Hindi ako kumilos. Wala akong sinabi. Alam kong hindi tanga si Zavier para ialay ang buhay niya para sa ‘kin… pero hindi ko alam kung bakit ang puso ko, parang pinupunit sa bawat t***k; ang hangin sa paligid, parang unti-unting nauubos sa bawat segundo. Inilibot ko ang mga mata sa paligid, nagbabakasakaling makakahingi ng tulong sa ibang tao, pero hindi ko alam kung bakit parang kami-kami lang ang nandito sa basement parking lot ng mall. Napunta ang atensyon ko sa pasimpleng pagsenyas ni Pietro sa mga tauhan niya. Ramdam ko ang pag-ikot ng tyan ko nang dali-daling lumapit ang dalawa kay Zavier. Pinigilan ko ang sarili sa paglapit kaya buti at agad na rumesponde ang mga taga-Eagle’s Claw Empire. Nagmistulang pader sina Wowee at Eddie sa harapan ng kanilang boss. Ngunit dahil sa nangyar

