5 days left. Limang araw na lang pala ang natitira sa akin. Sa mga nagdaang araw ay hindi naging madali sa akin, dahil na rin sa pagkamatay ng dalawa kong kaibigan, hindi narin ako dinudugo, ewan ko kung bakit, hindi ko rin alam kase wala namang nalalagas sa buhok ko. At parang ayos naman ang pakiramdam ko na hindi? Di ko maintindihan. "Kain na tayo?", Yaya sa akin ni Spencer. Tumango ako bilang sang-ayon. "Pero bago tayo bumaba, pwede akong magtanong?", I said. Namilog ng bahagya ang mga mata niya. "Sure, honey, what is it?". "About sa Kasal natin, talaga bang peke iyon noon?". "Oo, pineke ko talaga---- " Eh, bakit nandito ka pang hayop ka ha! ", Singhal ko,saka siya pinagpapalo sa braso. "Hey, Calm down honey, ganito kasi yan", Aniya at saka tumawa ng malakas. "Binago ko, ipi

