"Where are you going?", nagulantang ako sa boses na iyon ni Spencer pagkalabas ko palang ng kuwarto ko, nagulat pa ako dahil, ano naman ang hinagawa ng gagong ito sa labas ng pinto ko?
"Pake mo?", Tinaasan ko siya ng kilay at saka nilagpasan.
"Do we have a problem, honey?", salita niya sa likuran ko.
"Honey your face at huwag mo akong idamay sa Problem-Problem na sinasabi mo", tugon ko.
"At saka I'm not going to have dinner here, kumain ka mag-isa mo, My Best friend needs me", Panggagaya ko sa sinabi niya noon.
"What the fvck?!", sigaw niya."Kung balak mo mang lumabas, you're not allowed, if you let me come with you, then Let's go", sabi niya at hinila ang kamay ko.
"Teka, nakaka gago ka na ah--
"Saan mo yan natutunan Andromeda Parker Alcantara?", tinaasan niya ko ng kilay habang binabanggit ang buo kong pangalan.
"I'm not your Mrs. Alcantara and I will never be your Mrs. Alcantara, remember?", anas ko at nakita kong natigilan siya sa sinabi ko.
"I'll explain everything in the right time honey pls, not now because----
"Alam mo hindi mo ako madadaan sa mga ganyan mo Alcantara, matagal nang gasgas yan", inirapan ko siya bago binawi ang kamay ko at naglakad patungong pintuan.
"Huwag mo na akong sundan, uuwi rin naman ako dito at hindi saiyo", ani ko nang hindi siya tinitingnan.
My tears fell... Again... Kailan ba to matatapos? Kailan ba mauubos tong hinayupak na luha ko? Ano to gripo?
Tinawag niya pa ang pangalan ko pero hindi ko na pinansin, hindi ako marupok no.... Unti lang...
Napag-isipan kong pumuntang bookstore nalang, I wanna buy new books again!
Nang makabili ako ay kumain muna ako sa korean Restaurant dahil gutom na gutom na ako, sobra.
Pagkatapos kumain nagwalwal pa ako unti at nong medjo gabi na ay deretso uwi na ako, wala naman na akong gagawin at gustong puntahan. Pagkarating ko sa bahay ay agad na bumungad sa akin ang gago, naka upo siya sa sofa sa may sala at deretsong nakatingin sa akin.
It's almost 8 in the evening at hindi ko namalayan kasi ang hour haha.
"Bakit ngayon ka lang?", Matigas at seryosong aniya.
Hindi ko siya pinansin at nagderetso ako sa kuwarto ko. Hindi pa ako nakakapasok ay bigla ulit siyang nagsalita sa likuran ko. Sinusundan pala ako ng gunggong.
"You're not going to sleep there, Nasa Kuwarto na natin ang mga gamit mo", aniya at napabaling ang tingin ko sa kanya.
Kuwarto natin...
Kuwarto mo gago...
"Talaga daddy?", inis ko sa kanya at natigilan naman siya.
"Stop calling me daddy, You're making me hard", ani nito at nagsimulang humakbang papalapit sa akin kaya tumalikod na ako.
"Hard naman talaga yang mukha mo", bulong ko pero nasisiguro ko na narinig niya.
"What did you say?", habol niya pero agad akong tumakbo papasok sa kuwarto ko at isinara ang pinto.
"Napaka tigas ng mukha mo sabi ko", sigaw ko sa kanya na nasa labas parin.
Bahala ka sa layp mong gago ka.
KINABUKASAN nagising ako dahil sa parang nababasa ang pisngi ko, unti-unti kong iminulat ang mata ko at mukha ni Spencer ang agad na nakita ko.
"Ay gagong pagong", gulat na ani ko.
Pinakatitigan ko siya at sa hindi malamang kadahilanan, umiiyak siya.
"Good Morning honey", aniya at tumalikod para punasan ang luha sa pisngi niya, nong tumingin na siya sa akin ay agad itong ngumiti.
"Let's go---
" Saan na naman? ", I cut him off.
" Kakain--
"Di ako gutom", pagsiainungaling ko.
"Honey", aniya at inabot ang kamay ko, saka hinalikan ito, nabigla ako sa ginawa niya kaya agad kong binawi ang kamay ko sa kanya.
"Uhm, Puwede ba akong pumuntang Mall mamaya?", paalam ko sa kanya.
Nag-angat siya ng tingin sa akin at saka tumango.
"Talaga?", masayang ani ko.
"Ofcourse, but before 6pm ay nandito ka na dapat", aniya...
It's already 11:06 now kaya nagsimula na akong magbihis at saka sa labas na ako kakain.
Habang ipina-park ko ang sasakyan ko---sasakyan ni spencer, hiniram ko. May mensaheng galing sa kanya, hindi na ako nag-abala pa na basahin iyon, nagderetso na akong loob ng restaurant para makakain muna.
Habang hinihintay ko ang order ko ay may isang matangkad at guwapong lalaki na lumapit sa akin.
"Andromeda Alcantara, right?", tanong niya sa akin.
Curiosity is killing me again.
Tumango ako at tumingin sa labas.
"I'm Zyair" Pagpapakilala niya, at wala akong pakealam doon.
"So?---
" I'm going to tell you something ", malumanay na aniya at umupo sa katapat kong upuan.
" Go ahead".
"I'm Spencer's Bestfriend", he uttered "Please Promise me one thing", pinakatitigan ko siya.
"Pag may nalaman ka man na kahit ano---uhm, basta tungkol sa kaibigan ko, pagpaliwanagin mo sana siya, Let him explain his side, hindi lang ikaw ang nagdudusa, siya rin, for goddamn b*llshit nonsense reason", aniya, kumunot ang noo ko dahil hindi ko maintindihan.
"Bakit naman--
"Basta gawin mo nalang pls", he beg, looking at me directly in the eyes.
"I'll try---
"Huwag mong subukan, gawin mo!", sigaw niya kaya lahat ng nasa tao dito ay nakatingin na rin.
"Teka ha, unang-una, hindi kita kilala, pangalawa kanina mo pa ako sinasapawan habang nagsasalita ako at pangatlo sino kang hayop ka para sigawan ako ha!!!", Sigaw ko at mas inilapit ang mukha ko sa mukha niya.
"Don't you ever do that again miss, baka bukas wala na ako", he said in a cold, low but serious tone.
"Ang ano, ito?", pang-iinis ko at mas inilapit pa lalo ang mukha ko, magkadikit na tuloy ang mga ilong namin.
Pinagpapawisan na siya dahil sa kaba kaya bahagya niya akong itinulak.
"Yun lang ang sasabihin ko saiyo, mauna na ako", aniya at sakto naman ang pagdating ng pagkain ko.
**
It's already 5pm at napagdesisyunan ko nang umuwi, wala pa ata si Spencer kaya pumunta na akong kuwarto namin---and yes doon ako matutulog ngayon, besides, malaki naman yung sofa kaya doon nalang ako.
Naamoy ko ang pamilyar na amoy nang maka pasok ako doon.
Ilang oras ang ginugol ko sa panunuod ng tv hanggang sa tuluyan na akong dinalaw ng antok, 11pm na at wala pa ang gunggong.
Nagising ako dahil sa tunog ng sasakyan sa baba, Tiningnan ko ang oras sa Cellphone ko at mag to-2am na pala.
Bumaba ako para tingnan siya, nakapasok na ata siya dahil bukas na ang main door pero hindi manlang nagbukas ng ilaw ang hinayupak.
Kinapa ko ang switch ng ilaw at nakita ko na siya----Kasama ang ex-girlfriend niyang si Caroline Gwyneth. They're kissing roughly and wildly like a hungry animal. Ano na naman ito Spencer? Ano na namang kababuyan ito?
Nangigigil na naman ako, nasasaktan na naman ako, kusang tumulo ang mga luha ko dahil sa nakikita ko. Ano ba kasi ang laban ko isang Modelo sa Ibang bansa, maganda, sexy, matangkad, mayaman, maputi, No words can Explain how perfect she is.
Ngayon na bumalik na siya,parang gumuguho na ang mundo ko. Kaya ko pa ba ito?
"Spencer", I uttered in a low voice.
"Andromeda,like what you see?", aniya at muli na namang hinalikan si Caroline.
"Wait babe, why don't you tell her the truth?", singit ng haliparut na ex niya.
"Anong truth?", hindi sila sumagot, ngumisi Si Caroline.
"Anong katutuhanan Spencer?", tanong kong muli, hindi na naman siya sumagot and he stared coldly.
"Spencer anong katutuhanan?Spencer tinatanong kita!!!! Spencer----
"Peke ang kasal natin", he cut me off.
Umatras ako, tumayo siya at lumapit sa akin, Naninikip ang dibdib ko, parang hindi ako makahinga, parang may nakabara, hindi ako makapagsalita, patuloy na tumutulo ang mga luha ko.
Napaupo ako sa sahig and cried loudly.
Ang sakit----Ang sakit, sakit,Wala akong ginagawang masama, nagmahal lang ako, pero bakit at ganito ang sinusukli sa akin? Hindi na nga niya ako inaalagaan, wala na nga siyang pakealam sa akin, hindi na nga niya ako kayang mahalin, pero bakit ngayon at pati kasal namin ay hindi totoo? Lahat nalang, hindi totoo? Ano pa ba ang dapat kong pagdusahan? Ano pa ba??!!!!!
Bakit.... Bakit....Lord I am now willing to return what you I just barrowed, and that's my life...
Accept the fact na minsan mas gusto na lang natin maging tanga kaysa mawala siya.
Tumayo ako, tiningnan ko siya, mata sa mata. "Honey", tawag niya, nakikita ko sa mga mata niya ang pagsisisi, sakit at pangungulila.
I wipe my tears "Ano bang benefit ang nakukuha mo sa tuwing sinasaktan mo ako?", Tugon ko, muli siyang naglakad papalapit sa akin kaya umatras ako. He tried to reach my hand my I placed it at my back.
"Sinaktan mo man ako ng paulit-ulit, mahal parin kita, patuloy mo man akong saktan papatawarin parin kita, nasasaktan man ako ngayon ng dahil saiyo, pero nasisiguro kong darating ang araw na pagsisisihan mo lahat ng ito", Bulalas ko. Tumakbo na ako sa kuwarto ko at doon umiyak ng umiyak.
Lumabas ako sa may veranda at doon sumigaw ng paulit-ulit.
"Ang sakit!!!!!!".
"Mahal na mahal kita, pero tama na!!!".
"Sinusukuan na kita!!!".
"Ito na ang huli na sasabihin kong mahal kita", ani ko at hindi ko na kinaya ang sakit kaya napaupo na naman ako sa sahig hawak-hawak ang dibdib ko.
Itutuloy....