Kapag nagkita kami ni Zavier, tatanungin ko siya tungkol sa Marasubwa. Importanteng malaman ko kung anong koneksyon niya sa lahi namin. Ito ang paulit-ulit na tumakbo sa isip ko habang nasa byahe kami pabalik ng Maynila. Katulad ng dati ay kasama ko sina Wowee at Eddie. Hapon na nang sumakay kami ng yate kaya naman inabot na kami ng dilim pagdating sa Maynila. Nagpababa lang ulit ako sa hotel at dito na humiwalay sa kanila. Malakas na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago dire-diretsong pumasok sa loob. Yumuko lang ako sa mga staff na bumati sa akin at huminto pagdating sa harap ng VIP elevator. Hindi ako sigurado kung dahil ba ito sa pamamasyal ko sa isla pero ngayon ko mas naramdaman ang pagod. Nahaluan din ito ng hindi maipaliwanag na lungkot. Gusto ko na lang mahiga at matulog uli

