Kabanata 6:
"Hala shuta, oh tapos?" reaksyon ni Kevin habang kumakain kami sa isang fastfood restaurant malapit sa school. Tutok na tutok siya habang nagkukwento ako ng nangyari kanina.
Linunok ko muna ang nginunguya kong chicken wings.
"Edi inalis ko 'yong kamay ko, syempre nagulat ako. Tapos sa akin pa nagalit si Mommy," kwento ko sa kanya na may kasama pang senyas ng kamay.
Kumunot ang noo ni Kevin, nilapagan niya ako ng wings sa pinggan na tinanggalan na niya ng buto.
"Mayaman siguro? Hayaan mo na 'yon, hindi ka pa sanay kay Mudrakels mo, pinaglihi ata sa sama ng loob," aniya kaya tumaas ang sulok ng labi ko.
Dati takot na takot pa siya kay Mommy, ngayon nagta-trashtalk na. Plastik talaga e 'to e, pagkaharap naman si Mommy, ang bait.
"Ewan ko rin e, mabuti kay Daddy ako nagmana. Kalmado lang." Pareho kaming natawa, natigil lang ako nang makita ang papasok na lalaki sa restaurant kung nasaan kami. "Huwag kang lilingon, nandiyan 'yong Jaren at-kingina mo naman Kevin sabi ko huwag kang lilingon."
Hinampas ko si Kevin sa braso nang hindi pa ako natatapos sa sinasabi ko ay lumingon na siya. Sinipat niya si Jaren, may kasamang dalawang lalaki at nagtatawanan pa sila.
Umismid si Kevin saka ibinalik ang tingin sa akin.
"Hindi naman efek," sabi niya, hindi raw gwapo.
Tumango ako. "Troot, beb."
Pinagpatuloy namin ang pagkain, wala naman akong pakialam sa kanya, kaya bakit ako iiwas.
Pinagpatuloy namin ang kwentuhan, siya ang nakakamay at may plastik gloves kaya siya ang naghihimay ng manok ko.
Patapos na kami ni Kevin nang may huminto sa gilid namin. Sabay kaming napalingon doon, si Jaren. Malawak ang kanyang ngiti, humigop ng juice si Kevin at pinasadahan ng tingin ang lalaki kaya sinipa ko siya sa paa.
Gagu 'to, akala ko ba hindi gwapo.
"Hey, Lisa."
"Oh," sagot ko, hinalo ang yelo sa baso.
"Hmm, I just wanna say sorry about what happened. Kanina. Kabastusan nga 'yong ginawa ko bigla kitang hinawakan, sorry." May ngiti sa kanyang labi, imbes na gumaan ang loob ko ay parang mas nainis pa ako pero hindi ko na iyon pinahalata pa.
I faked my smile and sweet voice. "Ayos lang, sige." Sinabi ko ang gusto niyang marinig.
Akala ko ay aalis na siya pero lumipat lang ang tingin niya kay Kevin na abala sa juice niya at juice ko, parang pinagkukumpara pa niya ang lasa kung anong mas masarap kahit magkaparehas lang naman kami.
"Ano pang kailangan mo?" tanong ko kay Jaren.
"Boyfriend mo?" tanong niya sabay turo kay Kevin.
Doon nag-angat ng tingin si Kevin. Kumurap-kurap siya at nagpalipat-lipat ng tingin sa amin.
"Ha, ano?" takang tanong niya, dahil siguro hindi naman niya alam na madadamay siya sa usapan.
"Boyfriend mo, Lisa? Alam 'to ng Mommy mo?" parang iba ang kanyang tono, may pagbanda.
Napalingon ako kay Kevin nang hawakan niya ang kamay ng lalaki dahilan para mapa-atras si Jaren sa gulat dahil sa haplos niya.
"W-What are you doing?" kabadong tanong ni Jaren kay Kevin.
Sumandal si Kevin sa upuan niya saka inilagay sa harap ng dibdib ang mga braso. "Oh, 'di ba? Nagulat ka. Hindi ayos sa pakiramdam na may bigla na lang hahawak sa'yo lalo't hindi mo kakilala." Umamba pa siyang hihimasin ang braso ni Jaren kaya mas napaatras si Jaren, may pandidiri na sa mukha. "Oh bakit ka natatakot? I just wanna say sorry about what happened. Kanina. Kabastusan nga 'yong ginawa ko bigla kitang hinawakan, sorry." Pag-uulit pa niya sa sinabi ni Jaren kanina. Ginaya pa niya ang tono.
Hindi ko maiwasan matawa, hindi talaga papatalo 'tong mokong na 'to.
Narinig kong mahinang napamura si Jaren bago tumalikod. "Bakla," bulong niya. Akala ko ba magpa-Pastor 'yan? Sayang wala rito ang Mama niya para makita kung gaano talaga kabait ang anak niya.
"Alam ko! Hindi ko nakakalimutan! Ulul," sigaw ni Kevin nang makalayo sila Jaren palabas na sa restaurant.
Hinampas ko siya sa braso niya na nasa ibabaw ng lamesa.
"Hoy, bunganga mo naman, mapapaaway tayo nyan e," saway ko sa kanya.
Inirapan niya ako. "Edi aabangan natin, resbakan natin," aniya na parang sanay na sanay na kami roon.
"Wow, naalala mo ba 'yong third year high school tayo? Lakas ng loob mo mag-square-ran kayo noong kaaway mo tapos noong ano na bigla kang tumakbo, naiwan ako!" Inambahan ko siya ng sapak.
Napahalakhak si Kevin, mukhang naalala ang ginawa namin noon.
"Sabi ko kasi takbo e, tumulala ka pa. Bakit? Bumalik naman ako, may dala nga akong bato," proud na sabi pa niya.
Sabay kaming natawa dahil binato niya ang mga kaaway namin, ni isa walang tumama. Ang lamya kasing bumato.
Napailing ako at hindi na sumagot, inubos na lang ang inumin ko, naghalf-half kami sa bayad na ginastos namin. Lagi naman.
Magkakasakit 'to kapag siya ang buong nagbayad, lalagnatin at hindi makakatulog.
Sumama si Kevin sa school para manuod ng practice ko, hindi pa niya napapanuod ang sayaw namin sa lumipas na araw na nag-practice kami dahil nasa klase siya. Ngayon pa lang niya makikita.
"Akala ko hindi ka dadating," bungad sa akin ng kapartner ko sa kabilang section, Elementary siya at Secondary kami pero parehas pa rin naman Education kaya pwedeng magkasama.
Gwapo siya. Isa rin iyon sa paghatak namin sa audience marami siyang supporters, sa audience impact ay medyo malakas ang laban namin.
Hindi ko lang talaga siya bet.
Ngumisi ako saka ko inayos ang bag na bitbit na may laman na damit ko pamalit, siguradong pagpapawisan ako.
"Hindi naman ako superlate, Sher. Kumain pa kasi kami." Turo ko kay Kevin na inililibot ang tingin sa isang room kung saan kami nagpa-practice.
"Hello, Sher Pol! Wassap," bati ni Kevin na may kasamang kaway pa.
Oh 'di ba, kapag nasa school ay nag-iiba.
Pol chuckled. "Hindi talaga kayo mapaghiwalay no? Para na kayong kambal," aniya may pagkamangha sa boses.
Natawa ako sa sinabi ni Pol, gano'n nga ata. Kapag may Kevin, dapat may Lisa. Kung nasaan si Lisa, nandoon si Kevin. Kasunod na ng pangalan namin ang isa't isa at nasanay na ako roon, hindi ko alam ang gagawin kapag wala siya. Kapag nawala siya.
"Hindi kasi mabubuhay si Lisa na wala ako e," ani Kevin saka nagliha ng isang upuan sa gilid para roon umupo, prente niyang itinaas ang paa sa isa pang upuan.
Sinamaan ko siya ng tingin.
"Baka ikaw kamo." Humarap na ako kay Pol. "Bihis lang ako ha, may pinuntahan kasi ako e."
"Ayos lang naman kaso walang banyo rito," Pol shrugged.
Inilibot ko ang tingin sa buong room, wala nga. Tinatamad na akong bumaba pa, sarado ang ibang room. Mahihirapan akong humanap ng bukas na room na may banyo.
Hinila ko si Kevin na prenteng nakaupo roon at pumunta sa likod ng pintuan.
"Takpan mo ako, magbibihis lang ako."
Hindi siya nagsalita pero ginawa niya ang sinabi ko, nakatalikod siya habang nagbibihis ako sa likod ng pintuan.
Bahagya pa akong natawa dahil nakadipa pa siya animong hinaharangan pa si Pol na natatawang lumalikod na lang sa amin.
"Hindi na ako magugulat kapag in-announce niyo na kayo na," asar ni Pol habang inaayos ang speaker, hindi ko siya nakikita pero naririnig ko ang tunog ng speaker nang buhayin niya.
"Ay wit. Dugyot mo, Pol. Friends lang kami nito, hindi kami talo."
Tipid akong napangiti sa sinabi ni Kevin, he's right. We're friends. Hindi kami bagay.
May pinag-uusapan na sila. Sa aming dalawa ay mas friendly talaga si Kevin, mas madali siyang makapalagayan ng loob kasi madaldal siya. Ako naman, madaling makahanap ng kaaway dahil sa expression ng mukha ko, akala nila lagi akong nagta-taray kahit hindi naman.
Nang matapos ako ay nagsimula na kami ni Pol, he's a great dancer.
Rumba ang sayaw namin, super intimate dahil iyon ang theme. Faded by Alan Walker ang napili namin tugtog, slow 'yong version bagay sa Rumba.
I made a fierce face when I heard the first beat.
Maraming pilantik at hawak ang steps namin. Nang umikot ako at tumalikod kay Pol ay nagtama ang mata namin ni Kevin, seryoso siyang nanunuod habang pinaglalaruan ang ibabang labi niya.
Pol grabbed my waist, he moved our hips in the beat of sounds. Naramdaman ko ang hininga ni Pol sa balikat ko, pinaglandas niya ang palad sa hita ko. I don't mind, it's part of choreograph.
Umawang ang labi ko nang pasadahan ako ng tingin ni Kevin habang gumagalaw ang balakang ko sa ritmo.
"You're too tense," Pol whispered.
I gulped, I don't know why too.
Pumikit ako upang pakalmahin ang sarili, nang dumilat ako ay palabas na si Kevin sa kwarto.
Saan 'yon pupunta?
_____________________