Paulit-ulit sa isip ko ang naging pag-uusap namin ni Zavier sa headquarters. Kung hindi nga siguro nag-ring ang cellphone niya, malamang ay kung saan pa ito nakarating. Paano’y hindi ko inasahan ang hindi niya pagpayag sa pagbisita ko sa lugar ng mga Marasubwa. Gusto kong magtiwala na nag-aalala lang siya sa ‘kin dahil sa nakaraan ko. Pero may parte sa loob kong nagdududa ngayon sa kanya. Pakiramdam ko may malaking bagay na itinatago si Zavier sa ‘kin. Kaya mas gusto kong ituloy ang balak ko kahit na tutol siya. Napatingin ako sa pagbukas ng pinto ng kotse. Unang bumaba si Zavier at sumunod naman ako sa kanya. Nagsalubong nga lang ang kilay ko nang makitang nasa harap kami ng bahay niya. Agad akong humarap sa kanya. “Bakit dito tayo umuwi?” nagtatakang tanong ko. Pagkatapos namin mag-

