Kabanata 7:
Malalaki ang hakbang ko papalapit kay Kevin nang matapos na ang practice namin, madilim na ang paligid nang makalabas ako. Naabutan ko siya sa parking lot na sumisipa-sipa ng maliit na bato habang nakapameywang.
Akala ko iniwan niya ako.
"Woy, bakit ka biglang umalis?" Huminto ako sa harapan niya.
Hindi niya ako nilingon at nanatili sa kanyang paanan lang ang tingin, higit siyang mas matangkad sa akin kaya sinipat ko ang mukha niya. Nag-iwas ulit siya ng tingin at bumaling na lang sa kanan niya, nagkunwaring may sinisipat doon.
Kinabahan na ako dahil baka may problema siya.
Hinawakan ko ang kanyang braso. Napaigtad siya kaya napaigtad din ako.
"Ayos ka lang ba? May masakit ba sa'yo Kevs?"
Ngumuso siya saka umiling bago tuluyan tumingin sa akin, ginulo niya ang sariling buhok saka malakas na bumuntonghininga. "Wala 'to, Beb. Biglang sumama lang siguro ang pakiramdam ko, kaya lumabas muna ako. Okay naman na ngayon, hmm tapos na ba kayo?"
Tumango ako, bahagyang nakakunot ang noo sa kanya. Parang may mali e.
"Oo, uwi na tayo, baka hinahanap na rin ko nila Mommy."
Hindi na niya ako hinintay, pumara na siya ng tricycle. Hanggang makarating kami sa tapat ng bahay ko ay tumahimik siya, bumaba ako at kumaway. Tumango siya saka umalis na.
Anong nangyari roon? Masama nga ata talaga ang pakiramdam.
Sinubukan ko siyang i-chat pero seen lang niya.
KINABUKASAN ay maaga ako sa school, chinat ko na lang si Kevin na mauuna na ako kasi mag-aayos pa ako. Malakas akong bumuntonghininga habang nakatingin sa replekson ko sa salamin.
I'm wearing a latin red rumba dress; there were sequins around the skirts. A see-through long sleeves. There were three inches split that made my dress a little revealing.
The corner of my lips turned up, ang ganda ko naman.
Napalingon ako sa likod ko nang may tumapik sa akin, lumawak ang ngiti ko nang makita si Sascha at Alice.
"Galingan mo ah?" ani Sascha, malumay ang kanyang boses.
Napanguso ako dahil kapit na kapit sa kanya si Alice, animong takot mawala. Sabagay, ang dami nga naman tao rito sa backstage.
Nilingon ko ang likuran nila, baka may kasama pa sila pero wala.
Tumikhim ako. "Hmm, si Kevin?"
"Ay, wala ba rito? Akala ko nandito kaya nga pumunta na kami e." Sascha shrugged.
"Nakita ko siya kanina, nandoon sa room. Nakadukmo," mahinhin na sabi ni Alice saka inayos ang suot niyang salamin.
Naningkit ang aking mata. Kinabahan kaagad ako.
"M-May sakit ba? Baka may lagnat 'yon, kahapon pa 'yon gano'n," I informed them. Gusto ko na lang umalis at puntahan siya, huhubarin ko sana ang heels ko para puntahan siya pero dumating na si Pol, sumilip siya sa pintuan at bahagyang nagulat pa nang makita ang mga kaibigan ko.
"Oh, hey. Lisa, malapit na tayo. Okay ka na ba?" tanong niya.
Nag-aalinlangan akong tumango. Okay nga lang ba ako?
Tinapik ni Sascha ang balikat ko. "Kinakabahan ka ba? Mukha kang natataranta, relax ka lang sus ikaw pa ba?"
Itinikom ko na lang ang bibig ko saka tipid siyang nginitian, nagpaalam silang dalawa na lalabas na para bumalik sa upuan nila sa labas. Nakisuyo lang daw sila kay Nade—President ng klase namin na bantayan ang upuan nila.
Malakas akong bumuntonghininga habang sinisipat ang entrance ng backstage. Hindi ba talaga siya pupunta? Ni good luck wala man lang? May problema ba sila sa bahay?
Lumipas ang minuto ay iyon ang naisip ko.
Sasampalin ko talaga ang bakla na 'yon mamaya.
May sinabi si Pol sa akin pero tulala na ako, hindi ko alam. Sinabi niya ata 'yong oras kaya tumango na lang ako saka pinanuod siyang nagmamadaling umalis.
Pukingina, ano bang nangyayari sa'yo Lisa?
"Please welcome, Education Department." Narinig kong announce ng emcee, isa sa mga member ng council.
I shook my head and about to stand when someone offers a hand to me. I looked up, and my jaw dropped when I see Kevin wearing Pol's uniform. Sa gulat ko ay sinampal ko siya.
"Aray," gulat na sabi niya sabay hawak sa kanyang pisngi.
Napatayo ako sa gulat saka inilibot ang paningin, nasaan si Pol?
"A-Anong ginagawa mo?" Pinasadahan ko siya ng tingin, bagay sa kanya ang suot siya. Mas lalo siyang pumuti.
Kumamot siya ng batok saka ngumuso. "U-Uh, masakit daw kasi ang tiyan niya."
"Huh?" Pero may sayaw kami.
"Ako ang papalit, tara na tinatawag na tayo." Hinawakan niya ang kamay ko at hinila.
"Pero hindi mo naman alam ang sayaw namin." Marunong ng sumayaw si Kevin, ewan ko pero natuto na rin siguro siya dahil lagi kaming magkasama at isa ay mabilis lang siyang matuto. Fast learner.
"Di mo sure, Sis." He chuckled.
Kinabahan ako noon una pero nang hawiin niya ang kurtina papuntang stage at makita ko ang nakatutok na spotlight sa amin ay nawala ang kaba ko, mas lalong lumakas ang loob ko dahil si Kevin ang kasama ko.
And he was right. He knows every steps. Kung kailan iikot, kailan hahawak at kung saan.
Hindi ko alam kung dapat mas matuwa ako dahil wala akong ilang sa kanya, kahit saan siya humawak o kahit sobrang lapit namin. He's Kevin... my bestfriend.
Nang matapos ang sayaw ay napalundag ako sa backstage sa sobrang tuwa dahil hindi kami nagkamali. Malawak ang aking ngiti nang humarap sa kanya at niyugyog ang balikat niya.
"Kevin Yeomra Rowan omg! Ang galing natin!" tili ko saka siya mahigpit na niyakap.
Natawa rin siya saka niyakap ako.
Nang i-announce ang panalo ay pang first kami, pero may champion pa. Nang hinayang ako sa kaunting points na lamang ng kabilang department pero ayos lang din dahil ginawa namin ang best namin. Wala naman dapat pagsisihan lalo't dagdag kaalaman din ang nangyari. Atleast ay na-experience namin.
Ako 'yong tipo na gusto lang madagdagan ang kaalaman ko, I just wanna explore and add experience. Pero minsan na pe-pressure ako kay Mommy dahil alam kong bawat galaw ko ay sinusundan niya, bawat galaw ay dapat tama sa mata niya.
Minsan nakakatakot din magkamali.
"Congrats, Lisa, Kevin," bati ni Sascha nang nasa labas na kami, may ilan pang bumabati sa amin na tinatanguan ko at pinapasalamatan.
"Congrats, bagay kayo," mahinang sabi ni Alice. Natawa ako sa sinabi niya, iyan ang napapala niya kakanuod ng kung ano-ano.
Tumayo ako nang tuwid nang akbayan ako ni Kevin, nang lingunin ko siya ay malawak ang ngiti sa kanyang labi, nakasuot na ngayon ng sweater at jeans.
"Salamat, gusto niyo kain tayo? Libre ni Lisa," aya ni Kevin.
Siniko ko siya. "Gagu, wala na me money," sabi ko. Totoo naman.
Binibigyan akong allowance at naubos na 'yon dahil sa mga nakaraan practice namin na namamasahe ako, ayoko naman humingi kay Mommy dahil papagalitan lang ako no'n. Mabuti sana kung nandyan si Daddy, siguradong pa-simple ako no'n aabutan kaso laging wala si Daddy, seaman siya.
"Hindi ako pwede, a-ahm, pinapauwi na kaagad ako ng hmm tatay ko." Paputol-putol na sabi ni Sascha.
Lumingon sa kanya si Alice. "Hindi na rin ako makakasama."
"Jusko, ang ke-KJ niyo. Oh, anong sasakyan niyo pauwi? Hatid na muna namin kayo sa sakayan," presinta ni Kevin.
Gano'n nga ang ginawa namin, una namin pinara ng tricycle si Alice bago si Sascha dahil magkahiwalay naman sila ng daan.
Nang kami na lang ang maiwan ay roon ko lang napansin na nakaakbay pa rin siya sa akin. Hindi ko alam pero dahil sa sobrang lapit ay roon ko napansin ang matapos niyang ilong at makinis na pisngi.
Siguro ay napansin niya ang tingin ko kaya nilingon niya ako. "Gwapo ka pala, beb," komento ko.
Mukhang nagulat siya sa sinabi ko pero sa huli ay natawa na lang. "Maganda beb, maganda," pagtatama niya.
Ngumisi ako.
Pumunta kami sa isang food park, may napalanunan kaming kaunting pera at may certificate pa, department namin ang nakalagay na pangalan pero ayos na rin.
Nakapalumbaba ako habang pinapanuod umorder si Kevin ng shawarma at fries.
Mukhang may kakilala pa siya dahil may humarang pa sa kanyang lalaki at may sinabi, parehas silang lumingon sa akin, may sinabi si Kevin at pareho silang natawa.
Chismoso.
"Sino 'yon? Hindi ko 'yon kilala ah," bungad ko nang ilapag niya ang tray ng pagkain namin.
"Kaklase ko 'yon no'ng Elementary."
"Oh, ano sabi?"
Nagkibit-balikat siya. "Wala naman, nangamusta lang."
"Nangamusta e bakit lumingon kayo?"
He pursed his lips. "Wala, tinatanong lang sino kasama ko. Kumain ka na nga para makauwi na tayo, sumakit ata balakang ko kanina."
Hindi na ako nagtanong pa tungkol sa pinag-usapan nila ng lalaki.
"Salamat pala kanina, kung hindi ka pumalit kay Pol baka napahiya na ako roon. Nasaan na ba kasi 'yon? Tadtarin ko siya mamaya ng chat loko siya, bigla-bigla umalis. Kung pala hindi mo alam 'yong sayaw edi ako mag-isa magru-rumba roon, ang epic sis," mahabang litanya ko.
"Yeah, nakita nga lang niya ako. Pinilit niya ako." He informed me. I nodded, mabuti at napilit ni Pol si Kevin.
Napalingon ako sa kanya nang ilagay niya ang isang certificate sa ibabaw ng lamesa.
"Ikaw na mag-uwi niyan," he offered.
Kumunot ang noo ko. "H-Hindi na sa'yo na."
Natawa siya. "Hati na lang tayo?"
"Parang tanga 'to."
"Sa'yo na lang, beb. Madami ng papel sa bahay." Natawa siya sa pagmamayabang niya. Edi ikaw na matalino.
Sa huli ay sumuko ako. Ako na ang mag-uuwi ng certificate. Napunta naman ang usapan namin tungkol sa nanalo.
"Honestly, magaling talaga sila," I agreed to the result.
Sumimsim siya ng juice. "Oo, saka hot 'yong lalaki."
I rolled my eyes, basta talaga lalaki ay ang linaw ng mata. Kinuha ko ang certificate at inilagay iyon sa bag kaya sinundan niya iyon nang tingin habang nilalagyan pa ng pagkain ang pinggan ko.
"Hindi mo ba 'yan ipapakita sa Mommy mo?"
I protruded my lips, I don't have a plan.
"Hindi na siguro, hindi naman ako ang champion. H-Hindi siya matutuwa," mahinang sabi ko.
Hindi ako makatingin sa kanya, mula sa gilid ng mata ay nakita ko siyang sumandal at pinag-krus ang mga braso sa harap ng dibdib.
"Ipakita mo pa rin, hindi ba't sabi ko maging proud ka sa lahat ng bagay na nakukuha mo? Maganda o hindi. Maliit o malaki ay pinaghirapan mo iyan. Do it for yourself 'di ba?" seryosong aniya.
Hindi ako sanay ng gano'n siya, mas sanay akong nagbabardagulan kami.
Tipid akong ngumiti bago tumango, I will try.
Nang naglalakad na kami pauwi ay napadaan kami sa isang malaki at puting bahay. Bahagya kong sinisipa-sipa ang maliit na bato sa paanan namin.
"Kapag nagka-trabaho na tayo, patayo tayo ng ganyan," biglang sabi niya.
Natawa ako. "Ano 'yon, parang friend house natin?"
Tumango siya pero seryoso pa rin nakatingin sa puting bahay, maganda naman talaga iyon.
"Oo naman, tapos kapag malungkot ka sa bahay mo at trip na naman ni Mudrakels mo mag-rap ay pwede tayo roon. Bahay natin 'yon, safe place natin," aniya.
Napangiti ako nang makita ang pagiging desidido sa kanyang mata. Nakakahanga iyon.
"Hmm, wala naman tayong perang pangpatayo." I commented.
"Kaya nga tayo magtatrabaho." Lumingon siya sa akin saka ngumiti.
Huminga ako nang malalim para alisin ang malakas na pagkabog ng dibdib ko, nailang ako sa ngiting 'yon.
"H-Hmm, paano kapag nagkapamilya na tayo? Syempre magkakaruon na tayo ng kanya-kanyang bahay, edi balewala rin."
Inismidan niya ako.
"Saka mo na isipin 'yon, saka hindi ako mag-a-asawa, alam mo naman. Walang lalaking tatagal sa tulad ko. I-Ikaw ba may plano ka?"
Natawa ako. "Syempre may plano ako, gusto ko rin naman magkaanak no. Saka huwag mong sabihin walang tatagal sa'yong lalaki, kung iwan ka man ay kawalan nila iyon. Hindi nila mararanasan paano mag-alaga ang isang Kevin Yeomra Rowan," I teased him.
He chuckled and tapped my head.
"Kapag hindi ako nakahanap ng partner ko, ikaw na lang aalagaan ko hanggang tumanda na tayo. Nandyan ka naman e, hindi mo naman ako iiwan hindi ba? K-Kahit magka-asawa ka na, ako pa rin naman bestfriend mo?" His voice sounded so serious and so sad.
Parang may kumurot sa puso ko sa sinabi niya pero unti-unti ko siyang niyakap.
"Hanggat hindi mo ako tinutulak palayo, nandito lang ako."
________________