Tinanggihan ko na siya kahapon pero eto ako ngayon nag iisip na ulit ng pwedeng idahilan para lang matanggihan siya sa pag aaya niya sakin na lumabas. Hindi ko alam bakit ba madalas na naman niya akong ayain kahit na panay ang tanggi ko sa kaniya. Ewan ko ba napaka mapilit ng lalaking yun. Nag text nga ako kay Luvien para sabihin sa kaniya na madalas na naman akong kinukulit ni Logan. Hindi na tumigil sa pag text sakin na lumabas na kame. Kaya nandito siya sa harapan ko sa loob ng office ko bigla siyang napasugod dito. “Sabe naman kasi sayo type ka ni Negro.” “Type? Dugo ba ako para maging type niya?” “Patawa ka Siren hindi ka dugo baboy ka remember?” Naiinis naman ako agad ng marinig kong iyon. “Tanginaaa mo Luvien!!” Tawang tawa naman siya.”Hindi ka sana makahinga!” inis na ini

