Nagising ako ng alanganin dahil sa mga katok na narinig ko na galing sa pintuan ng kwarto ko. Ang ingay. Babalik na sana ako sa pag tulog pero yung mga katok mas lalo lang lumalakas. “Istorbo naman!” Hindi talaga natigil ang mga katok. Mas lalong lumalakas at parang nag mamadali. “Sino ba iyan!” Tumayo ako kahit labag naman sa kalooban ko. Pupunas punas ako ng mata habang lumalakad papalapit sa pintuan upang bukasan ang kung sino ang kamakatok doon. “SANDALE!!” inis na inis na sabi ko ito ang pinaka ayaw ko yung magigising ng alanganin dahil hirap akong bumalik sa pag tulog. Papikit pikit pa yung mata ko sa antok. Pag bukas ko ng puntuan ay bumungad si Auntie. Nagulat ako dahil dis’ oras ng gabi ay kumakatok siya ng ganun. “Bakit po?” inaantok pang tanong ko. Hila hila ko pa n

