Lumala pa lalo ang morning sickness ko kada araw. Kaya hirap na hirap ako tuwing gigising sa umaga palaging bumabaliktad ang sikmura ko na hinahalukay ng hinahalukay. Palagi ding pinag lalaruan ng baby ko ang emotions ko mas naging madamdamin ako ka onting kibot lang ay naiiyak ako o di kaya natatawa ako. "Nanay water po drink mo." Inabit ko yung baso ng tubig na hawak ni Dekdek. Nginitian ko siya. "Thank you baby, ang sweet mo talaga." Ininom ko iyon para kahit papaano ay maging maayos ako. "Nanay are you feeling okay?" nag aalalang tanong nito. "Nanay will be fine don't worry." Laging ganito kasi ang senaryo sa bahay tuwing magigising ako sa umaga. Alalang alala si Auntie sakin isang linggo pa lang ang naka limas mula ng mag pacheck up ako ay pinabalik na agad ako ni Auntie doon

