Kabanata 5:
Lumipas ang buwan ay hindi namin tinanong si Sascha tungkol sa narinig ko, sinabi ko iyon kay Kevin at tama siya, maybe that was her father.
Kung ano-ano lang talaga ang pumapasok sa isip ko.
I let a long sighed while listening to the pastor, hindi ako relihiyoso pero ang pamilya ko ay gano'n kaya nakikisali na rin ako. I grew up with bible study, sunday service and youth camp. Ayos naman, pero parang may kulang, I can't feel it.
I believe to him, to our saviour. I just can't find myself here.
Na kahit iyon ang kinalakihan ko ay parang hindi ako nararapat doon, siguro dahil napipilitan lang ako dahil ito ang gusto ni Mommy. Ginagawa ko lang iyon dahil iyon ang gusto nila.
Napailing ako sa naisip.
I'm having a competition tomorrow, I join dance battle to our foundation day. Ako ang representative ng room namin at kinakabahan ako dahil tatlong araw lang ang naging practice namin ng kapartner ko mula sa ibang section.
Nang matapos ang service ay pinilit kong ngumiti sa lahat ng bumabati sa akin. Pinapakiramdaman ko sila Mommy dahil maya-maya lang ay aalis na ako.
May last practice pa kami ngayon at hindi pa ako nakakapag-paalam.
Ako lang ata 'tong may schedule na ng alis pero hindi pa nagpapaalam.
I bit my lower lip when Mommy motioned me to come closer to them.
"This is my daughter, Lisa Lyndel. She's a future teacher," Mom said proudly.
Hindi ko alam kung totoo ba 'yon o ano. I bowed my head a little, sign of respect for them. Hindi ko naman sila kilala, mukhang bagong amiga na naman ni Mommy.
"Oh, Teacher, edi matalino ang anak mo," komento ng Ginang, naningkit ang mata ko dahil doon.
Humalakhak si Mommy.
"Saan pa ba magmamana?" aniya. Alam ko na ang ibig niya.
Gusto ko na lang umalis, ano bang ganap ko rito? Pang-yabang purposes, hindi ko alam.
"Oh, this is my son, Jaren. He's an engineering and a future pastor," proud na sabi ng babaeng kausap ni Mommy sabay turo sa isang lalaki sa likuran.
Matangkad siya, nakasalamin, gwapo naman siya pero hindi ganyan ang type ko. Mukhang mabait naman pero wala akong tiwala sa itsura, ako na mukhang mabait pero hindi naman talaga.
I chuckled because of that.
Naitikom ko rin kaagad ang aking bibig nang tingnan ako ni Mommy, nagbabanta. Okay, I'll shut up.
Lumapit ang lalaki sa amin na may nakahanda ng ngiti, nakita kong pinasadahan niya ako ng tingin. What are you looking at huh?
"Good afternoon, Mrs. Montero." Nagmano siya kay Mommy. "Miss Montero," aniya saka inabot ang aking kamay para halikan sa likod pero kagaad ko na iyon binawi.
Napapantastikuhan ko siyang tinitigan, ang bastos ng kupal. Hindi uso paalam?
Siniko ako ni Mommy. Jaren's Mom gave us awkward chuckled.
"Oh, I'm sorry," ani Jaren, hindi ko makita ang pagsisisi sa boses niya.
"Pasensya ka na, Jaren," ani Mommy.
Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya, bakit siya pa ang humihingi ng paumanhin, hindi ba't dapat ang kupal na 'yan ang gumawa no'n dahil bigla na lang hahawak? Hindi naman kami close.
Nagpaalam na ang nag-ina, malakas akong bumuntonghininga nang nasa parking lot na kami ni Mommy.
"Ipinahiya mo ako sa kaibigan ko Lisa," kaagad na sabi niya.
Wala si Daddy dahil sa trabaho, may asawa naman na si Ate at ang bunso kong kapatid ay hindi sumama dahil masakit daw ang katawan dahil sa practice niya. Ako lang talaga ang laging sumasama kay Mommy. Ako rin lagi ang napapagalitan, minsan nga naiisip kong kaya kaagad nag-asawa si Ate ay para lang makaalis na kay Mommy. Baka iyon lang ang naisip niyang paraan para hindi na siya hawakan ni Mommy.
"Mom, he touched me without my consent," I said calmly.
Marahas siyang umiling. "Sa kamay lang naman, jusmiyo. Bakit si Kevin kung mag-akbay kayo ay gano'n lang, tabi kayong natutulog, pinapasok mo sa kwarto mo, oh ano?" dudang tanong niya, naningkit pa ang mata.
I sighed. "Ma, iba si Kevin. He's my bestfriend, kilala mo naman siya simula noong highschool ako..." And he's gay.
Hindi ko na naituloy pa iyon.
"Ewan ko sa'yo, Lisa. Walang lalaking makikipagkaibigan sa babae ng walang malisya. Okay naman sa akin si Kevin, mayaman sila. Mag-Teacher siya tapos 'yong negosyo nila siguradong sa kanya ibibigay ng Papa niya—"
"Mommy, tama na please! Tama na! Hindi ako nakikipagkaibigan kay Kevin dahil doon," I said in frustration.
Naikuyom ko ang aking kamao dahil sa klase ng mindset mayroon si Mommy. I don't know what happened to her before, for her to be like that. Hindi ko alam kung bakit siya ganiyan, minsan naiisip ko na lang kung bakit ibigay ako ni Lord sa kanya.
Kasi kung papapiliin ako, ayoko na.
Nangilid ang luha ko. "Tama na sa ganyan, Mommy. Puro na lang pera ang iniisip mo, si Ate kaya siya umalis sa bahay kasi ganyan. You pressured her to—" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang malakas na tumama ang palad ni Mommy sa pisngi ko.
"Wala kang karapatan sabihin sa akin iyan, anak lang kita Lisa! Wala ka rito kung wala ako!" sigaw niya.
Suminghap siya saka mabilis akong tinalikuran, sumakay sa kotse at iniwan ako roon.
Naikuyom ko ang aking kamao habang nakatingin sa papalayong sasakyan namin. Pinilit kong hindi maiyak, hindi ka pa ba sanay Lisa?
Nanginginig ako sa galit, galit para sa sitwasyon pero hindi kay Mommy. Kahit anong gawin niya ay siya pa rin ang ina ko.
Inilabas ko ang phone ko at tinawagan si Kevin. I need someone now.
"Hello, beb? Wassap?" bungad niya, rinig ko sa background ang ingay. He's watching thai drama again.
"B-Busy ka ba?"
Nawala ang ingay, mukhang pinatay niya ang pinapanuod.
"Hindi naman, beb. Tamang higa lang ako rito. Gusto nga kitang puntahan kaso naalala ko may lakad ka ngayon tapos—"
"P-Pwede ka bang pumunta rito?"
Nakarinig ako nang malalim na buntonghininga.
"Warla na naman kayo ni Mudrakels mo?" Tumango ako kahit pa hindi niya ako nakikita, dahan-dahan ako umupo sa gutter sa parking lot.
Malakas akong bumuntonghininga, tinitingnan na ako ng ibang dumadaan. Tsk, ngayon lang ba sila nakakita ng maganda na sinampal ng Nanay?
"Ano pa bang bago? Libangan ata ni Mommy pagalitan ako."
"Anyare ba?"
"Ikwento ko na lang maya, bilisan mo tapos dala ka rin ng pera hindi pa ako naglu-lunch," mahinang sabi ko saka pinatay ang tawag, alam naman niya kung nasaan ako.
Ilang minuto pa akong nakaupo roon nang may humintong tricycle sa gilid, pinanuod kong kinausap ni Kevin ang driver. He's wearing a taslan short and white shirt.
Mukha siyang f**k boy, lalo na sa bagong haircut niyang voguish hairstyle.
Kung hindi ko alam ang totoo ay gano'n ang iisipin ko.
Sinenyasan niya akong lumapit. "Saan tayo kakain? Hindi ba may practice ka ng sayaw? Kain muna tayo, sakay ka na." Turo niya sa tricycle na sinakyan niya.
Sumakay ako, bago siya. Ako ang nakasandal tapos siya ay halos kalahating puwet na lang dahil masikip, sinabi niya sa driver ang lugar na kakainin namin.
Binunggo ng tuhod niya ang tuhod ko saka ako nilingon. "Ayos ka lang, beb?" nag-aalalang bulong niya.
Nanginig ang ibabang labi ko, ayoko ng tinatanong ako ng ganyan dahil lalo akong maiiyak.
Imbes na sumagot ay dahan-dahan kong isinandal ang noo ko sa balikat ni Kevin, unti-unting tumulo ang luha ko at tahimik akong umiyak.
Marahan niyang hinimas ang ulo ko habang nasa gano'n kaming posisyon.
"Ayos lang 'yan, iiyak mo lang. Hmm. Jojombagin ko mga umaaway sa'yo."
Natawa ako kahit tumutulo ang luha.
_________________