Hindi ako makagalaw mula doon sa kinatatayuan ko. Tanging malakas na pag kabog ng aking dibdib ang tanging naririnig ko ng mga oras na iyon. Humugot ako ng lakas. Jusko bakit ganun? Kabang kaba ang nararamdaman ko. Ilang minuto pa ang lumipas dahil pilit ko pinapalakas ang loob ko para. Hindi ko maikilos yung mga paa ko. Nilakasan ko ang loob ko. Lumabas ako mula sa banyo. “Anong result?” tanong ni Luvien. “Penge pa ako isa.” sabi ko. Hindi ito kumilos. “Ano bang result?” usisa niya pa ulit. Nakakainis naman ito ayaw pa akong bigyan ng isa. “Bilisan mo na bilis!” Tsaka palang ito kumilos at kumuha ng pregnancy test. “O ayan gamitin mo lahat.” Nagulat ako sa inabot niya. Marami iyon nasa limang piraso din. “Ano pang tinatayo tayo mo d’yan gamitin mo na yan!” pag mamadaling utos ni

