Nanatili ako sa loob ng office ko buong maghapon na iyon mula ng makabalik kame galing sa meeting ko sa Matin. Yung badtrip ko ay itinuon ko na lang sa pag aayos ng mga papers na nasa ibabaw ng aking mesa. Hinatiran na nga lang din ako ng lunch para makakain. Apaka yabang talaga ng isang iyon kung hindi lang talaga nabangasan ko na iyon. Si Daddy kasi ang nag sabi sakin na i’entertain ko dahil sayang ang connection. Pero kung ganun ang ugali at ang angas ng asta ayaw ko na din ata! Kung pwede lang sabihin na wag na at nakakainis ang ugali niya. Natigil kang ako sa ginagawa ko ng may kumatok sa pintuan ng office ko. “Lunchtime Siren.” “Go lapag mo na lang dyan,” Sabi ko. Lumabas na siya sa room. Ako ay inayos ang ibang tapos na at tumayo para kumain. Dame pa ding gagawin. Gusto ko ng

