We’ve come a long way before we got the chance to experience a moment like this… Para kaming old married couple ni Zavier habang nakaupo sa sala at may hawak na coffee mug. Kakatapos lang namin mag tanghalian. Kumportable kami sa katahimikan ng paligid. At nang maramdaman ko ang pag-akbay niya sa ‘kin, awtomatiko akong sumandal sa balikat niya. “Did you ever regret finding me on the streets and taking me in when I—?” …begged you to? Hindi ko nagawang tapusin ang sariling tanong. I didn’t want to make him feel bad. Hindi ko lang talaga mapigilang balikan kung paano kami nagsimula. “I only regret not finding you sooner. You should’ve never had to beg—for safety, for me. And if I could give you a safer world, I would,” namamaos ang boses ni Zavier. May hatid na kirot sa dibdib ang mg

