Chapter 89 (Part 2)

1312 Words

Ito na marahil ang pinakamahimbing kong tulog magmula nang umalis ako sa poder ni Zavier. Paano’y magkasama kami ngayon, malayo sa lahat. Hinayaan din niya ‘kong mahiga sa ibabaw ng kanyang braso habang ang mukha ko ay nakapahinga sa kanyang dibdib. Dahil alam kong ligtas ako, dinalaw ako ng antok at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ‘ko. Mabuti at sa pagkakataong ito, hindi ako nagising dahil sa bangungot. Ayon nga lang, para akong binuhusan ng malamig na tubig nang mapansing bakante ang tabi ko – wala si Zavier sa kama! Agad akong napabangon. Dinaga ang dibdib ko nang maalala ang biglaang pag-alis ni Zavier noong unang punta namin dito. Kaya nga naiwan ako noon kasama ang mga tauhan niya. Nakaramdam ako ng takot dahil paano kung maulit na naman ‘yon? Gusto ko pa naman siyang ma

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD