Hindi ko na mapigilan pang umiyak, ganon narin itong mga taong nasa harapan ko ngayon. "Spencer,maging masaya ka", I said na patuloy paring bumubuhos ang mga luha ko. "Hindi ko kaya, huwag mo akong iwan please, itatama ko lahat ng pagkakamali ko", Sabi niya. "Ilang araw nalang, hindi iyon maaari", Tugon ko na ikinaiyak pa nila lalo. "Huwag please, ipagpanalangin nalang natin na magiging maayos ang lahat mahal ko", aniya. "Tama, maging matatag ka Andro, magiging maayos ang lahat, magiging maayos ka, manalig ka baby", Si kuya. "Mahal na mahal ka namin apo ko", Sabi ni lolo na humihikbi. Ayaw ko pa kayong iwan dahil sa nakikita kong sakit sa mga mata niyo pero, wala na akong magagawa 10 araw nalang ang itatagal ko. Matapos kaming mag dramahan ay napagpasyahan naming kumain ng hapunan

