Chapter 10

1789 Words
Chapter 10 Znela Diretso lang ang tingin ko sa notes, ballpen, calculator at sa kung anong mga bagay na nasa harap ko. Nakaupo si Terrence sa kaliwa ko habang nakatalumbaba at nakatitig sa akin. Ilang beses akong lumulunok sa tuwing nakikita ko ang paglakbay ng tingin niya sa mukha ko at sa ginagawa ko "P-Pwede ba lumayo ka unti? Nasusulasok ako sa amoy mo eh!" sabi ko pero hindi niya ako pinansin. Kumunot ang noo ko sa kanya saka binagsak ang ballpen sa study table. Naiinis ako dahil sa ginawa niya, nadumihan niya ang mga mata ko, ang kapal talaga ng mukha! "ALAM MO BA ANG GINAWA MO?" tanong ko sa kanya habang nanlilisik ang mga mata. Umilig siya ng unti at kita ko ang pagkabigla sa mukha niya. He slowly smiled saka nagsalita. "Don't tell me ngayon ka lang nakakita ng sexy na pwet?" pang-aasar pa niyang sabi dahilan para umusok lahat ng butas ko sa mukha. I want to pull his hair pero pinipigilan ko lang, kasi naman nasa bahay nila ako, baka magsumbong pa siya at magmukha akong sadista! I closed my eyes at tinakpan ang mukha sabay pabagsak na umupo. Kulang na lang maghilamos ako ng alcohol dahil feeling ko ang dumi-dumi ng mga mata ko. I shook my head matapos mag replay ang images niya sa isip ko na nakaka turn on este nakakasuka talaga! "Wag mo nga akong itulad tulad sa mga naging babae mo!" sagot ko saka siya inirapan. Kinuha ko ang ballpen saka nag start na mag solve ulit ng mga Calculus problems. Halos mabutas ang papel dahil sa diin ko sa pagsusulat ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko. "Hindi ganyan!" rinig kong sabi niya saka tumayo sa likod ko. He bent towards me kaya naman mas lalo kong naamoy ang body scent niya. Napalunok ako ng maramdaman ko ang chest niya sa likod at para may ilang boltahe ng kuryente ang dumadaan sa buo kong katawan dahil doon. "I sosolve mo muna ito, sabay substitute nitong nakuha mong value!" saka niya si-nolve ng mabilisan ang question "Mas mabilis at mas madaling paraan, paano ka mananalo kung babagal-bagal ka?" dugtong pa niya saka ipinatong ang kaliwang kamay sa mesa, para niya tuloy akong niyayakap at bigla akong nakaramdam ng pag-iinit dahil doon. Bukas ba air-condition unit nila? "ALAM KO NA!" sigaw ko sabay agaw ng ballpen. Hindi ako makatingin sa kanya kasi yung mukha niya nasa kanan naman ng mukha ko, kung gumalaw ako baka biglang magdikit yun! "LUMAYO KA NGA, MASYADO KANG MALAPIT EH!" sabi ko ulit at sinunod niya naman. Dalawang oras din ang inabot namin sa pag-aaral, andami niyang tinuro sa akin na shortcuts sa pagsosolve ng problems, pati mga patterns sa pagkakabisado ng formulas sinabi niya din, and now I'm wondering kung sarili niyang descoveries lahat yun! "It's called style!" rinig kong sabi niya na parang sumagot sa mga tanong ko sa sarili ko kanina "Stop looking at me that way seatmate baka hindi ko mapigilan ang sarili ko, ipakita ko ang tinatago kong style sa iyo!" at agad akong bumawi ng tingin. "Mayabang!" bulong ko that made him chuckled. Tumayo siya saka kinuha ang phone niya at wristwatch na kanina ay pinatong niya doon malapit sa kama niya. Tinapos ko ang isa pang set ng problems na siya mismo ang gumawa bago siya nilingon. Nakahiga na siya sa kama niya habang nagtetext o nag lalaro, hindi ako sure basta busy na siya sa phone niya. Napansin ko tuloy ang pinkish niyang talampakan na parang ang lambot at bangong tignan. I gulped tapos binalik ulit ang pansin sa ginagawa ko "Tapos na ako!" saad ko saka nilapag ang ballpen at calculator, iginalaw galaw ko din ang balikat ko at leeg dahil nangalay dahil sa position ko. "Check your answer on number 5..." rinig kong sabi niya kaya mabilis ko siyang nilingon. "Tapos ko na iyon!" sagot ko at tinignan niya ako saka nilapag ang phone sa kama niya, he looked at me matapos umupo ng maayos at sinayad ang paa sa floor. "You got it wrong!" sagot niya kaya kumunot ang noo ko. "How did you know? Hindi mo pa nga tinitignan eh!" sagot ko sa kanya, he stood up saka lumapit sa akin at kinuha ang pinagsagutan ko, ganun din ang ballpen saka may sinulat doon. Nanlaki ang mga mata ko matapos niyang ilapag sa mesa ang notebook na may solution na. I reviewed my answer at tama nga siya, mali ako, na confused ako sa isang given na value na nagamit ko sa ibang equation. "Wag kanang magtaka, I know that you're not going to get it right dahil hindi ka nakafocus masyado sa ginagawa mo, stand up, nagugutom na ako mag-dinner na tayo!" sabi niya saka nilapag ang mga hawak sa mesa. Binulsa niya ang kamay niya sa striped light brown shorts niya habang naglalakad, naka printed white shirt lang din siya pero bakit ang lakas parin ng dating? I sighed saka iniling ang ulo. Naglakad ako para kunin ang bagpack ko matapos iligpit ang mga gamit "What are you doing?" tanong niya matapos kong isabit yung bag sa shoulder ko. "I'm going home!" diretso kong sabi. "Mag dinner ka muna!" sagot niya sa akin at umiling ako "Thanks but no thanks, I have to be home before 8 PM, magagalit si Mommy at-" "Ihahatid kita!" singit niya sa sinasabi ko. Umiling ako sa kanya saka nagsalita ulit. "Mas lalo siyang magagalit, where's your Ate? Magpapaalam na ako..." sabi ko at lumakad na rin papunta sa pinto ng kwarto niya para lumabas. "Ipapahatid na lang kita sa driver!" pahabol pa niyang sabi bago ako tuluyang nakalabas. ------ Jimenez's Residence Bumaba ako one block bago makaabot sa bahay namin, ayaw kong makita ni Mommy o sino pa naman na hinatid ako ng kotse ng mga Villaflor lalo na't si Terrence ang kasama ko kanina. Mommy will get angry to me for sure! Nag doorbell ako at sumalubong na rin agad si Yaya. "Mag dinner kana anak..." malambing niyang sabi at ngumiti ako sa kanya. "Sige po, maliligo muna ako..." paalam ko, I was on my way to my room ng bigla akong nakarinig ng sigawan. Napatingin ako sa gawi kung saan ang office ni Mommy. Agad-agad akong tumakbo papunta doon, Yaya was about to stop me pero hindi niya rin nagawa, winaksi ko ang kamay niya saka tumayo sa likod ng pinto kung saan ko naririnig si Mommy na sumisigaw. "ANO? HINDI PA BA SAPAT NA SUSTENTOHAN MO SIYA? HINDI PA BA SAPAT NA MAS MARAMI KANG ORAS SA KANILA?" nahinto ang pagbukas ko ng pinto matapos marinig ang mga sinabi ni Mommy, sino ang kausap niya, si D-Daddy ba? "S-Sustentohan? S-Sino ang sinusustentohan niya?" mahina kong tanong sa sarili ko. "WILL YOU LOWER YOUR VOICE?" bigla akong nakaramdam ng paninikip ng dibdib matapos kong marinig ang boses ni Daddy, andito si Daddy? Kelan pa? Bakit sila nag-aaway? "Walang kasalanan yung bata, sa akin ka magalit..." "TINANGGAP KO ANG PAGKAKAMALI MO DAHIL AYAW KONG MASIRA ANG PANGALAN NG PAMILYA NATIN BUT ASKING ME TO SHARE WHAT I HAVE WORKED HARD SA ANAK MO SA LABAS, NO WAY! THERE'S NO WAY I WILL DO THAT!" para akong nabuhusan ng malamig na tubig matapos marinig ang sinabi ni Mommy. Biglang nanginig ang kalamnan ko at mga kamay. Nanigas rin ako at parang nawala sa sarili. Tama ba ang narinig ko? M-May anak si Daddy sa labas? "E-Ela..." rinig kong tawag sa akin ni Yaya, pinatong niya ang kamay niya sa balikat ko sabay ng pagpatak ng mga luha ko na di ko na napigilan at kusang lumabas. "A-Alam mo ba ang t-tungkol dito?" tanong ko kay Yaya at hindi siya sumagot. I bit my lower lip at lalong bumilis ang paglabas ng luha mula sa mga mata ko. I was about to shout to my Yaya ng bumukas ang pinto. I saw my father’s shocked face when he saw me standing behind the door, crying and looking at him furiously. "Z-Znela..." tawag niya sa akin, he was about to hold my hand pero iniwas ko iyon. I bit my lower lip saka bahagyang yumuko. Nakikita ko ang pagpatak ng luha ko sa floor, narinig ko na rin ang paglabas ni Mommy at natigilan rin siya matapos akong makita. "T-Totoo ba?" lakas loob kong tanong saka kinuyom ang palad. "T-Totoo bang may anak kayo sa ibang babae?" "Z-Znela, let me explain anak-" "TOTOO BA?" sigaw ko that made them more shocked "SAGUTIN NIYO AKO! TOTOO BANG MAY IBA KAYONG PAMILYA?" "Z-Znela, we tried to hide it from you dahil alam namin na masasaktan ka, we want to prevent this thing to happen and-" "WELL I'M SORRY TO SAY THIS BUT YOU FAILED!" sigaw ko saka tinapon ang bagpack sa floor. Tuloy tuloy ang pag-iyak ko habang nagsi-sink in sa akin ang lahat. "B-Bakit mo nagawa?" tanong ko kay Daddy na parang nanghihina "K-Kaya ba wala kang oras sa amin? Sa akin? H-Hindi mo ba ako mahal?" sunud-sunod kong tanong na nahihirapan ng huminga dahil sa pag-iyak. Lumapit si Yaya sa akin para patahanin ako pero wala rin siyang nagawa "B-Bakit Dad? Hindi ba kami sapat sa iyo?" "Z-Znela..." "A-Akala ko kaya kayo laging wala sa bahay dahil busy kayo sa pagtratrabaho, d-dahil...d-dahil iniisip niyo ang future ko, kaya hindi ako naghanap sa inyo, kaya tinanggap ko lahat iyon, kaya kahit kailan hindi ko kayo sinumbatan tungkol sa pagkukulang niyo ng oras sa akin d-dahil akala ko...a-akala ko para sa akin lahat ito..." I looked at him at ramdam ko na rin ang pamamaga ng mga mata ko "P-Pero it turns out na, may iba pa pala kayong pinagkakaabalahan..." "Z-Znela baby, I'm sorry pero walang kasalanan ang kapatid mo at-" "Kapatid?" I smirked saka parang naloloka na ginulo ang buhok. Bigla rin akong nakaramdam ng matinding pananakit ng ulo dahil sa mga nalaman ko. "H-How old is that...t-that child?" "F-Fifteen..." at para akong tinatakasan ng lakas matapos marinig iyon "YOU HID TO ME ALL OF THIS s**t FOR FIFTEEN YEARS?" sigaw ko ulit at napayuko na lang sila. "H-How could-" natigilan ako matapos makaramdam ng pagkahilo at sobrang pananakit ng ulo. Napaupo ako at lahat sila lumapit sa akin "D-DON'T TOUCH ME!" I managed to shout kahit na parang minamartilyo na ang ulo ko sa sobrang sakit! "Z-Znela what's happening to you?" tanong nila at pilit akong tumayo at humawak sa handrails. "Don't ask me like that as if you care about me..." sagot ko at pinilit na naglakad. Umabot ako sa loob ng kwarto ko sa kabila ng matinding sakit. I opened my drawer saka kumuha ng pain relievers doon at sinalampak ang katawan kama. I covered my mouth and silently cried. Para akong nilalamon dahil sa sakit ng ulo at sakit sa damdamin dahil sa nalaman ko ngayon. Inabot ko ang bottle ng pain relievers sa gilid ng kama ko saka tinignang mabuti iyon habang patuloy sa pag-iyak "I want t-to stop the pain forever, c-can you help me?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD