Dahil pareho kaming hindi pa naghahapunan ni Zavier, umorder siya ng pagkain sa lugawan malapit sa condo ko. Mabuti at may bukas pa kahit alanganing oras na. Mabilis itong na-deliver at ngayon ay tahimik ko siyang pinapanuod habang inaayos ito sa kusina. Kung unit ko lang ang titingnan, para kaming normal na magkasintahan. Hindi ko tuloy mapigilang isipin kung magiging normal pa ba ang relasyon namin ni Zavier o habambuhay na lang kaming maiipit sa mundo ng mafia at sa mga nangyayari sa Marasubwa. Napahikab ako nang saktong lumapit si Zavier sa sala dala ang mga pagkain. “Inaantok ka na. Paano ka kakain?” banayad niyang tanong. Pagkatapos naming magkatapatan kanina, pareho kaming kalmado ngayon. Marahil napagod kami sa pagbuhos ng emosyon na matagal-tagal din naming itinago sa isa’t i

