya. "Magbihis kana kasi uuwi na ako mamaya!" "Okay!" rinig kong sagot niya saka naglakad papunta sa walk-in closet niya. He opened it at doon ko nakita ang laman nun, lahat nakaayos. "H-HOY!" sigaw ko ng makita kong nilagay niya ang kamay sa waist niya na natatakpan ng tuwalya "ANONG GAGAWIN MO?" "Magbibihis!" sagot niya saka ako saglit na nilingon. "L-Lalabas ako!" sagot ko pero nagsalita ulit siya. "Di na kailangan, tumalikod ka na lang!" ginawa ko agad ang sinabi niya dahil hindi na kaya ng mata ko ang nakikita kong muscles niya sa katawan, t-teka marami ba siyang oras sa gym? Tumalikod ako at tumayo ng tuwid gaya ng sinabi niya pero parang nagliyab ang mukha ko matapos mapatitig sa salamin na nasa taas ng headboard niya na sakto naman sa kinatatayuan niya. "AHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!" sigaw ko sabay takip ng mukha matapos niyang nilaglag ang tuwalya niya. "Relax seatmate, it's just the butt!" nang bubuska pa niyang sabi! ANG VIRGIN EYES KO! TERRENCEEEEEEEEEEEE!!!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD