Nakatitig ako sa bintana ng kotse; mabilis ang takbo nito papunta sa address na ibinigay ko kay Pietro. Parang kakawala ang puso ko sa sobrang lakas at bilis ng t***k nito. Pero pilit kong ginawang blanko ang mukha dahil hindi ko pwedeng ipahalata ang kaba ko. Katabi ko sa likod ng sasakyan si Pietro; sa harapan ay may dalawang tauhan siya, ang isa ay nakatoka sa manibela. Walang nagsasalita sa aming apat kaya mas ramdam ko ang tensyon; dinig ko maging ang paglunok ko. “What do you want me to do later?” pagbasag ko sa katahimikan. Malamang pinasama nila ako dahil ako ang nagbigay ng impormasyon sa kanila. Sa akin din dapat makikipagkita ang taong gusto nilang hulihin. Naintindihan ko naman ito pero wala akong ideya sa kanilang plano, lalo na sa magiging partisipasyon ko. "Just meet hi

