Hindi ko na pinansin pa ang mga camera sa bahay ni Zavier. Basta mabilis akong makaalis dito ay hindi na ito magiging problema pa. Imposible naman kasing mahabol pa niya ako sa airport gayong alam kong abala siya sa pinuntahan niya kagabi. Huminga ako ng malalim bago pinasok ang pinto sa kabilang gusali. Lumakas lalo ang kabog ng dibdib ko dahil sa dilim na bumungad sa ‘kin. Ngunit tinatagan ko ang loob ko. Nilabas ko ang phone ko at ginamit ang flashlight nito. Hinanap ko agad ang switch ng ilaw sa pader. Ayon lang, hindi ko alam kung dahil sa nerbyos kaya nahirapan ako. Nababahuan din ako dahil may masangsang na amoy sa paligid na hindi ko maipaliwanag. Basta umikot ang tyan ko at parang masusuka pa yata ako. Nang pakiramdam ko’y nagpapatagal lang ang paghahanap ng switch, ibinalik

