Mukhang napatunayan ni Zavier ngayong gabi na wala talaga akong maitutulong sa kanya. Kaya nga pag-alis ng party, pinasakay niya agad ako sa private jet at pinabalik sa Maynila. Oo’t hindi siya sumama. Nagpaiwan siya dahil may kailangan pa raw asikasuhin. ‘Ni hindi niya ako binigyan ng pagkakataong maipaliwanag kung bakit ganuon na lang ang takot ko sa pagliyab ng tela sa function room. Sobrang bilis ng mga pangyayari. Nasa ere na ako nang maproseso ko lahat. At dahil sa naghalong takot, pagkadismaya sa sarili, at sama ng pakiramdam, bumuhos ang luha ko. Ilang minuto ko ring iniyakan ang nangyari. Pinaghandaan ko pa naman kasi sana ang party na ito para mapakita kay Zavier na habang wala siya ay nagsipag akong ayusin ang sarili. Pero mukhang wala pa ring nagbago. Si Maymay pa rin ang na

