Chapter 44 (Part 1)

1799 Words

Masarap pakinggan nang paulit-ulit ang mga sinabi ni Zavier sa akin. At kung pakikinggan ko ang puso ko, walang pag-aalinlangan kong tatanggapin lahat ng mga ito. Pero naalala ko ang nangyari noong nasa ospital kami. Habang naghihintay ng X-ray result ay iniwan ako sandali ni Zavier para bumili ng inumin. Nakaupo ako sa waiting area nang may batang lumapit sa akin. May inabot itong papel. Tinanong ko kung kanino galing pero hindi ito nakasagot. Dumating na rin kasi ‘yong nanay nung bata kaya naiwan na ‘ko hawak ‘yong papel na bigay nito. Nang buksan ko ito, binasa ko ang mga nakasulat na salita: Kapag nanatili ka sa tabi nila, magiging abo ka. Nabitawan ko ang papel. Nanlamig ang buong katawan ko. Katulad kasi ito ng mensaheng natanggap ko noon sa penthouse. Akala ko nahuli na nila

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD